CHAPTER 3.2

958 Words
"Gusto kita." "Pero mahal mo siya, Ashmer. Ang galing, ano bang ipinaglalaban mo?" Hindi naman siya umimik pero nanatiling nakayakap siya sa'kin. "Gusto kong matulog dito ngayon, puwede ba?" Nanlaki naman ang mata ko. "Baliw ka ba? Nandito si Percylla." Napanguso siya at napakalas sa akin. Matinding katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Tumayo ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Paglabas ko ay sakto ding nagmamadali sa Percy sa pagpasok. Naku! Buti na lang talaga! "Mer, alis na pala ako ngayon, ha? Kailangan na ako sa FIS eh. Bye! Marci, alis na ako." Mukhang nagmamadali talaga ito. Hindi pa nga ako nakapagutgon pa at papatayo pa lang din sana si Ash pero nasa pinto na si Percy at tuluyan ng nakaalis. Naglakad naman siya papuntang pinto, nagkamali ako nang akalain kong lalabas na rin siya dahil ni-lock niya lang pala iyon. Napailing na lang ako, saktong nilingon niya ako. "Bakit?" usisa niya pa. "Wala," sagot ko. Lumapit siya sa'kin. "Puwede na ba akong matulog dito?" Napataas-kilay naman ako at napatitig sa kanya. Para bang naawa ako sa hitsura niya na ngayon ko lang napansin. Parang pagod talaga at puyat. Busy kasi siya palagi, 24 hours naka-monitor sa camp at kailangan updated siya sa lahat ng misyon na nakatalagang gawin oras-oras. "Matulog ka." "SWM." Nanlaki naman ang mata ko. Gags ba ang lalaking ito? Natawa lang siya sa naging reaction. "It stands for Sleep With Me and not what you think it is," natatawa niyang saad. Sorry naman. Eh, sa s*x with me ang alam ko. "Ah, okay. Sleep lang naman eh," tugon ko para 'di na mapahiya pa. Ang pink kasi ng utak eh. Kasalanan ito ni Kenya! Kung ano-ano ang ikinukwento sa akin, zsss! "Puwede naman din 'yong isa pang ibig sabihin kung gusto mo..." "Let's sleep then," pamumutol ko pa sa kanyang sasabihin. Inirapan ko pa siya dahil nakangisi pa rin siya. Nagpatiuna na ako sa kwarto ko at tahimik naman na sumunod siya. "Wow, pink?" natatawa niya pang saad. Napairap ulit ako. "What's the problem with pink?" mataray kong tanong. "Wala naman, taray." "Wala naman pala tsaka it's not that I love pink, color coding 'yan ng Clan natin. Kasalanan ko bang pink ang national color natin?" paliwanag ko na may halong pagrereklamo. Naglakad-lakad naman siya na para bang sinusuri bawat sulok ng kwarto ko. "I know, Ell, defensive?" Hindi na ako umimik. Maya-maya ay sumampa na siya sa kama. "Bango, smells like you." "Duh? Baka kasi ako 'yong gumagamit." "Taray mo na lang bigla-bigla, ah? Halika na rito." Bahala ka diyan. Daot ka! "Ell." Tumalikod ako sa kanya at akmang lalabas ng kwarto pero biglang umangat ang paa ko. Napatili pa ako ng wala sa oras. "Hey gags! Put me down!" asik ko pero 'di siya nakinig. Pabagsak na inilapag niya ako sa bed at dinaganan pa ako ng nyawa. Akala mo ang gaan-gaan eh. Sinamaan ko siya ng tingin. "Gags ka talaga," asik ko. "Gags you too." "Tigilan mo ako." "Simulan na natin ang misyon," nakangisi niyang saad. "Ayaw ko na palang umalis kasama ka." "Eh di 'wag pero sa 'yo ako at akin ka this night. Star gazing tayo mamaya sa garden," bulong niya sa akin. Wala pa man ang star gazing na sinasabi niya, nakakakita na ako ng mga star. Haduf na 'yan! Ano bang nangyayari sa'kin? Nababaliw na ba ako? "Hoy, naririnig mo ba ako?" Hinaplos niya pa ang pisngi ko. May kung anong dulot na naman iyon sa malandi kong sistema. "Oo na po," malumanay kong saad para 'wag ng makulit pa. "Matulog na tayo," sambit niya, hinalikan niya pa ako at pinaunan sa braso niya at pumikit na. Pinakatitigan ko naman ang maamo niyang mukha. Ang gwapo talaga ng isang ito. Hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming may gusto sa kanya. Imbes la mag isip pa ay ipinikit ko na rin ang mata ko kahit hindi naman talaga ako inaantok. Hindi ko alam kung nasa tamang sitwasyon pa ako. Kung may karapatan ba akong magsaya, magselos, masaktan at malungkot kapag ang lalaking nasa tabi ko ngayon ang involve. Bahala ka na lord. Kung anong plano mo ay siya nawa ang mangyari. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Basta isa lang ang alam ko, masaya ako sa piling ng lalaking ito. Napakilos ako pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin. Zsss! Para namang tatakasan ko siya. Kahit tulog malandi pa rin, ah? Sinikap kong makaangat lagpas sa ulohan niya. Sinuklay-suklay ko ang buhok niya. Ang bango. Napadako ang tingin ko sa pinkish niyang lips. Damn it! Parang gusto ko siyang nakawan ng halik. Tulog naman siya, 'di ba? Hindi naman yata niya malalaman. Dumukwang ako para gawaran siya ng halik pero sa pagkabigla ko ay nahawakan niya agad ako sa batok at siniil ng halik ang labi ko. Nyawa, Marci! Huli ka sa akto! Buwisit! Nakakahiya! Ramdam ko ang init ng mukha ko. Nang maputol ang halikan namin ay inaasahan ko ng tutuksuhin niya ako pero 'di niya ginawa. Ni 'di nga siya nagmulat ng mata eh. Humigpit ulit ang yakap niya sa akin kaya niyakap ko na lang din siya. I shut my eyes as sleep finally embraced me. I need some rest for what lies ahead. I hope it won't rain, I hope the weather will be in our favor. I need the stars later. I just need to see them all, as if gazing at them fulfills my desire to love and be with Ash. I understand it may not happen, but as long as there are stars... Whether it becomes reality or not, I'll still consider it a win. Just until tonight, Percy. I'm sorry. Tomorrow, I'll try to avoid him, to forget him. I'll set him free.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD