**KINABUKASAN...**
Pagising ko ay tila sumasakit ang aking ulo dulot siguro ng alak na iniinom ko kagabe sa bahay aliwan. Nag painit ako ng tubig at kinanaw ang masarap na tsaa ng Veril. Kape ang iniinom ko sa kaharian ng Feiliposna pero dito sa kaharian ng Independentas ay wala akong makitang kape na maari kong inumin kahit libutin ang pamilihan. Pag labas ko ng bahay na aking tinutuluyan ay pumunta ako sa may duyan malapit sa aking bahay . Umupo ako at tinatanaw ang magandang tanawin sa Veril na kulay luntian
" Ginoo?! Tila maaga ka ngayong gumising ?". - nagulat ako nang biglang may magsalita . Ito ay si Casu, palagi silang maagang pumunta ni daisy dahil inaasikaso nila ang mga gawaing bahay. Hinde ko naman na hiniling na gawin nila ito araw araw ngunit mapilit sila pasasalamat daw sa mga ginto na binigay ko sa kanila.
" sumasakit kasi ang aking ulo dahil sa mga ininom kong alak kagabi !". - Sabi ko
" alak ginoo? Saan ka nakakuha ng alak? Wala ka namang inuutos samin na bumili ng alak?". - tanong ni casu, alam kasi nilang hinde ako umaalis sa Veril sila ang bumibili ng mga kailangan ko.
" Ahh! Pumunta akong bahay aliwan!". - Sabi ko at tila gulat na gulat sya at mabilis na lumapit sa akin at binaba nito ang mga dala dalang pag kain. " Oh bakit ?"
" Paanong nakapasok ka sa bahay aliwan ? Mga maharlika lamang ang nakakapasok sa bahay aliwan ng independentas ! Mahigpit sila sa mababang antas kaya galit na galit si fussia sa may ari nito !". - Sabi ni casu ibig sabihin kilala ni fussia ang lalaking may ari ng bahay aliwan
" Gusto kong alisin ang aking pagkabagot at lumibot ako at doon ko nakita ang bahay aliwan at nagbinigyan ko sya ng maliit na ginto ! Kaya't pinapasok ako at binigyan ako ng sobra sobrang alak !". - Sabi ko
" Ay nako ginoo wag mong babanggitin yan kay fussia tiyak na magagalit iyon sayo !". - Sabi nito na may pag nguso pa sa kanyang nga labi
" huh anong problema don e nayayamot ako dito ? Gusto kong matikman ang alak ng independentas lalo't gusto ko lang naman libangin ang aking sarili! ".
" Kase ginoo magkaribal yang si feugo at si fussia sa kanilang mga negosyo !". - Sabi ni casu
" Negosyo ? Hinde naman mawawala ang karibal sa negosyo? Ano pat nag aaway sila lalo't mag kaiba naman ang kanilang pinagkakakitaan ! Ang lalaking iyon ay sa bahay aliwan at si fussia naman ay sa kagamitan !". - Sabi ko
" Hinde mo naiintindihan ginoo !". - Sabi ni casu sabay upo sa kabilang duyan
" Hinde ko talaga maintindihan kung hinde mo sasabihin sakin !". - sabi ko at sumeryoso ang kanyang nga mukha
" Wag mo nalang sasabihin kay fussia na sinabi ko sayo ang tungkol sa kanyang nakaraan ! Dati silang magkasintahan ni fuego at niloko sya nito hinde sumipot si fuego sa kasal nilang dalawa dahil sa isang babae na labis din pinagkakatiwalaan ni fussia ! ". - seryosong kwento nito kung ganon ay nasaktan ng lalaking iyon si fussia
" hmm sino naman ang babaeng iyon?". - tanong ko dahil nakakainterasado ang buhay ni fussia at para makilala ko pa sila ng husto.
" Walang iba kundi ang kapatid nya mismo ! Kayat kahit ang pamilya nito ay kanyang itinakwil ! ".
" huh? kung ganon at wala na syang tinuturing na pamilya ? Pero para saan kung bakit nag papakahirap sya mag negosyo ?". - tanong ko at tumingin sya sa akin na tila madaming kahulugan sa mga mata nito.
" Hinde mo ba napapansin ginoo ? Kami na ang pamilya ni fussia ngayon at turing namin sa isat isa ay magkakapatid ? Kase sya ang kumupkop sa amin na dati kaming bayarang babae ni daisy ! Binago ni fussia ang buhay namin ! Hinde sya tumitigil sa pag tulong sa iba kahit ang nga bilanggo ay tinutulungan nya at binibigyan ng pag kain !". - sabi ni casu
Ngayon ay malinaw na sakin ang lahat. Una palang ay alam ko nang labis na napakabuti ng mga puso nito. Kayat hinde den ako nag dalawang isip na pagkatiwalaan sila.
" maiwan muna kita ginoo kanawan kita ng mainit na kape .".
Pakiramdam ko ay magtatagal ako sa mission ko dito sa kaharian ng Independentas. Hinde lang dahil sa problema ko na alam nang reyna na may manloloob sa kanilang palasyo kundi dahil sa kakaibang kaharian na to. Pakiramdan ko ay matagal na akong nakatira dito. Aaminin ko na mas maganda ang kaharian ng independentas sa batas, kasuotan, mga lugar at higit sa lahat dahil sa reyna.
Natatanaw ko na padating si fussia. Nakakapagtaka kung bakit maaga rin syang pumunta dito ?
" Maaga ka ngayong pumunta? Sarado ba ngayon ang mga tindahan mo?". - tanong ko at parang galit ang itsura nito dahil sa nakataas ang kilay nito.
" San ka pumunta kagabe? ". - biglang tanong nya saken. At biglang dating ni Casu na may dalang kape.
" Miss Fussia ? Anong ginagawa mo dito diba't mag tutungo ka sa kabilang kaharian?". - tanong ni casu
" tumahimik ka hinde ikaw ang kinakausap ko! Iwan mo muna kame". - inis na sabi nito kay Casu
" tila hinde ata maganda ang araw mo? Galing lang naman ako sa bahay aliwan kagabe dahil nayayamot ako dito sa bahay ! ". - pero ang katotohanan ay galing muna ako sa palasyo at nabigo ako sa aking mission.
" Hinde ka marunong magingat ! Sinasabi ko na nga ba na ikaw ang pinaguusapan sa pamilihan ! Ang mag lalakbay na namimigay ng ginto ! ". - galit na sigaw nya
" Bakit ako mag iingat ? Nais ko lang naman nag aliw at uminom ng alak bakit malaking epekto iyon at ngayon ay pinaguusapan dahil sa maliit na piraso ng ginto !'". - aking sagot
" Alam mo kung bakit ang may ari ng bahay aliwan na yon ay isang may ari ng mangangalakal na mandurugis na hinde alam ng iba ! Kung alam nyang may dala kang ginto ay ikaw ang pupuntiryahin nila ! Diba sinabi ko na sayo ang halaga ng gintong yon? ". - paliwanag nya, tama nga sya sinabi nya sa akin na malaking halaga sa kanila ang ginto. Nagaalala lamang siguro sya.
" patawarin mo ako fussia hinde ako nag iingat lalot hinde ko alam kung anong klaseng mga tao ang kaharian ang independentas !". - pag- ako ko ng aking pagkakamali
" Sasabihin ko sayo na kahit maganda ang patakaran o batas ng palasyo ay marami pa ding nakakalusot lalot kung ang gawaing illegal ay itoy pag mamayari ng isang maharlika ! Tulad ni feugo na isa syang tuso at ganid !". - sabi nito at kita ko ang galit sa kanyang mukha ng mabanggit si fuego .
" nakikita ko sa iyong mukha na malaki ang galit mo sa lalaking iyon na may ari ng bahay aliwan ! ". -dahil sinabi na saken ni casu kung bakit
" Dahil kilalang kilala ko sya ! Kaya mag iingat ka pinagkalat nya ang tungkol sayo kaya ang masasamang loob ay tiyak na ikaw ang hahanapin nila ! ". - palala nito pero kita ko sa kanyang mga mukha na hinde lamang dahil sa akin ay nag alala sya kundi matindi din ang galit nya sa tinatawag nilang fuego
" Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko! Kayo ang magiingat dahil malapit kayo sa akin! Nakakasiguro ako na pati kayo'y kanyang pupuntiryahin". - sabi ko
" Hinde kami mapapahamak dahil protektado ako ng palasyo at ng reyna. Ang tulad naming malalaki ang mga negosyo sa palasyo ay protektado ng palasyo kahit pa kami ay hinde isang maharlika! ". - sabi ni fussia. Naalala ko naman ang reyna pati na ang kagandahang taglay nito.
" hmm nakita mo na ba ang reyna ?". - tanong ko
" Syempre isa akong mamayan ng independentas kayat nakita ko na ang taglay na katangi tanging kagandahan nito! ".
Tila naalala ko ang kanyang itsura nakasuot ng puting mahabang damit, mahahabang buhok, mapupungay na mga mata, at ang kanyang mapupulang labi. Kung narito ang reyna ay bagay na bagay sya sa kagandahang taglay ng veril. Tila isa syang dyosa...
" huy? Anong iniisip mo kanina pa ako nagsasalita dito?". - sabi ni fussia at napatigil sa aking imahinasyon na nasa harapan ko ang magandang reyna
" wala may naalala lang ako ".
" hmmm siguro ang iyong kasintahan dahil namumula ang iyong pisngi ? Sigurado akong napakaswerte ng iyong sinisinta ginoo kahit umaga ay sya ay iyong naiisip ". - sabi ni fussia at kaagad na tumayo sa duyan na aking kinauupuan
" inaantok ako matutulog muna ako kulang siguro ako ng tulog kayat akoy napapatulala!". - sabi ko
" Tila umiibig ang ginoo ! Matulog kana sana ay makita mo sya sa iyong panaginip! ". - sigaw sa akin ni fussia
**to be continued**