CHAPTER 3.3

1391 Words
Tuluyan akong nilamon ng antok. Nang magising naman ako ay tahimik lang pala akong pinagmamasdan ni Ash. Huling-huli ko talaga siya. "Good evening," bati niya pa. "Evening? Anong oras na ba?" "7:15 p.m." Napabalikwas naman ako ng bangon. Ngayon lang yata ako natulog ng hapon at ginabi na ng gising. Well, katabi ko nga kasi pala siya. "I'm sorry. Napasarap tulog ko. Kanina ka pa gising?" "Mga six na rin 'yon, let's have a dinner first." Tumango ako at tumayo na. Dire-diretso ako sa pinaka-main door ng flat ko at akmang pipihitin na ang door knob ng tumawa siya. "What's funny, Ash?" angil ko pa. "Dinner nga, 'di ba?" "Yeah, I know. Asan ba ang DH? Diba nasa labas?" Lumapit naman siya sa 'kin at parang pusang dumikit. "Nakapagluto na po ako, hon," malambing niyang saad. Okay na sana, kaso 'di ko nagustuhan 'yong huli niyang sinabi. "I am not her," asik ko. "I know. Bawal ka bang tawaging gano'?" "Bawal, hindi ako siya." "C'mon, Ell, iba ka, iba si Cylla. I know that. I just wanna call you hon so let me, please?" "So, dalawa na kaming tatawagin mong ganun?" "Narinig mo bang tinawag ko din siyang gano'n?" Nag-isip naman ako. "Malay ko ba, pero oo... minsan?" "Hmmm, yeah ,whenever you're around just to pissed you off." Pinanliitan ko siya ng mata. "Zsss! Now I know. Kaya pala may diin lagi 'yong pagtawag mo sa kanya ng gano'n. Sama." Tumawa lang siya. Haduf talaga ang lalaking ito. Sarap ng isako. "Let's eat," saad niya. "Or I'll eat you. Pili." Uminit naman mukha ko dahil sa naalala ko ang pagkahuli sa akto niya sa akin kanina. "E-Ewan k-ko sa 'yo!" Nautal pa ako, kainis talaga. Ngumiti lang siya at nakaakbay na iginiya ako sa Kitchen. Tahimik lang kaming kumain pero may mga pagkakataong nagkakasalubong ang mga tingin namin at parehong napapangiti sa isa't-isa. Damn! I love every moment that I am with him. How to stop this feeling? Bakit parang mas lalo lang akong nahuhulog sa lalaking ito? After namin kumain ay umalis muna siya at ako naman ay naligo. Pinili ko ang paborito kong damit na galing pa rin sa kanya. I think birthday ko iyon ng ibigay niya sa akin ito. Marami siyang inireregalo sa akin na lingid sa kaalaman ng lahat. Actually, halos lahat ng ipinapampahay ko ay galing sa kanya. Nang matapos ako ay lumabas ako ng flat at sakto ring pabalik na siya. Mukhang naligo rin siya. Ang bango talaga kahit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa'kin. "Tara na," yaya ko. Nagpatiuna na ako habang bitbit ang hindi naman kakapalan na libro. It's a copy of a tragic story of Romeo and Juliet written by William Shakespeare. Pinasadya ko talaga itong ipa-hardbound bago pa man ang kasal nina Kenya. Hinawakan niya ang kamay ko at sumabay sakin sa paglalakad. Binagalan ko ang lakad kesyohadong may makakita pa sa amin na agents, ayokong marating agad ang destinasyon namin dahil kapag nangyari iyon ay tuluyan na akong magpapaalam sa kanya, tuluyan ko na siyang papakawalan. And that's it . This is it. Narating na namin ang garden. Nauna siyang maupo sa duyan. "Have a seat," usal niya at tumingala sa kalangitan kagaya ng madalas naming gawin tuwing pinatatagpo ang landas namin dito. Umupo naman ako sa tabi niya at inilapag ang libro sa tabi ko. Mga ilang minuto rin siguro na wala ni isa man sa amin ang nagsalita. Pareho lang kaming nakatitig sa kalawakan. It's really a starry night, indeed. Ang sarap sa feeling na kasama ko siya habang tinititigan ang nag kikislapang buwan. Inihilig ko ang ulo sa balakit niya. Naramdaman ko naman na bahagya niya akong kinabig papalapit sa kanya at niyakap ang isang kamay sa bewang ko. What a perfect night! Let me rephrase it... What a perfect and last starry night with him. Bukas ay paniguradong mawawalan na ng ningning ang mga bituin ng mundo ko as I take and do my promise and that is to stay away from him. "Ganda ng mga butuin oh, parang ikaw Ell." "Meron din sigurong gwapong butuin, ano? Parang ikaw lang