Chapter 4

1624 Words
" anong ginagawa mo sa aking silid ?". - sambit ng Reyna habang hawak parin nito ang aking kamay. Hinde ko kayang lingunin sya dahil ang kailangan kong gawin ngayon ay makatakas lalo't bigo ako sa mission ko ngayong Gabi. Tinanggal ko ang pag kakahawak nya sa akin at mabilis na lumabas mula sa kanyang bintana . Nang makalayo ako ay tila naka tingin lamang sya sa akin at tila rin hinde makikita sa kanya natakot sa akin ? Kahit nakalayo layo na ako ay natatanaw ko pa rin syang nakasilip sa bintana tila mukha syang Isang dyosa. At hanggang ngayon ay naalala ko parin ang kanyang wangis at malalambot na mga labi na tila mananatili sa aking isip. Hinde magiging madali ang aking mission hinde tulad ng aking inaasahan . Dahil sa nakita ako ng Reyna ay magiging maingat na ito sa susunod kaya't kailangan ko na din mag ingat at gumawa ng panibagong Plano para makapasok sa talaan ng palasyo. Gising kaya sya nang nagnakaw ako ng halik sa kanya ? Bakit tila kampante sya at hinde man lang sya kaagad tumawag ng gwardiya na tiyak nasa labas lang ng pinto ng kanyang silid . Habang ako ay nag lalakad ay napadaan ako sa isang bahay aliwan. Tinapon ko ang maskara na suot ko para kapag hinanap ng Reyna ay makita nya na tinapon ko ito at hinde ako mahuli ng palasyo. " Isa kang dayuhan ?! ". - sigaw ng lalaking naka suot ng magarang damit pag kapasok ko palang ng pinto. Maraming babae at alak kaya't siguradong magiging masaya ang aking Gabi panandalian para malimot ko ang natatanging kagandahan ng Reyna. " Paano mo nasabing Isa akong dayuhan ?!". - tanong ko dahil kung titignan ang kasuotan ko sa salamin ay talagang hinde na mapapansin na Isa akong dayuhan. " Mapapansin mo na ang kahariang independentas ay Ilan lamang ang makikita mong kalalakihan ! Kaya't kilala ko ang bawat lalaki dito sa kaharian dahil kokonti lamang sila ! Lahat ng kalalakihan ng kaharian ay dito nag pupunta upang makatikim ng pnandaliang kaligayahan o kasiyahan.!". - Sabi ng lalaking ito akoy tila nalibadbadaran sa kanya dahil mag sasalita at mag papaliwanag na lamang ay umiikot pa. " Kung ganon ay bigyan mo ako ng masarap na alak na pinagmamalaki ng inyong kaharian !". - agad kong inabot sa kanya ang maliit na ginto at nanlaki ang kanyang mga mata " Totoo ba itong ginto?!". - nag tatakang tanong pa nito " Oo totoong totoo yan kahit ipakita mo pa sa mga mangaalahas !". - Sabi ko " Sandali muna may Mang aalahas ngayon dito !". - Sabi nya at umalis upang ipatingin ang gintong aking ibinigay para sigurado . Ang totoo ay marami akong ginto ngunit yang maliit ang nadala ko ngayon. Pati maraming salapi na naiwan sa bahay na aking tinutuluyan at nakalimutan Kong dalin. Alam kong malaking halaga sa kanila ang ginto .Wala pang sampung minuto ay bumalik na din ito na may malaking ngiti sa labi . " Alam mo ba na itong bahay aliwan namin ang may pinaka masarap na alak ?". - bungad nya sa akin at hawak nya ang aking braso patungo sa may lamesa malapit sa kanawan ng mga alak. " Kamusta ang ginto na ibinigay ko sayo tunay?". - tanong ko pa pero kitang kita ko naman sa kanyang reaksyon na tunay ito para pag silbihan nya ako . " Syang tunay na tunay ! Alam mo bang malaking halaga Ang ginto dito sa kaharian ? Kung gantong ginto ang ibabayad mo ay katumbas na ito ng Isang tahanan !". - paliwanag nya sa akin pero alam ko na rin ang tungkol don dahil ipinaliwanag na ito ni fussia . " Alam ko ". - maiikling sagot ko " Kung ganon nais mo parin ibayad ito sa akin?". - tanong ng lalaki " Oo nasaiyo na ang ginto . Ang tanging gusto ko lamang ay isang masarap na alak !". - Sabi ko " Kung ganon !". ~CLAP~ CLAP~. pumalakpak sya ng dalawang beses at dumating ang tatlong babae na may dalang keso at mga Karne at nilagay sa lamesa . Ang lalaki naman na nag kakanaw ng alak ay inabot sa akin ang pulang alak na nakalagay sa malinaw na baso . Namangha ako dahil handa na sila sa aking kailangan ngayon ay punong puno ang aking lamesa ng mga sari saring pag kain at alak . ~CLAP ~ CLAP~ Biglang dumating naman ang mga mangaawit at ksama ang mga buong Banda nito. " Tila engrande ang iyong inihanda ?". - Sabi ko " Ginoo espesyal ka kaya ganon na lamang kulang pa iyan dahil sobra sobra ang gintong iyong binayad . Alam mo bang ngayon lamang may magbayad sa akin ng ginto?". - nakangiting sabi nya at umupo sya sa aking harapan " Kung ganon Ikaw ang nag mamayari ng bahay aliwan na ito? Sa kaharian ng Feiliposna ay marami