Six

2532 Words
Your Highness, You're My Slave Chapter Six Zenwel Ashfortz, isang perpektong lalaki na pinapangarap ng lahat. Gwapo at mayaman. Siya lang naman ang magmamana ng halos lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya dahil siya ang unang anak na lalaki. Dahil doon ay madali niyang nakukuha ang lahat ng gusto at napapaikot ang mga tao sa paligid niya. Ang hilig niya'y paglaruan ang mga buhay ng mga maliliit na tao sa kaniyang mga palad. Pero noon 'yun.. bago mangyare ang isang bangungot na hindi niya aakalaing pwedeng mangyare sa kaniya. Dahil ang inyong kamahalan ay magiging slave ng isang hamak na tagalinis lamang. *** Naka-abang sa lobby ang mga nagkukumpulang babae sa harapan niya. Nagkakagulo ang mga ito ngayon dahil paparating na si Zenwel Ashfortz. Mga limang hakbang nalang sana ay mararating niya na ang lobby nang pumagitna si Alexis sa kanyang daanan. Ang maliit, payatot at nanlilisik na mga mata na nakatingin ngayon kay Zenwel ay si Danielle Alexis Gonzales. Ito ang bagong hired na tagapaglinis sa Wilford Academy na pinapasukan niya. Matapos na magresign ang halos lahat ng tagapaglinis sa Wilford, ang bagong janitress na si Alexis ang sunod na tinripan niya. Pero kung inaakala niya na sa pagpapahirap dito ay mapapaalis niya ay hindi pala. Nagkamali siya ng binangga. Dahil si Danielle Alexis Gonzales ay isang tao na hindi basta-basta susuko lalo na't kailangan talaga nito ngayon ng pera upang ipangbayad sa balances ni Kia; ang bunsong kapatid ni Alexis na nag-aaral sa isang prebadong eskwelahan. Si Alexis, habang lalong tinatapakan ay mas lalong pumapalag, kagaya ngayon. Gaya ng inaasahan ni Zenwel ay sumulpot sa harap niya si Alexis pero nagkamali siya sa itsurang makikita niya. Galit na galit ito. Buong akala niya ay haharap itong namumugto ang mata at agad na luluhod sa kanya para magmakaawa. Nagsukatan sila ng tingin ni Alexis. Halos patayin na siya sa tingin nito. Kita niya ang panginginig ng katawan nito dahil sa pagpipigil ng galit. Napangiti lalo si Zenwel. Hinawi niya ang kanyang bangs gamit ang ring finger niya bago nagsalita. "If you're here to ask mercy on me, then you should leave or else, I will—" Ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ang namayani nang suntukin siya nito ng malakas sa mukha bago pa man niya matapos ang sasabihin. Sumubsub ang gwapo niyang mukha sa lapag at hindi makapaniwalang napahawak sa pangang nasuntok nito. Tumayo siya at gigil na sinugod si Alexis. "What the hell did you jus—" Hindi ulit siya nakatapos ng pagsasalita dahil muli siyang sumubsob sa lapag dahil sa pangalawang suntok sa kanya ni Alexis. Dahil sa pangalawang suntok na iyon ay pumutok na ang kanyang labi. "Papatayin kita!!" Iyon ang tatlong salita na nagpalamig sa buong katawan ni Zenwel. Kinuwelyuhan siya ni Alexis at ito pa mismo ang nagpatayo sa kanya. Halos naging bato naman ang mga babaeng nakapaligid sa lugar. Nagsidatingan narin ang iba pang mga estudyante at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. "Ibalik mo sa eskwelahan ang kapatid ko dahil kung hindi ay mapapatay kitang putang ina ka! Sino ka para ipa-expelled ang kapatid ko?! DUWAG KA! Hindi mo ako kaya kaya ang mga tao sa paligid ko ang pinupuntirya mo!" Ubod ng lakas na sigaw ni nito sa mukha niya. Itinago ni Zenwel ang takot niya at tinapatan ang matalim na tingin sa kanya ni Alexis. "Tss! And why would I do that?" nakakalokong turan niya. Ngumisi pa siya pero nawala agad iyon dahil sinuntok na naman siya ulit ni Alexis at muli na naman siyang natumba. "Ibalik mo sabi ang kapatid ko!" Singhal na utos nito sa kanya at inapakan siya sa dibdib niya para hindi siya makatayo. Galit na galit si Alexis. Wala pa itong tulog dahil inantay talaga