din." "Ell?" "Hmm?" "I... d-dont wanna lose you." Abot-abot naman ang kabang naramdaman ko. Wala akong narinig. Wala. No, no, no! Stop, heart. Don't be fragile, please. Absolutely not. This is your last night with him, remember? You made a promise to yourself, Marci. Kunwari ay natawa ako para lang pakalmahin at itaboy ang emosyong namumuo sa sistema ko at siyang makakapigil sa plano ko ngayon. "Are you kidding me, Ash? You have Percy now and then... Me? Bawal sa batas 'yon," may halong biro ko pero 'yong sakit sa katotohanang hindi kami pwede ay dumadaloy sa aking buong katawan. Speak, Marci! Huwag mong hahayaang makapagsalita pa siya ng siyang magpapalambot ulit sa puso mo. "See this?" Inabot ko sa kaniya ang libro at tinitigan niya naman iyong mabuti pagkuwa'y tumitig sa akin. Sinalubong ko iyon at sa totoo lang, ngayon ko lang nakita ang ib't-ibang emosyon na meron ang mga mata niya at ayokong kilalanin pa ang mga iyon. Ayaw kong tukuyin pa ang mga iyon. "It's a Romeo and Juliet story. I know you already know about their story, and unfortunately, Ash, just like them..." "Ell, stop." I didn't back down. "But... we can't, Ashmer. Let's accept that. Like them, there's no forever for us. There is no fairytale waiting for us. If we defy destiny... we might just hurt ourselves even more." "And what is the fate you're talking about? Ell, I love you, and I know you love me also..." "I love you." Shit! Tears suddenly welled up in my eyes. It was the very first time I cried in front of him. That feeling when you've wanted to hear those words from him for so long, but when he finally said it, it hurt even more. It hurt so much because... it turns out you both love each other but it just can't be. It can't be, and it's too late. Or even if it's not too late, we can't be together. Even if we are meant for each other, I have to rewrite the stars for Percylla's sake. I stood up, and he did the same, but there was a gap between us. "Why are you saying this now? Why now, Ash?" I said casually, trying to sound uninterested. "Dahil hinding-hindi ka naman nakinig sa akin. Sa tuwing sinusubukan kong sabihin sa 'yo ang totoong nararamdaman ko ay palagi mo akong binabara. Ayaw mo naman talagang malaman kung ano ang totoong nararamdaman ko para sa 'yo dahil takot kang piliin kita kaysa sa kaibigan mo, hindi ba? Pinili ko si Percylla dahil sa 'yo. Dahil alam kong iyon ang gusto mo!" Napailing na lang ako habang nagsisilandas na rin ang aking mga luha. Kung hindi ko ito tatapusin ngayon ay kailan pa? Kapag nalaman na ni Percy na may lihim kaming pagmamahal para sa isa't-isa? Kapag inisip na ng isang iyon na pinagtataksilan namin siya? Magsalita ka, Marciella! "Dahil palagi mong sinasabi na mahal mo si Percylla, Ashmer. Hindi ba at nais mong iparating din sa akin na hindi mo rin siya kayang saktan? Kahit pareho tayong nararamdaman ay alam din natin na parehong mahalaga sa atin si Percy. Noon pa man ay hindi mo na ako kayang piliin pa kaya puwede ba?! Itigil na natin ito. Pagod na ako." I blamed him back even though I knew that all of this was the aftermath of my choices. "I don't want you to—" "Please, Ashmer?" "No, Ell..." "Goodnight. I have to go." "Ell, I love you. Puwede rin bang paniwalaan mo ako kahit ngayon lang?!" Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad papalayo sa kaniya kahit na sobrang sakit ang aking nararamdaman. I believe you, Ash, because I can feel that what you said is true. I love you, and I know you love me too. But this is our destiny. Not all those who love each other are granted by fate. Kapag ipinilit natin ang hindi puwede ay baka tuluyan na tayong mawala sa buhay ng isa't-isa. Kontento na ako na nakikita kita araw-araw kahit na kasama mo man siya. Sapat na sa akin na masaya si Percylla kasama ka. Tahimik at palihim na lamang kitang mamahalin, Ashmer. Mamahalin kita sa paraang ako lang ang masasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD