Marahan akong bumangon nang marinig ko ang tunog ng alarm clock ko. Lunes na pala kaya naman kailangan kong kumilos nang maaga para pumasok ng MHIS. Nilabanan ko ang antok sa aking sistema at dumiretso na ng shower room. Habang naliligo ay bigla ko na naman naalala ang mukha ng taong hindi ko na dapat pa inaalala.
Damn it, Marciella! Kalimutan mo na si Ashmer Guieco! Maawa ka na sa sarili mo!
Tatlong araw pa nga lang ang nakalilipas pero hirap na hirap na akong iwasan at balewalain ang kaniyang presensiya lalo na kapag nagkakasabay kami sa hallway o kaya ay sa DH para kumain.
Alam ko rin na may ilan na sa mga kasamahan namin na nagtataka at nakakapansin sa mga ikinikilos ko tuwing nasa tabi-tabi lang siya.
I'm making an effort to spend most of my time alone and avoid mingling with them. The more I engage with the group, the more conspicuous it becomes that I'm actively avoiding one specific person among them.
Well, mukha naman ding kaya ko nakayanang umiwas dahil umiiwas din siya sa akin o kaya naman ay wala rin talaga siyang pakialam pa. Mabuti naman kung gano'n.
Talaga ba, Marci? Zsss! Taksil talaga minsan ang utak ko, eh.
Napabuntonghininga na lang ako at minadali na ang pagligo. Baka mamaya ay ma-late pa ako, eh. Hindi ako si Kenya na kahit ma-late ay ayos lang dahil may-ari naman ng school ang asawa niya.
Speaking of Kenya, alam kong siya lang talaga ang hundred percent na nakakapansin sa nangyayari sa amin ng kapatid niya. Napaka-observant ng isang iyon at idagdag pa na mukhang gano'n din si Dailann. Baka nga kami na ang madalas nilang pag-usapan eh. Sarap talagang isako ng mag-asawang iyon.
Pumasok na ako sa bathroom at agad naligo at isinuot na ang uniform ko para after kong kumain ay magto-toothbrush na lang ako and then gora na. Lumabas na ako ng flat na nakaplastada ang aking so-serious-mode kung i-describe ni Kenshane.
Hindi ko alam kung bakit lahat ng Guieco ay may mga sapak talaga. Iyong maiinis ka pero mas lamang 'yong mamahalin mo sila dahil sa mga 'di mapaliwanag na nilang katangian.
"Good morning my pwend," agad na bati sa akin ni Kenya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Himala, ah? Aga mo yata ngayon, saan ang mister mo?"
"Grabi ka naman sa akin. Nauna na, marami pang aasikasohin yon eh," nakanguso niya pang saad.
"Iyan kasi. Sabi nang 'wag maghahanap ng big time boss, eh," saad ko sa kaniya.
Napasipol naman si Kenshane habang ang iba ay napatingin na rin sa akin.
"Issue na naman sa inyo 'yong sinabi ko? Naku, sumasakit panga ko sa inyo. Tigilan niyo ako," sermon ko at malamyang tingin ang itinapon sa kanila.
"Sabi kasing 'wag niyong iniisyuhan," saad ng daot ko ring kambal. Hindi naman malakas 'yon pero narinig ko. Dumukwang ako sa may kusina.
"Good morning, Marci!" masiglang bati sa'kin ni Lovimer na siyang nasa loob.
Nangunot-noo naman ako at tinanong ito. "Anong ginagawa mo diyan?"
"Of course, pinaghahanda ka ng makakain baby, oh, yeah."
Natawa na lang ako sa kapilyohan niya. "As if. Ikaw pala ang naka-duty dito now, sana forever ka na diyan sa kitchen," biro ko pa.
Napanguso naman siya. Mukhang kinilig naman sa pa-pout niya ang junior agent na babae na assisstant niya. Iba rin talaga ang radar ng lalaking ito eh.
"Ayaw ko nga, sa guwapo kong ito ay ikukulong niyo lang dito sa loob? No way! Maraming girls ang magluluksa. Pero kung ikaw naman ang kasama ko dito then why not? My pleasure, baby," pa-cute na sakay niya rin sa pang-aalaska ko.
Ito talaga ang dahilan kung bakit kami magkasundo ng isang ito. Marunong siyang maki-ride sa trip ko at gano'n naman din ako sa kanya. Alam niya rin kung kailangan siya dapat magbiro at kailangan hindi. Magaling makisama at makiramdam ang isang Lovimer Guieco.
Saka kahit anong patutsada namin sa isa't-isa, safe naman sa possibilities ang mga puso namin. Like never kaming mahuhulog sa isa't-isa.
"Sure ba basta ikaw ang lulutuin ko," natatawa kong saad.
Alam kong may mga nakapila pa sa likod ko pero 'di ko namang kasalanan na dinadaldal ako ng cook dito eh.
"Tsk, baliktad yata, ako dapat ang kakain sa 'yo," aniya at binigyan ako ng joke-lang-look sabay hagalpak ng tawa. Nailing na lang ako habang natatawa na lang din sa kahadufan niya.
"Kung gusto niyong magligawan at maglandian, just get a room or do it outside this place, 'wag dito. Huwag sa oras ng trabaho at sa oras na gutom na ang taong nakapila rito."
Parang nanigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa nagsalitang iyon na nasa likuran ko lang.
"Sorry, Boss s***h Cousin Ashmer. Tatandaan ko 'yang sinabi mo," sagot din ng lokong Mer sabay kindat sa akin.
Mukhang nang-aalaska pa ang isang ito. Halata rin namang alam niyang nasa likuran ko pala si Ashmer. Binigyan ko siya ng bakit-di-mo-sinabi-na-nasa-likuran-ko-siya look pero ang loko ay tumawa lang.
"Ito na ang breakfast mo, Marci, baby. Date tayo kapag wala na ako sa work at kapag 'di na din sila gutom. Should we get a room too?" tanong niya sa excited ngunit nang-aasar na tono. Napailing na lang ako.
"Ewan ko sa 'yo, Lovimer. May mga batang nakikinig. Gags ka talaga," natatawa ko pang saad.
"I gags you too!" pakanta niyang tugon na halatang may ginaya lang naman. Nuknukan sa kadaotan talaga ang katawan ng lalaking ito.
Abnormal ngang talaga.
Pumulos na ako para maghanap na ng bakanteng mesa na pwedeng mapwestuhan. Fortunately ay may nakita agad ako. Hindi na rin ako sumubok na titigan o sulyapan man lang ang taong robot na aburido na nasa pila.
Himala yatang nakipila rin siya. Hinanap
ng paningin ko si Percy pero wala siya. Ibinaba ko na ang dala kong pagkain at naupo.
Tahimik na kumain ako. Maya-maya ay may pabagsak na naglapag ng tray sa mesa ko. Awtomatikong sinamaan ko ang sinumang malakas ang loob na gumawa iyon. Agad na nawala ang lahat ng emosyon na nasa mukha at mata ko ng mapagtanto kung sino.
Epal ka rin talaga, Ashmer Guieco.
"Makiki-share lang ng mesa kung puwede, wala na akong mapwestuhan eh," aniya pa.
Binalewala ko na lang ulit ang presensiya niya at kumain na para bang walang kasama. Minadali ko ang pagkain, nabulunan pa ako at siya ang nag-abot ng tubig sa akin, no choice ako kundi ang tanggapin.
"Dahan-dahan kasi," kaswal lang ang pagkakasabi niya niyon pero may kung anong emosyon ulit na namumuo sa sistema ko.
"Thanks," tipid kong saad at tumayo na. Sakto lang din ang pagpasok ni Percy.
"Good morning, hon. Good morning, Marci," nakangiti nitong bati sa amin and then again, naghalikan sila sa harap ko. Yong halik na hindi lang smack kundi minuto.
Pinigilan kong mapakuyom dahil makikita iyon ng mga kasamahan namin na naagaw na rin nila ang atensiyon.
"Silly. Miss na miss ako, ah?" saad ni Percy sa kanya nang finally ay naghiwalay na ang mga labi nila.
Umalis ka na, Marci.
Akmang hahakbang na ako nang binuhusan ni Gab si Jinro ng malamig na tubig.
"f*****g s**t,Brel! Inaano ba kita?" asik ng isa.
"Huwag mo sabi akong asaring taba eh!" sigaw pabalik ng kambal ko. Naagaw din nila ang atensiyon ng lahat.
"Mataba? Eh, isang sagi na lang sa 'yo, tumba ka na. Wala akong sinabing gano'n, nabibingi ka lang. Itong baboy sa plato ko ang tinutukoy ko."
"Aba't! Gusto mong maunang tumumba, ha?" asik pa ng malditang kakambal ko at inambahan ng suntok' ang isa pero agad na nasalo ko ang kamao niya na sapul sana sa mukha ni Jinro.
"Joke lang, sineryoso na," bulong pa ni Jiro.
"Joke lang din naman na susuntukin kita," bulong niya rin. Nailing na lang ako sa kanila.
"Let's go, Gab. Mali-late na tayo," yaya ko pa.
Padarag siyang tumayo at sinamaan ng tingin si Jinro na masama rin naman ang tingin sa kanya.
"Mabuti pa nga, Bal. Mga haduf ang tao dito lalo na 'yong mga lalaking Guieco. Go to hell, y'all!" aniya pa at ipinulupot ang kamay niya sa braso ko.
"Mabait ako, babe Gab! Sa heaven ako mapupunta!" sigaw ni Lovimer mula sa kusina.
"Except sa 'yo, baby love!" balik sigaw niya rin sa lalaki na kanina lang ay ako ang pinagdidiskitahan.
Mga nyawa talaga.