RAIN'S POV: Magkakasama kami nina Kuya Helio, Kuya Luca at Kuya Theros na nag-hunting ng pagkain sa mga booth na nagkalat dito sa loob ng campus. Pinagtitinginan na rin kami ng mga estudyante dahil sa tatlong kapre na kasama ko dahil sa sobrang alaga nila sa akin na kulang na lang ay subuan ako ng pagkain. "Want some more?" tanong sa akin ni Kuya Helio na halos hindi ko na mahawakan ang mga pagkain binili nila sa akin at halos lahat yata ng booth ay nabilhan na namin. Kasalukuyan kaming nakatayo sa lilim ng isang puno na malayo sa mga taong dumadaan dahil baka mabangga ako at mahulog ko ang mga pagkain dala ko. Pakiramdam ko tuloy may bodyguard ako at walking wallet kasi sila talaga ang nagbabayad ng pagkaing gusto ko. "Wait lang, Kuya. Hindi ko pa nauubos ang hawak ko. Kumalma ka nama