pa akong ginto na kadalasan ito ang binabayad naming mataas ang antas ng lipunan !". - aking sambit na kinadilat naman ng kanyang mga mata "Halata naman na ako ang nag mamayari nito hinde lamang ito ang aking negosyo marami pang iba . Kung gayon ginoo Ilan ang ginto mo sa inyong kaharian ?". - tanong nito sa akin kapag sinabi ko kayang Isang silid na ang gintong mayroon ako na kung tutuusin ay mas marami na sa hari ng feiliposna dahil hinde lamang pabuya ng hari ang mga gintong aking pag mamayari kundi sa mga taong aking napaslang ay may nakukuha din akong ginto sa kanila. Hinde ko pwedeng sabihin sa kanya kung gaano karami dahil kailangan ko mag ingat . " Isang kahon ang aking ginto sa aking kaharian ! Ngunit ang tanging dala ko lamang dito sa aking mi~ ayy paklalakbay ay limang piraso lamang ! Iyan ang pinaka maliit ". - sambit ko at tila kamuntikan ko nang masabi ang mission ko "Isa kang mayaman na tao ginoo . Ngunit bakit napakarami ng iyong ginto ginoo? Ano ang iyong trabaho?". - tanong nito na hinde ko dapat sagutin dahil Isa itong sikreto " Isa akong doctor na nanaliksik sa ibat ibang kaharian kaya't ngayon ay naglalakbay ako ". - palusot ko " Ahhh kaya siguro marami kang ginto ! Alam mo ba ginoo na maari mong mapangasawa ang Reyna kung Ikaw ay dito na maninirahan sa kaharian ng independentas !". - tila nagulat ako sa kanyang sinabi dahil sa aming kahariang Feiliposna ay kailangan dugong bughaw Ang maaring ipakasal sa isang Reyna o hari maging prinsesa o prinsipe. " Ngunit hinde ako dugong bughaw ! Isa lamang akong maharlika sa aming kaharian kaya't paanong ang kagaya ko ay pwedeng ipakasal sa isang Reyna na hinahangaan ng ibang mga kaharian ?" - tanong ko at ngumiti sya " Dito sa kaharian ay malayang umibig ang bawat mamayan kung Ikaw ay naninirahang tunay sa kaharian. Dahil dito may batas na pantay pantay ang bawat Isa lalo't tungkol ito sa pag ibig . Kaya't maraming pumupuri sa Reyna dahil sa batas na kanyang pinapasa Isa lamang iyan ngunit maraming batas ang palasyo na iba sa ibang kaharian ". - tila tunay ang kanyang sinabi dahil unang Kita ko sa kaharian ng independentas ay alam ko nang naiiba ito sa ibat ibang aspeto at istilo. " Kung ganon gusto ko syang pakasalan ? ". - Sabi ko at tumayo ito na parang handa na itong ipaliwanag " Hinde ganoong kadali iyon ! Sa tingin mo ba bakit walang asawa ang Reyna kung madali lang pala ang pag papakasal sa kahit anong estado ka ?". - Sabi nito na tila Isang guro na may pag kumpas nang mga kamay habang binabanggit ang bawat salita. " Kung ang mga taong nagiibigan ay maaring ikasal ngunit ang sapilitan ay hinde maaring ikasal labag ang pag kasunduan lamang ng walang pag ibig ". - masyadong komplikado Nais ko lamang malaman kung makuha ko ang puso ng Reyna at maipakasal dito ay magiging daan ko para matapos ang mission. Ngunit hinde ganoong kadali iyon tulad ng inaasahan. Naalala ko naman ang nasulyapan ko kanina tila napakaganda ng Reyna ng kahariang ito . " Ginoo? Tila namumula ang iyong mukha ?!". - banggit ng lalaking aking kausap " Dala lamang ng alak na aking iniinom !". - Sabi ko at binuksan ang Isa pang alak na nasa aking harapan tila kakaiba din ang timpla ng mga ito. " Sabihin mo nga sa akin paano ko mapapaibig ang Reyna ?". - tanong ko at tila nagbigay sya ng Isang malaking ngiti na tila binibigay nyang malisya ang aking sinabi " Ginoo? Alam kong labis at walang kupas ang kagandahan ng Reyna sa kabila ng problema at ginagawa nyang pamamalakad sa palasyo . Ngunit sa ilang kalalakihan at nag kikisigang lalaki ay miski Isa ay Walang sinuman ang nakakuha ng puso ng aming Reyna ! Lalo't Isa kang dayuhan !". - Isa lamang ang sagot na gusto kong marinig "Paano ko sya mapapaibig ?". " Ang Reyna ay iba sa lahat ng kababaihan ! Ang kanyang kasabihan sa kanyang sarili ay hinde nya kailangan ng katuwang sa pamamalakad sa buong kaharian !". ,- Ang sagot ay wala pa rin " Ngunit paano ko sya mapapaibig ?!". Sumeryoso ang kanyang mukha " Walang may alam kung paano ! Dahil sinabi ko nga na kakaiba syang babae . Kung sino man ang ibigin ng Reyna ay lubos na kahanga hanga sya dahil napaibig nya ang natatanging Reyna ng kaharian ng independentas !". Tumayo ako at kinuha ang aking mga kagamitan syaka walang paalam na lumabas sa bahay aliwan . " Ginoo! Bumalik ka muli ha !? May sasabihin pa ako sayo tungkol sa palasyooo!!". - Sigaw nito . End of Pov.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD