Naramdaman ko ang kamay ni Trevor. Hinawakan niya ang isang kamay ko sa ilalim ng mesa upang mawala ang kabang nararamdaman ko. Alam niya. Ngunit hindi niya na ulit pa ako tinanong kung ayos lang ako. Hinawakan niya na lang ang aking kamay at ngumiti noong tingnan ko siya. I appreciate him for doing that. Nabawasan ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko ngayon. Tense, pressure, nervous, I don't know what these are. Basta, I just have this bad feeling that even myself couldn't identify. "Sarap, right?" Trevor asked. I nodded as I tasted it. Napatingin ako sa niluto kong tofu na wala man lang gumalaw kahit isa sa kanila. Napasimangot ako lalo nang dahil doon. Hindi ba siya mukhang representable? Bakit wala ni isa sa kanila ang nakapansin sa tofu? Maybe wala lang siguro sa kanilan