nitong mag-umaga para komprontahin si Zenwel. Kakausapin lang sana siya nito pero hindi na nito napigilan ang matinding galit nang makita ang lalaki. Naalala kasi nito bigla ang mukha ng umiiyak na kapatid nang ibalita nito kagabi na in-expelled nga ito sa hindi malamang dahilan at alam nito na siya lang naman ang gagawa ng ganung klase ng kaduwagan. Hindi alam ni Zenwel kung paano naghirap si Alexis para lang mairaos sa pag-aaral ang kapatid na si Kia at ngayon ay ga-graduate na ito ng high school ay ganito pa ang nangyari. Halos kitlin na nito ang buhay sa kakatrabaho kaya hindi ito papayag na sa ganito magtatapos ang pangarap nito para kay Kia. "Arg! Get-off me!! Your slippers are damn so dirty and it already stained my favorite shirt! Get off your foot on me!" Pilit na inaalis ni Zenwel ang pagkakatapak sa kanya ni Alexis pero hindi niya 'yun magawa dahil mas idinidiin siya ni Alexis sa lapag. Clap! Clap! Clap! Napalingon ang lahat; maging sina Alexis at Zenwel sa taong pumalakpak. Si Crystal pala iyon, ang nakakatandang kapatid ni Zenwel na siya ring namamahala ng Wilford Academy at kasama pa nito si Nieder na siyang bunso sa tatlong magkakapatid na Ashfortz. Napakunot ang noo ni Alexis. Bakit tila ay natutuwa pa itong si Crystal sa tagpong nakikita? Doon lamang natauhan si Alexis. Hindi dapat nito ginawa iyon kay Zenwel. Dapat sa labas nito ito inambangan at hindi sa loob ng teritoryo ng kaaway. Marahas na tinabig ni Zenwel ang paa ni Alexis at dahil hindi ito aware sa ginawa ay tumumba ito sa lapag. "Dude.." nag-aalalang nilapitan ni Nieder si Zenwel na ngayon ay puno na ng pasa sa mukha at nagdudugo ang labi. "Alexis and Zenwel. Please come with me to my office." Simpleng sabi nito. "Now, you're dead." Nakangising ani Zenwel kay Alexis bago tuluyang sinundan ang kanyang ate. *** NAKA-CROSS ARMS si Crystal habang pinagmamasdan si Alexis na ngayon ay halos hindi makatingin sa kaniya ng diretso at mukhang nahihiya sa nagawa nito sa kanyang kapatid. Hindi niya mapigilang mamangha rito dahil nagawa nitong gulpihin ng ganoon si Zenwel nang walang katakot-takot. Nasa couch naman si Zenwel at ginagamot ng school nurse nila. Naaawa tuloy siya rito dahil sa sugat na natamo nito sa labi. Pumutok kase talaga iyon at bugbog pa ang mukha nito dahil sa suntok na ginawa ni Alexis. Mukha ngang nakahanap na ng katapat ang kapatid niya. Dahil tuloy doon ay may naisip siyang magandang plano na noon niya pa gustong maganap at sa tingin niya ay ito na ang tamang panahon at pagkakataon. Matapos magamot si Zenwel ay lumabas na ang nurse. Bumuntong hininga si Crystal dahil hindi niya alam kung paano magsisimula. Basta na lamang may nakarating sa kaniya na may gulo at sangkot dito ang kapatid niyang si Zenwel. Buong akala niya ay may inaalipusta na naman ito na kung sino kaya natuwa siya nang makitang ang kapatid niya pala ang dihado. "Pasensya na po sa nagawa ko sa kapatid niyo pero hindi ko po pinagsisisihan na ginawa ko 'yan sa kaniya." Pag-uumpisa ni Alexis. "Kung tatanggalin niyo ako sa trabaho ko at kakasuhan niyo ako ng kaso, okay lang pero hindi talaga ako mag-sosorry sa siraulong 'yan!" Sinulayakap ni Alexis ng matalim na tingin si Zenwel. Tatanggapin ni Alexis ang ano mang parusa. Naisip na nito ang kalalabasan ng mga gagawin kung susugurin nito si Zenwel. Alam nito ang mangyayari. Mabuti na lang talaga at pinaubaya na nito ang kapatid sa kaibigang si Joana. "Naiintindihan kita Alexis. H'wag kang mag-alala, hindi kami magsasampa ng kaso sa 'yo." "Talaga po?!" Hindi naitago ni Alexis ang saya sa boses nito. "What the hell, Crystal?! Hindi mo ba nakita ang ginawa niya sa'kin?!" Inis na singhal ni Zenwel sa kanya sabay turo sa mukha nito. "Tanggalin mo siya sa