RAIN'S POV: Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng buhos ng tubig ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat kaya naman iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Kuya Cy na nakaupo sa gilid ng kama. Bumangon ako at inalis ang kumot na nakabalot sa akin kaya napalingon si Kuya Cy sa gawi ko. "Sorry, did I wake you up?" Marahan akong umiling rito at saka tumayo mula sa folding bed na kinahihigaan ko ang lumapit sa kaniya. Sinapo ko ang kaniyang noo ngunit mataas pa rin ang lagnat niya. "Ang taas pa rin ng lagnat mo, Kuya. Ayos ka lang po ba?" inabot ko ang thermometer na nasa bed side table ko at inipit ko yun sa kaniyang kili-kili upang icheck ang temperature niya. "Hmm... Hindi lang ako makatulog dahil sa lakas ng ulan." Napatingin ako sa terasa ng aking kwarto na kahit nakasara ang

