HS43

2253 Words

Nagising ako kinabukasan dahil sa malakas na pagtapik ni Senyora Esmeralda sa aking balikat. Nang buksan ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ay ang pangamba sa mukha nito. Pupungas-pungas akong bumangon at hinarap ang babae. Ilang oras lang ang tulog ko kung kaya't parang binugbog ang buo kong katawan dahil sa pagod. "Bakit ho, ina?" napapaos kong tanong ko. "A-anak, bumangon ka na," sagot nito na parang balisa. Hindi siya makatingin sa aking mga mata. Tinulungan ako nitong makaalis sa kama. Nagtaka rin ako kung bakit hindi ko nakikita si Moning. Dati-rati ay agad ko na siyang nakikita rito sa kuwarto ko. Nakakapanibago na walang ang babae sa tabi ko ngayon. Si Moning kasi mismo 'yong naghahanda ng susuotin ko sa araw-araw. Nang makababa ako sa kama ay mas lalo akong nagtaka n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD