"Ayos ka lang ba talaga dito, honey?" tanong sa akin ni Mama. Alam na alam niya talaga kung may problema ako wala. Mabilis niya akong mabasa. But I need to not tell her about what happened. Ayaw ko ring mag alala pa siya sa akin. Kapag nalaman nila ang kung anong nangyari kanina baka mas lalo lamang gumulo at mapahamak pa dahil sa akin si Travis. I'll stick to his plan. I won't tell anyone. Kung iyon lang ang paraan upang makabawi ako sa kaniya ay gagawin ko. Hindi ko sasabihin kay Mama. Para na rin hindi ko siya mapag-alala ng malala. "What are you not telling me, honey?" Mama asked me. I can't speak. I remained silent and let her hug me. Hinahaplos niya ang buhok ko at pinapakiramdam ang sunod na gagawin at sasabihin ko. Don't speak, Danica. It's the only way to save Travis. Malaki

