Chapter 3

1652 Words
Sinabi sa akin ni fussia na napaka higpit ng siguridad ng palasyo . At sinabi din nito na magagaling ang mga tagapag bantay dito kaya't malabo akong makapasok kung nasaan ang talaan. Sinabi nya din saken na kung ito lamang ang aking pakay ay ipag paliban ko na ito dahil malabo na matupad ang aking nais. Sinabi nya na mabuti pang mag bakasyon na lamang ako sa kanilang kaharian o kaya'y dito na manirahan dahil madali lamang daw manirahan dito kaylangan ko lang din mag bigay ng impormasyon sa aking buhay mula ng akoy ipanganak. Hinde rin dito pwedeng manirahan ang dayuhan ng mahigit dalawang taon . Kapag ito daw ay lumampas sa dalawang taon ay possibleng ikulong sa pag kakasalang espiya ng ibang palasyo . Lalo't hinde ka nag bigay ng iyong impormasyon. " Dahil ako si Moon ay hinde ako maaagam agam na ituloy ang aking mission !". - bulong ko sa sarili habang uminom ng tsaa tanaw tanaw ang magandang tanawin ng veril Natatanaw ko na padating ang tatlong babaeng naging aking kaibigan simula ng araw na pumunta ako dito sa kaharian ng independentas . May mga dala dala itong mga gamit na mukang pamilyar sa akin . " Hay nako ! Nahirapan kaming makuha sa kanya ang mga gamit mo!". - bungad ni fussia na halatang hingal na hingal ito at tama ito nga ang aking mga kagamitan. " Ah ganon ba bakit naman kayo nahirapan! Mabuting ipinatawag nyo na lamang ako para nakausap ko rin sya ?". " Nakita namin ang lalaking sinasabi mo! Nakipag talo kami sa kanya dahil ayaw nyang maniwala na samin mo hinabilin itong gamit mo na kunin sa kanya ! ". - Sabi pa nito " Ah dahil may pinag usapan kami na bibigyan ko sya ng ginto kapalit ng pag pasok ng gamit ko sa kaharian !". - paliwanag ko " Binigay nga ni madam fussia ang Isa nyang ginto na galing sayo ! ". - Sabi ni Casu " Huwag na raw namin bangg---". - may sasabihin sana si daisy ngunit tinakpan ni fussia ang kanyang bibig . Batid ko naman ang ginawa ni fussia na binigay nya ang ginto na aking binigay sa kanya . Mapapatunayan na nga na may mabuting puso si fussia. Dahil sa kanyang ginawa ay kumuha ako ulit ng dalawang ginto kapalit ng Isang ginto na kanyang ibinigay sa mag lalakbay . " Batid ko ang iyong ginawa fussia , tanggapin mo itong dalawang ginto !". - Sabi ko at kitang kita ko sa kanyang mukha ang pag kagulat " Hinde ! Hinde ako nag hahanap ng kapalit ! Sobra na ang binigay mo na ginto noong nakaraan ! Ang Isang ginto ay hinde kakulangan sa akin ! ". -pag tanggi nito at hinawakan ko ang kanyang kamay at nilagay ang ginto sa kanyang palad . " Malaki ang Halaga ng bawat ginto na iyong binigay sa amin mora !". - Sabi ni daisy " Kaya't labis kaming nag papasalamat sa iyo. Ang Isang ginto na iyong binigay ay halaga ng Isang malawak na lupain ". - Sabi Naman ni Casu " Tanggapin mo iyan fussia alam kong karapat dapat kayong bigyan ng ganyan . Binigyan nyo ako ng tahanan , pag kain at damit . Bibihira sa dayuhan ang makaranas ng ganitong pag trato !". - tumulo ang luha ni fussia habang sinasabi ko ang pag papasalamat " Alam mo ba na dahil sayo ay makakalaya na ang asawa ko ?! - Sabi nito hinde ko batid na may asawa na pala si fussia dahil sa pananamit at itsura nito ay mukang isang dalaga . Hinde maakila na talagang mataas ang kanyang edad sa dalawang babae na si Casu at daisy ngunit hinde maitatanggi ang kagandahan ni fussia " Kailan makakalaya ang iyong asawa akoy nagagalak at may makasama akong uminom ng alak hahaha". - pabiro kong Sabi " Ngunit tatlong buwan bago sya muling makalaya dahil may kailangan pang proseso.! " -sabi nito " Kung gayon ay dapat maging masaya kaparin . !". - Sabi ko at kinuha ko na ang kanilang mga bit bit na gamit. " Magluluto nga pla kami ng Karne mora at curry .". - Sabi ni daisy " Hinde nyo na kailangan pang gawin iyan. Marunong naman ako mag luto , marami na kayong nagawa para sa akin baka mamaya ay maapektuhan na ang inyong mga trabaho .". - Sabi ko dahil nahihiya na ako sa kanila sa mga ginagawa nila para sa akin tulad ng pag lalaba ng aking damit at kung ano ano pa " Hinde mora .. dahil kahit Isang taon kame mag trabaho ay hinde kame mauubusan ng salapi dahil sa bigay mong ginto !". - Sabi ni Casu . Ganon na lang pala ang halaga ng ginto na aking binigay sa kanila. Paano kung Isang Sako ng ginto ang dinala ko . Edi kaya ko ng bilihin ang buong kaharian. Matapos nila sa mga Gawain ay nag paalam na sila na uuwi. Kailangan ko na din mag Plano para mamaya pag sapit ng bilog na buwan. Sigurado akong kahit gaano ka higpit ang seguridad ay