CHAPTER 2

1295 Words
I woke up early, despite it being a Saturday. I guess I'm just used to it; that's why they call me an early bird. Everyone can afford to be late for school, but not me. Inabot ko na ang phone ko at binuksan ang mga message. Dalawa mula kay Gab na group message naman at quotes pa na mukhang pinapatamaan na naman si Jinro. Anong taon na ngayon pero parang aso't-pusa pa rin ang dalawang ito. Dalawa rin kay Percy saying goodnight na paniguradong kagabi pa ito at good morning kaninang mga 4:00 a.m. Maaga na naman 'yon umalis papuntang photo studio niya. May mensahe rin mula sa mga kasamahan ko sa trabaho at sa mga co-agent ko. Iyong iba ay wala namang kinalaman sa akin. General messages naman. I'm not sure why they're so fond of sending group messages and greetings. Trying to keep up with them really saps my energy. As an introverted person, it comes naturally for me to just read their texts and chats without sending any responses. Napabuntonghininga ako nang makita ang huling sender ng sandamakman na unopened messages. Inuubos talaga ang pasensiya ko ng Ashmer Guieco na ito. Laging nafu-full storage ang inbox ko dahil sa kaniya. Napasinghap at napailing na lang ako. Inisa-isa ko na lang na buksan ang kaniyang mensahe dahil wala pa naman akong ginagawa rin. Good night lang naman lahat at mga emoji. Nakakaasar talaga ang lalaking iyon. Gano'n siya kapag walang reply na natatanggap mula sa akin. Busy akong tao, eh. Saka tinapos ko 'yong isa sa libro niya na ipinahiram niya sa akin noong isang araw. Hindi niya pa ako nabibilhan ng bago dahil busy rin siya. Marami kasing misyon na dumating sa system namin. Nasilip ko lang naman iyon kahapon. Speaking of mission ay kukuha kami mamaya ni Gab. Silang dalawa lang naman ni Percy ang madalas na ka-tandem ko. Minsan si Jinro ang pinapasama ko sa kakambal ko. Mas malaki ang tiwala ko na 'di niya pababayaan si Gab. Ni-lock ko na ang phone ko saka pumasok sa shower room at naligo. Nang matapos ako ay dumiretso ako sa closet at namili ng susuotin. Nakita ko ang malaking t-shirt na iniregalo ni Ash sa 'kin noong nakaraang pasko kaya iyon na ang isinuot ko. Pinaresan ko na rin ng hindi naman masyadong maikli at hindi rin mahabang pambaba. At dahil basa pa naman ang buhok ko ay hindi ko na muna itinali, hinayaan ko lang na nakalugay. Nag-spray ako ng kaunting pabango saka lumabas na ng flat. Dire-diretso na sana ang lakad ko nang hinarangan ako ni Lovimer. Isang Guieco din ito. Sa pagkakaalam ko noon ay may crush din ito sa akin bago naging sila noon ni Jeannie. Umamin naman kasi ito sa akin pero hanggang doon lang talaga. Okay lang naman sa akin, at least may nagka-crush, 'di ba? Wala namang masama sa paghanga. "Ganda! Good morning. Ganda ng t-shirt natin, ah? Halatang expensive," nakangiti niya pang bati kaya ngumiti naman ako. Mukhang natigilan pa ang loko. "Good morning and thanks." Masyado lang akong nasa mood sa araw na ito at hindi ko alam kung bakit. "Ang ganda yata ng umaga mo, ang ganda rin kasi ng ngiti mo. Mukhang magkaka-crush na naman ulit ako sa 'yo niyan," biro niya pa. Lingid sa kaalaman ng lahat, isa ako sa ka-close ng lalaking ito bukod sa kay Crystal. Kaibahan lang close kami noon pero 'di madalas mag-usap at magkasama unlike Crys na halos mapagkamalan na silang magjowa noon. Tho, napansin kong hindi na sila gano'n kalapit sa isa't-isa ngayon. Baka dahil matagal ding nawala rito sa Pilipinas si Lovimer. "Aba naman, Mer—" "Love na lang, para namang ang robot kong pinsan na si Ashmer ang tinatawag mo, eh," patutsada niya na naman. Natawa na lang ako sabay palatak. "Huwag ka nga, mamaya marinig pa ng isa sa girls mo rito na tinawag kita ng love, isyu na naman," pandidirekta ko