Chapter 13

1572 Words
Matalim ang titigan namin ni Pener. May tatlong baraha akong hawak na kailangan ay may pares o di kayay lahat ay pareho ng simbolo ng sa ganon ay panalo ako bawat ranggo. Kapag nanalo ay nataas ang ranggo. Kailangan ay makaabot sa gintong ranggo upang masabing panalo. May limang ranggo sa bawat laro ang unang ranggo ay tinatawag na Dalubhasang Ranggo, Ang ikalawa ay tinatawag na metal na ranggo, Ang ikatlo ay tinatawag na Pilak na ranggo, Ang ikaapat ay dyamanteng ranggo, at ang pang huli ay ang gintong ranggo. " Simulan na ang laban!". - Sigaw ng taga kolekta Dahil si Pener ang kampyon sya ang mambabalasa ng mag baraha. Hinde ko mawari sa pagkatao ni pener dahil halata sa kanya na magaling at matalino ito. Ngunit dahil sa kanyang katawan ay nakakatakot ang kanyang kaanyuan tila isang mam*tay tao. Isa akong manunugis ngunit pasasalamat ko na hinde ako kagaya ni Pener na ultimo kaya kang kainin ng buhay. Habang nakatitig ako aa kanya ay bigla itong ngumiti alam kong sinisindak nya ako ngunit nagkakamali sya. Sa dami ko nang napatay na kagaya ay simple nalang sakin na sa isang iglap ay mawala sya sa mundo. " Ilang tao na ang iyong napatay dahil sa pagkatalo ?". - tanong ko sa kanya at ngumiti nakita ko sa mga mata nya na nagtatanong sya sa kanyang sarili kung Bakit hinde ako natatakot sa kanya Binigay nya sa akin ang tatlong baraha.... " limamput tatlo at ikaw ang magiging limangput apat !". - sabi nya sabay tawa nito at tumawa din ang nga alagad nito kabilang na ang lalaking kalbo. "HAHA HAHA sobrang saya naman. ". - tumawa din ako at biglang tumigil sila sa kanilang pag tawa na tila nahihiwagaan sila kung bakit nakukuha ko pang tumawa sa kabila ng laban ko kay pener. " Alam mo ba kung ilan na ang napatay ng aking mga kamay ?". - nawala na ang aking ngiti ngayon panahon naman na sila ang aking takutin Binuklat ko ang unang baraha at ito ay Pito at sumisimbulo sa clover. Binulat ko ang pangalawa at Alas na Clover. At unti unti kong binuklat ang hiking baraha ito ay Jack na puso ... Kung mas mababa ang kanyang simbulo ay possibleng manalo ako sa unang ranggo ngunit kapag may parehas syang numero o simbulo at sya ang tataas sa ranggo. " Ngayon ay ipakita nyo na !". - sigaw ng taga kolekta Dahil ako ang naghamon ako ang unang lapag ng baraha . Pag lapag ko ng tatlo ay ngumiti ito at Tumawa sabay lapag ng kanyang baraha. Ito ay Jack na dyamante, jack na Puso , at Kwatro na clover. " ANG NANALO SA UNANG RANGGO WALANG IBA KUNDI ANG KAMPYON NATIN NA SI PENER !". - Sigaw ng taga kolekta " wohhh hoyy mag dasal kana dahil mamaya ay hinde kana humihinga !'". - sigaw ng mga nanood. Napansin ko na dumadami ang manonood at nakita ko ang dayuhang mula sa kaharian ng draculas umiiling ito na parang sinasabi na huwag ko bang ituloy ang laban. Ngumiti ako sa kanya para ipakita na hinde ako natatakot. Laban para sa pangalang ranggo ! " SIMULAN NA ANG LABAN!". Dahil si Pener ang nanalo ay sya parin ang magbabalasa ng baraha. Binigyan nya ako ng dalawang baraha. At sa pangalawang ranggo ay may idadagdag sa laro ito ay ang pagbunot namin sa baraha ng bawat isa. Ang baraha na meron ako ay, Sampu na brilyante , at anim na clober at ang huli ay tao na hari na puso . Sa pag kakataong ito ay talo na naman ako ngunit may pag asa pa kailangan ko lamang na mabunot ang parehas na numero. Una akong bumunot ngunit inilapag ko lang ito sa lamesa. At hinayaan ko lang syang bumunot sa aking baraha. Nabunot nya ang taong hari. Nakita ko sa nga mukha nya ang kanyang ngiti. Habang inaangat ko ang barahang nabunot ko ay naghihiyawan ang lahat sa paligid na tila sinusuportahan si pener. Sa pangalawang pag kakataon ay sy unti unti kong tinitignan ang baraha pagkakita ay nunero dos ang lumabas. " Ang nanalo sa pangalawang ranggo sy walang iba kundi si Pener !". - sigaw ng tagakolekta ng ginto Isa na lamang at panalo na si pener ngunit ay walang puntos. Nang pangatlong ranggo ay ako na ang nanalo ngunit pinagtataka ko ay tila gulat na gulat ang mga alipores in pener. Habang binabalasa ko ay nakita ko sa likod ng mga baraha ang mga palantandaan. Sinasabi ko na nga ba at nandadaya so pener kayat kapag hawak ko ang mga baraha ay titig na titig ito. ". Sa pang apat na ranggo ay alam kong muli ako ang mananalo, ngunit