"Ano kasi Percy—"
"It's a confidential mission, Cylla," putol niya sa sasabihin ko sana. Bahala nga siya.
"Siya ang ni-recommend ng fad na sumama sa akin," dagdag niya.
Bilib din ako sa tibay ng loob ng isang ito, ah? Mukhang malulusutan niya nga si Percy.
Saglit naman na nag-isip si Percy at pagkuwa'y tumango at ngumiti. Nakahinga ako nang maluwag at pasimpleng napabuga.
"Okay. I understand. Well, may lakad din ako mamayang gabi, eh."
"Where?" sabay pa naming tanong. Nakakunot-noo siya habang ako ay napataas-kilay.
Saan na naman ang punta nito?
"Junior and Senior Prom ng FIS at ako ang kinuhang official photographer ng school. Hindi ko matanggihan, ang laki ng offer nila, sayang naman."
"How much?" Sabay na naman kami.
Napangiwi si Percy. "Why niyo naitanong?" conyo niyang tanong din.
"Ako na magbabayad."
Napakamot ako sa kilay ko habang siya ay sa batok kasi sabay na naman kami. Humagalpak ng tawa si Percy tsaka namewang.
"Iyong totoo? Scripted ba ito at instructed ba kayong dalawa na dapat magsabay?"
"Hindi."
"No."
Mabuti naman kahit sabay kami at least magkaiba na ang salitang ginamit namin. Gaya-gaya talaga ang isang ito.
"Okay, fine pero hayaan niyo na akong pumunta roon. Passion ko naman 'yon eh, alam niyo 'yon, 'diba?" Matamis ang ngiting pinakawalan nito. Ngiting hindi mo matatanggihan o mahihindian ninuman.
Napabuntonghininga kami pareho.
"Fine, basta safe ka roon," aniya pa sa kay Percy. Ipinulupot naman ng isa ang kamay nito sa braso niya , umiwas na ako ng tingin.
Masasaktan lang ako. Napabuntonghininga ako nang pasimple.
"Safe ako doon, promise. Saka, I can fight naman if ever. Ako pa ba? Kaya kong makipaghabulan kay Tarzan."
Pareho silang natawa. Tahimik lang ako at kinuha ulit ang libro na binabasa ko bago pa lumipad ang imahinasyon ko kanina. Kunwaring nagbabasa ako.
"Good to hear that. Pasamahan kita gusto mo?"
"Ano ba? Huwag na, hon. Ito naman, oh. Anyway, mukhang kailangan niyo pang mag-usap ni Marci patungkol sa mission niyo mamaya kaya aalis na muna ako. God bless sa inyo and ingat din. Marci, labas na ako ah?"
"Hmmm," ni ko sabay ngiti at tango. Inihatid na lang namin ito ng tingin.
I'm sorry, Percy. Konting oras na lang naman din ang kailan ko. Hinding-hindi na ako makikita hati pa sa atensyon at pagmamahal ni Ashmer.
Napabuntonghininga ulit ako nang makalabas na si Percylla. Ramdam ko na ang titig ng haduf na Ashmer kahit 'di ko pa siya tingnan.
"Ell," untag niya sa akin. Blangkong ekspresyon ng mukha ang ibinigay ko sa kanya.
"Hmmm?"
Umupo siya sa tabi ko, paharap sa'kin at isinampa niya pa ang isang paa sa sofa at pinakatitigan ako.
"You're just distracting me and ruining my mood, Ashmer," asik ko. Bahagya pa siyang napanguso. Nakita ko lang iyon sa gilid ng mga mata ko.
"Pero kapag si 'Sir JB' ay hindi nasisira ang mood mo? Ngiting-ngiti ka dahil sa may naalala kang usapan ninyo? And oh, hindi pa naman siya nanliligaw sa'yo."
Natawa naman ako nang hindi ko sinasadya. Kabisadong-kabisado, ah? Di halatang nakinig siya sa usapan namin ng jowa niya.
Sumasakit panga ko sa lalaking ito, napaka-chismoso, parang ang Chairman Dailann lang na talagang tinanong sa'kin kung nakahanap na raw ba ako ng papakasalan ko dahil sabi raw ni Kenya ay ako na ang susunod, zsss!
Ayan pa 'yang pamahiin na 'yan! Nyawang Kenya! Ako pa ang napagtripan! Sana pala pumulos agad ako ng araw ng kasal nila para hindi ako ang ma-appoint na susunod na ikakasal.
"Tawang-tawa, ah? Narinig lang ang JB, eh 'no?"
"Don't act like a jealous boyfriend, Ash. Lalo akong nahuhulog sa 'yo, eh" biro ko pa pero alam niyo na, totoo naman iyon. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko, natameme eh.
"Hindi ako nagseselos," nakabusangot niyang saad.
Natawa ulit ako at napailing. I know this man that much. Kahit naman walang kami at may girlfriend siya, alam ko kung kailan siya nagseselos at kailan naiinis lang talaga.
"Okay, sabi mo, eh," kibit-balikat kong saad.
"Bawal kang magka-lovelife, 'di ba?"
Hindi ako umimik. "Hindi ba?" ulit niya.
"Oo na."
"Oh, eh bakit may balak ka yatang magpaligaw?"
Sinalubong ko na ang tingin niya at ibinaba na ang libro.
"Well, well, well, balak pa lang."
"Sabing hindi ka puwedeng magka-lovelife, 'di ba?"
"Pero 'di naman bawal magpaligaw," pang-aasar ko sa kanya.
Gulo namin, 'di ba? No... Ang gulo ng lalaking ito, 'diba? Salawahan talaga. Bakit ba pinapatulan ko pa ang kalandian nito?
Simply Marci, kasi malandi ka rin naman. Pasimple nga lang.
Bawal ba sa batas 'yon? Bakit si Kenshane? Lantaran pa 'yon, saka si Kenya patago naman. Alam kung naglalandian na talaga sila ng chairman noon, nananahimik lang ako. Ayaw lang makialam since may reputasyon sila pareho na dapat ingatan.
Pero sila kasi ayos lang na landiin 'yong mga lalaking mahal nila dahil wala namang sabit, Marciella.
"Bawal din, doon nagsisimula ang pagkakaroon ng love life."
Pinigilan kong panliitan siya ng mata. "Hindi nga bawal..." Hindi ko na naituloy dahil nakabig niya na ako at hinalikan sa paraang gusto ko.
Gentle and slowly. Iyong nararamdaman mo pa rin ang respito niya sayo. Nakakalasing, nakakawala ng stress sa katawan.
Napapikit ako hanggang sa mag hiwalay ang mga labi namin.
"Sabi ko nga bawal, eh," nakangiti kong sambit.
"Good." Mas malapad ang ngiti niya.
Hindi niya ako hinayaang makawala, niyakap niya ako ng mahigpit.
"Miss na miss mo ako?" pang-aalaska ko pa sa kaniya.
"Super... as always."
Wew! May mga stars sa kisame, ah? Haduf na 'yan.
"Bolahin mo pa ako, para namang wala kang girlfriend."
Para namang 'di mo rin alam na may kasintahan siya, Marci, ah? Hanggang kailan ba kayo magiging ganito? Hindi pwedeng maging kabit ka. Hinding-hindi, Marciella Perrer.
Aish! Hanggang kailan ko rin ba papaalalahanan ang sarili ko?
Napabusangot ako sa sarili kong iniisip. Sakit sa bagang ng buhay kabit, ha? Ang hirap. Hindi ako mabubuhay nang matagal sa ganitong estado.
Oo na, Marciella, kabit lang tayo. Huwag na tayong magmalinis. Masakit, 'di ba? Gano'n talaga, truth hurts at isa pa ay desisyon mo rin naman ito.