"Sabi mo kasi I just need to kiss you. Sinunod lang kita." "Wow. Kailan pa naging masunurin ang isang Marciella Perrer? Ah yeah, kapag may sakit nga pala," aniya at may halo pang sarkasmo sa tono niya. "Wala nga akong sakit, kaya ko pa sumabak sa misyon. Bukas pa naman 'yon, eh." "Huwag ng makulit. Kilala kita, Ell. You're not feeling well. Just rest. Huwag matigas ang ulo." "Walang ulong malambot, Ash," asik ko sabay tayo pero bigla akong nahilo, buti na lang at nasalo niya ako agad. "Ayan ba ang walang sakit? Samahan na kita sa flat mo." "No, kaya ko nga, nakapunta nga ako rito,' diba? It means kaya ko ring umuwi." "Iuuwi na lang muna kita sa inyo. Mas mabuting maalagaan ka ni Tita Christy." "Bakit? Hindi mo ba ako kayang alagaan dito?" nakataas-kilay ko pang usisa. Biro lang na

