"Sa office niya, iyong temporary lang."
"Wala rin, kahit sa main office niya ay wala."
"Kung wala ay wala, 'wag hanapin ang nawawala" asik ko na talaga.
"Eh, kaya nga po hinahanap kasi nawawala eh."
Batang ito talaga! Isa rin sa mga haduf eh. Eh, anong gagawin ko? Hindi ko nga alam kung nasaan si Ash. Hindi ko alam! Period.
Nakakaasar din talaga ang lalaking iyon, nasa harapan ko man siya o wala. Tsk!
"Alam mong bata ka, sumasakit na rin ang panga ko sa 'yo. Hindi ko alam kung nasaan ang pinsan mo, hindi ako hanapan ng mga taong nawawala at bakit ba ako pinagtatanungan mo sa kaniya? Ayun si Kens, kapatid niya 'yon," naaasar ko na talagang lintanya at gaya ni Kenya, ngumiwi lang talaga ito at saka laylay ang balikat na tumalikod.
Nasaan ka ba kasing Ash ka? Patay ka sa 'kin mamaya!
Nabubulabog ang mundo ko dahil sa kaniya talaga! Hindi man lang ako binibigyan ng katahimikan, eh. Kinuha ko ang phone ko at tinext siya, tinanong ko lang naman kung nasaan siya.
Minadali ko na ang pagkain at lumabas na. Bumalik ako sa flat ko at kinuha ang natapos ko ng libro na hinaram ko sa kanya.
Mahanap nga muna ang pasaway na iyon.
Una kong pinuntahan ay ang dalawang office niya pero tama si Kendra, wala nga siya doon. Pangalawa ay ang GC Garden at baka tumambay na naman pero wala rin siya. Inihuli ko na ang flat niya pero lock, ni-ring ko ang bell pero walang sumagot.
"Ash! Nasa loob ka ba?" ani ko sabay katok ng door niya.
Wala pa rin. Nasaan kaya siya? Ang aga pa para magliwaliw, eh. Bahala nga siya. Pumihit na ako para umalis pero halos mapatalon ako dahil sa nakatayo na pala siya sa likuran ko. Nakapa ko pa ang aking dibdib dahil sa gulat.
"Nanggugulat ka naman. Hindi ka man lang nagsalita. Hinahanap kita—"
"Bakit?"
"Kasi hinahanap ka nila Kens at Kendra sa akin."
"Galing na ako doon sa dining."
Pinigilan kong mapabusangot. Pinagod pa ako. Buhay nga naman. Napabuntonghininga na lang ako.
"Nakita ko rin 'yong crush mo doon, si Lovimer," asik niya.
Aba! Paisyu, ah?
"Hoy! Anong crush? Siya ang may crush sa 'kin noon," panglilinaw ko pa.
Napaismid naman siya. "Kilig ka naman kasi kinausap ka niya. Ganda pa ng ngiti mo, ah?"
Nakita niya ba kami? Pero... hindi ko naman siya napansin, ah? Saka bakit ba parang ang big deal niyon sa kaniya?
Nagseselos ba siya? Sa sarili niyang pinsan? Unbelievable ang lalaking ito, ah? Pero nah! Impossible. That's impossible.
Assuming ka lang, Marci. Baka hindi lang maganda ang gising ng isang ito.
"Naku naman, Ash, hindi lang naman siya ang nginitian ko, ah? Overthink ka na naman diyan, saka pakialam mo ba kung ngitian ko lahat ng tao sa mundo?"
Hindi naman siya umimik sa halip ay nilagpasan niya lang ako at pumasok sa flat niya.
Saltikin talaga. Napatingin na lang ako sa libro niya na hawak ko pa. Paano ko pa ito ibabalik eh sa aburido ang may-ari?
Bumukas ulit ang pinto ng flat niya, nagulat pa ako nang bahagya. Malamya niya akong tinitigan.
"Hindi ka ba papasok?"
Inosente ko naman siyang tinitigan. "Bakit? Kailangan pa bang pumasok ako?" kaswal kong tanong.
Nakakapagpanibago lang ang ikinikilos niya nitong mga nakaraan. Hindi na siya nag-aalinlangan na landiin ako kahit nasa tabi-tabi lang si Percy bagay na ikinakabahala ko naman nang husto.
Kung anong iwas ko sa kaniya ay siya namang lakas ng loob niyang dikitan ako palagi.
Bakit kaya kung ano pa 'yong mali ay parang iyon din ang masarap sa pakiramdam? Na 'yon din ang gustong-gusto kong gawin niya? Pero kapag ginawa naman niya o ginawa ko ay saka na naman uusbong ang takot at pangamba sa dibdib ko.
Takot akong masaktan ang kaibigan ko at nangangamba akong makasira ko ang relasyon nila, lalong-lalo na ang friendship namin ni Percylla.
"Sige, 'wag na. Doon ka na lang kay Lovimer," asik niya pa at akmang isasara ang pinto.
Agad na napigilan ko naman iyon at sa ulit hindi ko alam bakit ginagawa ko ang mga bagay na sa tingin ko ay mali pero pakiramdam ko ay tama lang naman since may nararamdaman kami pareho para sa isa't-isa.
Tunay nga na nakakabaliw ang pagmamahal.
"Hindi ka na mabiro niyan? Ito na papasok na eh," saad ko tsaka pumasok na, pagkasara ko ng pinto ay agad na isinandal niya ako doon at binakuran ng mga braso niya.
Halos hindi ako makahinga dahil sa bilis ng t***k ng puso ko, idagdag pa na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Napahigpit ang hawak ko sa libro.
"A-Ash?" nautal ko pang tanong. Unti-unti niyang inilapat ang labi niya sa labi ko.
I can't help but respond to every motion of his lips.
It's slow, as if it's deliberately decelerating the world's spin and wiping my system clean. This is my second kiss with him. The first time, I managed to push him away, but now I wholeheartedly return his kiss.
Hinawakan niya nang magkabilaan ang pisngi ko at mas binagalan ang halikan namin, 'yong tipong kahit magdamag pa kami sa ganitong sitwasyon ay hinding-hindi kami mauubusan ng hininga.
I moaned unintentionally. It came out of my mouth naturally, and I knew he smiled. I dropped the book.
I trailed my hand down his back, as if there was an urge pushing me to do so. This time, he let out a soft moan, and I found myself smiling.
Tila ba umaalon ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko pero mas lamang doon ang tuwa na para bang ngayon ko lang naramdaman.
Only he can make me feel this way. He takes a pause just to gaze at me. The second time around, his kiss becomes more passionate. I can feel the longing in it, as if he's been waiting for this moment for a long time. His hand, which was on my face earlier, is now wrapped around my waist, while mine is coiled around his neck. Every sound we make seems like music to my ears.
Biglang may nag-ring ng bell niya kaya naman napapitlag ako, pinutol ko ang halikan namin pero 'di siya pumayag.
"May tao." Sinabi ko iyon habang hinahalikan niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi niya para patigilin siya.
"Sino 'yan?" may halong inis niyang asik. Kinagat ko ang labi ko para pigilang ngumiti, nanatili pa rin kami sa posisyon namin.
"Kuya—"
"Go away, Kenya, mamaya na tayo mag-usap."
Napanganga naman ako, first time kong marinig na ipinagtabuyan niya ang kapatid.
"Haduf na 'yan. Fine, ikaw na ang pumunta sa flat ko mamaya, ah?"
"Oo na."
"Kuya..."
"Na-send ko na sa account mo ang allowance mo, Kendra."
"Aww! Thanks, Kuya Ash! Tara na, Ate Kenya," rinig pa naming sabi ni Kendra saka mukhang umalis na nga ang dalawa.
"I told you hinahanap ka nila," natatawa kong bulong sa kaniya. Kinintilan niya ako ng halik.
"Naniwala naman ako."
Akmang hahawiin ko siya para sana ay umalis na pero 'di siya nagpatinag. Tumingala ako sa kaniya pero parang gusto kong magsisi sa ginawa ko dahil nakatitig pala siya sa akin. Nalulunod ako sa saya dahil sa klase ng pagkakatitig niya sa 'kin. Pakiramdam ko ay pag mamay-ari ko siya sa oras na ito.
Sana nga totoo.