makakapasok ako sa loob ng palasyo. Inihanda ko ang lubid, patalim at Isang baril. Gumawa din ako ng maskara na tanging mata ko lamang ang natatakpan para kung sakaling may makakita sa akin ay hinde nila ako makikilala dahil sa isusuot kong maskara. Pagsapit ng dilim ...at pag silay ng kabilugan ng buwan.. May bantay sa tarangkahan ng palasyo kaya wala akong pag pipilian kundi umakyat sa pader na nakapaligid sa palasyo . Hanggang sa marating ko ang kwarto ng Reyna. Mabuti ay mabili ko ang librong kaalaman ng buong kaharian. Kahit kwarto ng bawat nakatira sa palasyo ay nakalagay dito kaya't pati ang kwarto ng Reyna ay nalaman ko. Sinasabing pinili ng Reyna sa may mataas na tore dahil sa gusto nitong pag masdan ang mga buwan tuwing Gabi kaya't dapat ako magingat baka gising pa ang Reyna sa mga oras na to . Mukang marami ding guwardiya sa paligid kaya't kapag hinde ako nag ingat ay mahihirapan na ako sa aking mission at possible na mahuli at bitayin pa ako. " Bilog na bilog ang buwan malamang ang Reyna ay masayang pinag mamasdan ito !". - Sabi ng katulong ng kaharian sa kanyang kasamang katulong habang nag sasampay ng mga damit . " Pero maaring mahimbing na itong natutulog dahil din sa matinding ensayo ang ginawa nila ni ashira kanina !". - Sabi Naman ng Isang babae Akoy naguguluhan pero mas mabuti na tiyakin ko na natutulog ang Reyna kapag oras na pumasok na ako sa kanyang silid . Dahan dahan ako umakyat sa pader at gamit ang kutsilyo ay tinatasak ko iyon sa pader para mag karoon ako ng kapitan at hinde ako tuluyang mahulog. Mabuti at mabilis din akong nakatawid ng pader ng palasyo at walang kaalam alam ang mga guwardiya na may Isang assasin na nakapasok . Akala ko ay sobrang higpit ng palasyo na kahit ang tulad kong assasin ay hinde makakapasok pero nag kakamali ako . Nang makarating ako sa silid ng Reyna ay sumilip muna ako sa bintana nito . Nakita ko sobrang dilim ng silid at napakalawak nito. Magaganda rin ang mga dekorasyon tulad ng inaasahan ko. Dahan dahan akong pumasok at nag iingat . Maging ang kama ng Reyna ay maraming palamuti nakita ko na mahimbing itong natutulog. Ngunit saan dito nakalagay ang talaan. Ang sabi saken ni fussia na kapag nakapasok daw sa kwarto ay may isang pintuan na ang loob ay maraming libro na nag lalaman ng kwento at sari saring impormasyon sa buong mundo . Kaya't Isa ang kahariang Independentas sa pinaka matatalinong pinuno. Sa likod din ng pintong yun nakalagay ang talaan. Dahan dahan akong lumapit sa pinto at ng binuksan ko ito ay kailangan ng susi. Tiyak akong tinago iyon ng Reyna . Kaya't dahan dahan kong tinignan ang mga lagayan nya ng damit . Lagayan nya ng alahas at mga pampaganda . Ngunit wala akong nakitang susi. " Kung ako ang Reyna saan ko ito itatago ? Gayong alam ko naman na may mahalagang bagay na kailangan kong ingatan !". - bulong ko sa aking sarili Mabuti at maliwanag din ngayon ang buwan kaya't nakikita ko ang buong paligid ng kwarto nito. Pag silay ko sa natutulog na reyna ay biglang may kuminang sa kanyang kamay . Nakasuot sa kanya ang gintong susi. Sigurado akong iyon ang susi ng pinto kung nasaan ang talaan. " Hinde ko maaring kunin iyon ! Dahil siguradong magigising ang Reyna !". - bulong ko muli sa aking sarili Ngunit kailangan kong matapos agad ang mission. At mahanap ang nawawalang anak ng hari ng feiliposna. Kaya't dahan dahan akong lumapit sa Reyna nang hahawakan ko na sana ang kamay nya para tanggalin ang susi ay napansin ko ang taglay na kagandahan ng Reyna. Alam kong Isa sya sa pinaka batang Reyna pero Ang ganda nya ay walang katulad. Kahit sinag lamang nang buwan ay nag niningning ang kagandahan nito. Mahahabang pilik mata makikintab na buhok at magagandang kutis , mapupulang labi at hinde lang yon pati na rin ang hubog ng kanyang katawan . Hinde ko maiwasang mapalunok dahil sa kagandahang tinatangi nito. Dahan dahan akong umupo sa kanyang tabi upang makita ang tinataglay nitong kagandahan . Tila na walan na ako sa pokus para sa aking mission . Dahan dahan kong nilapit ang aking mukha para bigyan sya ng Isang halik . Tila hinihila ako ng kagandahan nya para gawin ito ... Nang mag lapat ang aming labi ay nakaramdam ako ng elektrisidad sa aking katawan . At bumibilis ang t***k ng aking puso . Sa sandaling yon ay nalimutan ko kung sino ako . " Mali itong ginagawa ko !". - bulong ko sa aking sarili , pag katayo ko ay nagulat ako ng biglang may humawak sa aking kamay . Sa susunod na kabanata....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD