Masakit na ang tenga ni Sofie sa sigawan ng mag lola sa loob ng kotse, bakit 'di ba n'ya na isip na possibleng mag lola ang dalawa ugaling-ugali pa lang obvious na. 'Di n'ya naman masaway ang dalawa dahil baka mas lalo lang sumabog ang mga ito, may point rin naman si Four kaya inaaway nito ang sariling lola dahil alam pala ni Four na may Alzheimer na ang lola nito at meron ng sarili nurse at bodyguard ito. Hinahanap ni Four ang nurse at bodyguard pero sagot ng matanda hindi nito kailangan. "Ano saan kayo pupunta?" "Mag babakasyo ako sa Mars." "Mars? lalayo na lang din kayo di pa dun sa pinaka malayo. Dun kayo sa Pluto manigas kayo dun mag-isa." "Napaka na talaga yang ugali mo. Sumosobra ka na!" "Mas maganda po yung sobra kesa sa kulang." pabalang na sagot ni Four. "You, all along ika