tila nag babago ang kagustuhan kong premyo!? Gusto ko ay buhay mo na lamang ang kapalit?". sabi ko at ngumisi ito. " malakas ang loob mo na sabihin yan! Hinde na mababago ang pinag kasunduan ! ". - sabi ni pener. " nagkakapagtaka ginoo ngayon lamang kita nakita rito? At tila pamilyar ng iyong pag katao ?". - sabi ni pener. Habang binibigay ko ang tagatlong baraha ay pinili ko ang hinde magkaperehong palatandaan upang ako manalo. " Sa ikaapat na ranggo! Ang mga baraha ng kalaban ang syang inyong baraha ! Mag papalitan kayo ! At muling bubunot sa mga baraha na nasa ibaba!". - paliwanag taga kolekta ng ginto o taga pangasiwa ng sugalan. Ang baraha ko ay Walong speyd , alas na speyd at Alas na puso. Dahil tatlo lamang ang baraha ay madaling tandaan iyon. At nag palit na rjn kami ng baraha nakita ko sa kanyang mata ang tuwa dahil sa maganda ang sana ay nabunot kong baraha. Ang baraha na pinalit nya sa akin ay walo na brillantes , haring puso at apat na puso. Bumunot sya sa akin at nabunot nya ang walo na brilliantes. Nang ako na ang bubunot ay kailangan ko ay ang alas na puso na nasa kamay nito ... Ginulo nya ang halera ng kanyang baraha " Huling alas mo kung hinde mo ito makukuha ay ito na rin ang oras ng kamatayan mo!". -sabi ni pener Ang akala nya ay hinde magagamit ang pandarayang kanyang ginawa. Dahil sa palatandaan nya ay alam ko kung nasaan ang alas na puso. Umiinit ang laban at lalong dumarami ang mga taong nanonood sa amin. Habang iniikot ko ang aking paningin at nakita ko si rodes na matalim ang tingin sa akin. Na tila sinasabi ng mata ni rodes na sumabak ka sa isang gulo na hinde ko pwedeng atrasan. Dahan dahan akong bumunot ang akala ni Pener na ang barahang may dalawang guhit na palatandaan ang aking pipiliin ngunit ang pinili ko ay ang may guhit na bilog sa likod nito dahil alam ko ito ang alas na puso. Pag kuha ko ng bilog ay tila binuhusan ng malamig na tubig si pener. Ngayon ang kanyang ngiti ay napalitan ng dismaya. . " sa pang apat na ranggo ang nanalo ay naghamon sa kamyon! ". Nag hihiyawan ang lahat ... Kanina ay maraming kumukutya sa akin dahil sa akala nilang mabilis lang akong matatalo ngunit hinde nila alam na mas tuso pa ako sa tuso. " Matalino ka hinde tulad ng inaasahan ko! Nakita mo ang mga yon kahit na maliit ang mga palatandaan dito ?". - sabi ni pener na tinutukoy nya ang ginawa nyang palatandaan sa likod ng baraha para sa kanyang pandaraya. " tila maraming tao na ang iyong naloko ! Dahil sila ay mang mang ! Nawalan sila ng buhay dahil sa kanilang mangmangan? Ngunit sino ang totoong mangmang ang mandaraya o ang biktima nito? Bakit ka pumatay ng tao na alam mong wala kang mapapalala rito kundi iilang pirasong ginto? ". - sabi ko at nagsimulang magbulong bulungan ang paligid. Dahil sa sinabi ko ay nagalit si Pener at hinampas ang ibabaw ng lamesa at itoy nasira. . " Bigyan nyo kami ng bagong baraha ! Ngayon ang huling ranggo ! Maglaban tayo ng patas !". - galit na galit na sabi ni pener. Pinalitan ng panibagong lamesa at ng baraha. Ngayon ang huling ranggo ang tunay na laban. " Simulan na ang huling ranggo!". Dahil ako ang nanalo sa ikaapat ay ako ang nag balasa. Wala akong nakitang palatandaan na maaaring magamit nya sa pandaraya. Binigyan ko sya ng limang baraha at gayundin sa akin . Ang huling ranggo ay may limang baraha ang kailangan ay may dalawang pares na numero o letra para manalo ngunit mas mataas ang may mag kakaparehong letra ang pinaka mataas ay ang lahat ay pare pareho ng simbulo na may kasamang tatlong prehong numero o letra. Meron akong dos na clover apat na clover alas na clover at jack na clover at ang huli ay sampu na clover. Maswerte ako sa aking baraha dahil mataas ito sa nga pares. Kung wala sya ng pinakamataas ay ako na ang nagwagi. Ngunit hinde pa natatapos ang laro para mag bunyi " ibaba ang inyong mga baraha !". - Sigaw ng taga kolekta Binaba namin na nakataob upang hinde makita ng isat isa. Ngayon ang gagawin ay isang manonood ang mag papalit ng baraha. " sino ang gustong mag palit ng baraha? ". Ang walang takot na nag taas ng kamay ay so rodes. Nagulat ang lahat kay rodes halata na kilalang kilala nila ito. Ngayon nasa kamay na ni rodes ang aking kapalaran. **to be continued**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD