"Whaaa!" tili ko na talaga at sabay hila ng kumot para itakip sa hubad kong katawan. I mean may bra pa naman ako pero jusko! Lahat yata ng dugo ko sa katawan ko ay nawala maging ang lagnat ko, nahimasmasan yata ako. Napabalikwas naman ng bangon ang haduf na lalaking katabi ko ng sipain ko siya. Napatili ulit ako ng wala na rin siyang damit. "Ell, anong... May masakit pa ba sa 'yo? Nilalamig ka pa ba? Nagugutom ka ba? Bakit ka... Aray," angil niya nang hinataw ko siya ng unan na nadampot ko habang ang isang kamay ko ay nakahawak pa rin sa kumot na ipinambabalot ko sa aking katawan. "Maniac ka talaga! Bakit mo ako hinubaran, tsaka ikaw, b-akit ka nakahubad?! Pinagsamantalahan mo ba ako?!" nanggigigil kong asik. Nararamdaman ko ang panginginit ng mukha ko. Pinakatitigan niya lang ako,

