"Labas." napangiwi pa si Sofie ng saktong pag hampas ng papa n'ya sa baseball bat nito tumama iyon sa headlight ng kotse ni Four na nabasag. "Pa, tama na po." paki-usap ni Sofie. "Papa." usal naman ni Four na lumabas na rin sa driver seat pero mabilis na naka ilag ng batuhin ng papa n'ya ng baseball bat na ikinatili talaga n'ya sa pag-aakalang tatamaan si Four. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mong hayop ka ha! Di ka pa nakontento sa babaeng ibinabahay mo pati anak ko na legal mong asawa ginagawa mong kabit na hayop ka. Lumapit ka rito papatayin na kitang animal ka." hiyaw pa ng ama na nilapitan na si Four na mabilis na umiwas. 'Hindi po ganun ang tingin ko kay Dukesa. Maniwala po kayo hindi kami nag sasama ni Stefy sa iisang bahay sapol po ng umalis si Dukesa umalis din po ako sa bahay