pa sa kanya. "Girls?" maang-maangan pa niya pero alam kong alam niya kung sino-sino ang tinutukoy ko. Lalaking talagang ito. Isa ring nyawa at haduf. "Mention ko na ba?" biro ko. Sunod-sunod na iling naman ang tugon niya. "Huwag na," kaagad niyang tugon. Sabay pa kaming natawa. "Saan ang punta mo?" usisa niya pa. Ininguso ko naman ang kinaroroonan ng dining hall, doon din pala ang punta niya kaya naman nagkasabay na kami. Pagdating namin ay halos kompleto na ang mga kaibigan ko, well except Percy na nasa work na naman kahit weekend pa 'yan. Workaholic 'yon, eh. Naghiwalay na kami ni Lovimer dahil kinulit at inasar niya na naman ang tinutukoy kong girls niya kanina na sina Jeannie, his ex-girlfriend and Crystal his ex-best friend. Pumanhik ako sa puwesto ng nagbabangayan na naman na sina Gab at Jinro. Iyong magkaaway naman nga sila pero parang 'di mapaghiwalay. Nakakasakit lang ng panga at tainga dahil sa ingay nilang dalawa. "Good morning, Bal," bati sa'kin ng kakambal ko saka binesohan ako. "Good morning, Bal," balik bati ko rin. Ngumiti naman siya nang malapad sa 'kin. "Bakit?" dagdag usisa ko. "Wala, mukhang maganda ang mood mo ngayon, eh." Weird talaga ng mga tao rito kapag binabati o nginingitian ko eh, gano'n na ba talaga ako kaseryoso sa buhay ko? "Bago ba 'yang damit mo?" usisa na naman nito. "Yes, why?" "Ang ganda eh, saan mo 'yan nabili?" Pinigilan kong mapangiwi. "Diyan lang sa tabi-tabi." Ayaw kong sabihin pa na bigay lang ito sa akin ng boss namin dahil tutuksuhin na naman nila ako. Lumapit sa table namin si Kenya habang naiwan sa isang mesa si Dailann. Nandito pa rin kasi sila nag-e-stay since pinapagawa pa nila ang kanilang sariling bahay talaga. Kagagaling lang naman nila sa honeymoon last week. "Marci, nasaan si Kuya?" nangungunot ang noong tanong sa 'kin ni Kenya. Napataas-kilay naman ako. Nang-aasar na naman ba ito? Pansin ko talaga na ako ang nagiging hanapan nila sa lalaking iyon at lagi nila akong tinutudyo sa isang iyon kapag kami-kami lang at kapag wala si Percy. "I don't know, Kenya Guieco. How many times do I have to tell you that I'm not the person to search for missing individuals, especially when your older brother is the one who's disappeared?" I said candidly. She grimaced. "Nagtatanong lang eh, 'di ba at kayo naman ang close saka..." Lumapit talaga siya sa 'kin at bumulong. "Nag-text siya sa 'kin kanina na dadaanan ka niya sa flat mo kaya sa 'yo ko siya hinahanap, Marciella Perrer." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Dadaanan? Wala naman, ah? Saka bakit niya naman ako dadaanan, aber? Eh, sa ang lapit ng Flat ko sa dining hall. Hindi rin naman kami nagkakasabay na pumunta dito lalo na kapag umaga. "Ewan ko sa 'yo, Kens. Sumasakit panga ko sa 'yo, sa inyo. Hindi ko alam kung nasaan siya, period." "Ewan ko rin sa inyong dalawa ng haduf kong kuya, sakit ng bagang ko sa inyo. Mabalikan na nga lang si Dail," aniya pa na mukhang stress talaga. Eh, mas lalo naman ako. Kumain na lang ako kaysa sa ang magpaka-stress sa mga taong malalabo kausap. "Ate Marci, where's Kuya Ash? Kailangan niya ng ibigay sa 'kin ang allowance ko na ipinangako niya sa'kin. Need ko ng bagong laptop para sa thesis namin eh. Nahulog sa pool," nagmamaktol na pambungad sa 'kin ni Kendra, ang bunsong kapatid ni Lovimer. Parang gusto kong hilotin ang sentido ko. Ang aga pa para ma-stress ako dahil sa lalaking iyon. Mukha ba akong yaya ng nyawa na 'yon? "Sa Flat niya," tipid kong sabi kahit 'di ko naman talaga alam kung nasaan ang lalaking iyon. "Doon na ako galing eh, pero wala." Oh, tapos? Jusko, problema ko pa ba iyon? Kakaasar kahadufan ng mga tao rito. Nasisira na tuloy ang mood ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD