"Ito ang magiging kuwarto mo. Kung may iba ka pang kailangan ay magtanong ka na lamang sa mga naninilbihan dito," paismid na sabi ni Rosana. Magpapasalamat pa sana ako nang umalis na lang ito bigla nang walang paalam. Hindi na ako nagtaka pa kung bakit ganito niya ako tratuhin ngayon. Halata naman sa babae na ayaw niya akong kasama dahil na rin sa nalaman nito na ako ang mapapangasawa ni Francisco. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na maraming nagkakagusto sa binata. Naalala ko pa ang sinabi ni Senyor Fabian sa akin noon. Sabi niya ay hindi ko na dapat pakawalan pa si Francisco sapagkat napakaswerte ko na raw. Maraming pumipila na mga kababaihan na nais maging kabiyak nito. Mga galing din sa mayayamang pamilya at isang kahangalan lang kung aayawan ko pa raw ang grasya. Ansabeh? Kail