trabaho ngayon din mismo!" Mariin na utos nito sa kanya. "Kasalanan mo 'yan, Zenwel. Hindi ba't binalaan kita na h'wag mong gagalawin si Alexis? Kailangan natin si Alexis dahil siya lang ang naglakas loob na mag-apply sa 'tin kahit pa kalat na sa lahat ang mga nangyayare sa mga tagapaglinis na pumapasok sa 'tin ditto dati! Mabuti nalang talaga at hindi gaya ng iba si Alexis. Kita mo tuloy ang napala mo. Hindi naman siguro 'yan gagawin ni Alexis sa 'yo ng walang sapat na dahilan. Tama ba, Alex?" Sinulyapan niya si Alexis na siya namang napayuko lang. "You're acting like I am not your brother! Ba't ba kampi ka sa bwisit na 'yan?! This is so absurd Crystal! I have all the bruises in my face and I was very hurt!" Hirap na pagsasalita ni Zenwel at itinuro pa si Alexis na ngayon ay sinamaan na naman ito ng tingin. "Totoo ba 'yun Alexis?" Bumaling si Crystal kay Alexis na ngayon ay kumikibot-kibot ang labi. Hindi nito malaman ang dapat na sabihin kaya napangisi si Zenwel. Patay ka na talaga ngayon. "He's a desperate and horrible thief!" Dagdag pa ni Zenwel. "Ninakaw niya ang bag ni Angelica! Dahil sa ginawa nila nasaktan si Angelica. I just did my part!I can't believed you hired a thief, Crystal." Si Angelica ay ang kinababaliwang babae ni Zenwel, inagawan ng bag kamakailan lang si Angelica ng isang nakamotor habang magkasama sila ni Zenwel. Nakita nito ang pangyayari at si Alexis ng mga oras na 'yun. At nito lang ay magulat-gulat si Zenwel dahil sinauli nito ang mismong bag ni Angelica? Tumingin si Crystal kay Alexis para hingin ang side nito. "Hindi ako magnanakaw. Ibinalik ko pa nga sa 'yo ang bag na ninakaw sa inyo." Kalmadong ani Alexis. Sa loob-loob nito ay naiinis na ito. So kaya ba nagawa ni Zenwel na isali ang kapatid nitong si Kia sa gulo dahil nasaktan 'yung babaeng nagngangalang Angelica? Tsk! "Oh, really? You were just guilty! You returned it because you want me to think that you're a hero and that you can have more money from me! Right?! Well, I am not that dumb to believe you. Mga dukha nga naman!" "May nakuha ba ako, Zenwel?!" Asar nang sagot ni Alexis rito. "Bukod sa pag-aakusa mo sa 'kin wala akong ibang nakuha sa pagmamagandang loob ko na ibalik sa iyo ang bag. Tinanggal mo pa ang kapatid ko sa paaralang pinapasukan niya! Ang kapal mo!" Natahimik si Zenwel sa sinabi ni Alexis. "What?! Is that true, Zenwel?" Hindi makapaniwalang ani Crystal. Sinasabi niya na nga ba, mabait si Alexis. Hindi 'to mananakit nang walang sapat na dahilan at hindi niya naisip na ganito kalala ang ginawa ng kapatid niya. Nandamay na 'to ng ibang tao. "Walang magnanakaw na aamin na magnanakaw siya." Pagkuway sabi ni Zenwel. Ayaw talaga nitong magpatalo. Napapikit nang madiin si Alexis para pakalmahin ang sarili. Kung wala lang itong utang na loob kay Crystal malamang ay madadagdagan pa ang mga pasa ng lalaking ito sa mukha. Napabuntong hininga na naman nang malalim si Crystal at saka pabagsak na naupo sa kanyang swivel chair. "Zenwel, I am so disappointed of you." "Tsk!" Tanging nasabi ni Zenwel at hinawi na naman ang bangs gamit ang ring finger nito. "Danielle Alexis Gonzales," tawag nito kay Alexis na tumugon naman agad. "Bakit po?" Lumapit siya kay Alexis at hinawakan ang kanang kamay nito. "I know, this might sound crazy, but from now on, you will be his master and he will be your slave." Ito ang mga katagang sinabi ni Crystal at nagging sanhi ng pagyanig sa mundo ni Zenwel. Si Zenwel? Magiging slave? Magiging alipin? "W-what?! No! You are kidding!" natatawa at hindi makapaniwalang turan agad nito sa kanya. Nagsisimula nang manlambot ang mga tuhod ni Zenwel. "You can't do this to me, Crystal Ashfortz!" "Nagagawa ko na, brother. Baka nakakalimutan mo na nasa 'kin ang consent niyo ni Nieder hanggang hindi pa kayo nakakagraduate ng college. Pwede kong gawin ang kahit na anong gusto kong gawin sa inyo." Parang tinakasan ng kaluluwa si Zenwel sa narinig. Totoo 'yun at wala itong magagawa kung haharangin niya ang mga credit cards at atm nito. Pwede rin niya itong ipabanned sa kung anu-anong lugar at pwede niya ring ipahila ang mga kotse nito ano mang oras. "W-wait, Crystal. Your just joking right?" Pagsasaaayos niya pa ng gulo. "Pwede ko namang ibalik ang kapatid ng mayabang na patpating 'yan sa eskwelahan nito at kalimutan nalang ang nangyari." "Its too late, brother. My decision is final. You will loss everything you have and you will be, Alexis's slave." "NO!! This is absurd!" Gigil na gigil na sigaw ni Zenwel matapos marinig ang sinabi niya. Nilingon agad ni Zenwel ang taong naging dahilan ng nalalapit na pagdurusa nito. Gustong-gusto na nitong sakalin ang kaharap hanggang sa malagutan ito ng hininga dahil sa sobrang galit pero tignan mo nga naman, hindi man lang pinansin si Zenwel. "Yes, my brother." Mapang-asar ang tono ni Crystal pero alam mong makapangyarihan dahil totoo ang mga sinasabi nito. Mangyayari nga 'yun. "From now on, si Alexis na ang bahala sa 'yo. Siya na ang magiging amo mo at pagsisilbihan mo siya." Hindi na nakapagsalita pa si Zenwel. Wala ito sa plano ng binata. Parang isang masamang panaginip ang lahat na gusto na lamang nitong magising. "Is that okay with you, Alex? Don't worry, ibabalik ko ang kapatid mo sa pag-aaral. Pasensya kana sa ginawa sa iyo ng kapatid ko, ha?" "Mawalang galang na pero ayoko sa lalaking 'yan." Pagsasalungat ni Alexis sa sinabi ni Crystal. Ano daw? Magiging alipin ni Alexis ang lalaki? Ibig sabihin kailangan nitong alagaan ang binata at makakasama ito? Ayaw niya! Sakit lang ito sa ulo! Dagdag gastos pa! Ang makita at makasalubong nga lang 'to sa daan ay nakakabwiset na. Makasama pa kaya? "What? But Alexis, this is an oppurtunity para sa 'yo na makagan—" "Stop it, Crystal." Putol ni Zenwel sa sinasabi sa kanya. "Ayaw niya nga diba? H'wag natin siyang pilitin." Galak dagdag nito at kinindatan pa si Alexis ng magtama ang mga mata nila. Kung ganiyan ng ganiyan si Alexis, matutuwa talaga ito. Siguradong walang gulo at pag-aaway. Tiyak na magkakasundo sila at baka sa huli ay maging magbestfriend pa. "Alex, bakit ayaw mo? Ibabalik ko ang kapatid mo sa paaralan niya at mananatili ang trabahong 'to sa'yo plus magiging alipin mo si Zenwel. Pwede mong gawin ang lahat ng pwede mong gawin sa kaniya." Pagpupumilit pa rin ni Crystal. Naningkit ang mga mata ni Alexis sa sinabi nito. Biglang napaisip ang dalaga. "Pwede kong gawin ang lahat?" Paninigurado nito. "Oo naman. Makakaganti ka na sa mga pinaggagagaw niya sa 'yo." Para bang isang masamang anghel si Crystal na tinukso itong gumawa ng masama. Nabahala naman si Zenwel dahil parang namang dalawang bruha na na nag-uusap ang dalawa. "Hey, ayaw nga niya! H'wag mo ng ipili--" "Pumapayag na ako." Bigkas ni Alexis na siyang kinabagsak ng mundo ni Zenwel. Ngayon, kabaligtaran na ang mangyayari. "No! Hindi ako papayag!" Bulyaw ni Zenwel. Sa labas ay naabutan nito sina Kyle at Nieder na nakadikit ang mga tenga sa pinto. Nakikinig pala ang dalawa sa loob ng office. Nanghihilakbot na napatingin si Zenwel kay Alexis na ngayon ay nakangiti. Ilang sandali ay hinarap ng dalaga ang binata at nagbigay ng galang dito sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo at paglagay ng kanang kamay sa dibdib na para bang nagbibigay galang ito sa harap ng isang Royal Prince; sabay bitaw ng mga katagang guguho sa buong mundo ni Zenwel. "Your highness, you're my slave!" ani Alexis at ngumiti ng nakakaloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD