BASEMENT PARKING, MONTEVERDE TOWER
Tahimik si Liam habang binubuksan ang pinto ng black SUV. Naka-all black siya, may discreet earpiece sa tainga, at may pistolang nakatago sa loob ng jacket. Lahat ng detalye ng security naka-set na—exit plans, communication channels, checkpoints.
Kompleto at Maayos.
Hanggang sa bumaba si Ava mula sa elevator.
Naka-black dress. Low back. Matangkad na heels. At ‘yung lakad? Parang fashion show, hindi party.
Napakapit saglit ang binata sa manibela. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil kailangan niyang i-ground ang sarili.
“Tagal mo naman, Rivera” biro ni Ava habang sumasakay sa likod ng sasakyan. “Akala ko kapag military ka dapat mabilis ang kilos?.”
“Five minutes early pa nga tayo,” sagot niyang hindi tumitingin sa salamin.
“Hmm. You sound fun,” Sabi nito na naka chin up at parang prinsesa sa likod ng sasakyan.
Tahimik si Liam habang minamaneho ang sasakyan palabas ng basement. Pero sa utak niya, hindi siya dapat mapalagay. Ngunit hindi sa panganib dahil sanay na siya sa ganon.
Kundi dahil....iba talaga ang presensya ng dalaga sa likod ng sasakyan.
Dahil kahit gaano siya kahigpit, kahit gaano siya ka-trained—palaging may paraan si Ava para makalusot. Hindi gamit ang sandata, kundi ngiti at tingin nito. Bagay na hindi tinuro sa training para maiwasan.
“Pagdating sa event,” sabi niya habang nasa daan, “You stay within three meters from me. No side exits, no bathroom breaks nang hindi sinasabi. Maliwanag?”
“Yes, sir,” sagot ni Ava, pero halatang may ngiting nang-aasar sa boses.
Nagbuntong-hininga si Liam. Alam niyang hindi magiging madali ‘to dahil sa mismong babaeng binabantayan niya.
LUNA HOTEL GRAND BALLROOM
Magarbo ang venue—chandeliers, live string quartet, champagne everywhere. Ava walked into the ballroom like she owned the place. Heads turned. Cameras flashed.
Pero ang presensya sa likod niya ang mas ramdam niya kaysa sa lahat ng mata sa paligid.
Si Liam.
Tahimik lang ito na parang anino. At kahit hindi siya tumitingin, alam nyang nakamasid din sa kanya si Liam. Bawat hakbang niya, bawat slight na paglingon... sinusundan siya ng lalaki.
At hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam ng dalaga nakaka-excite ‘yun.
Tumigil siya sa isang kilalang business tycoon na kakilala ng ama niya.
“Ava,” bati nito. “Beautiful as always.”
She smiled, charming as ever. “Thank you po. This is my new shadow,” sabay kindat kay Liam. “Si Liam Rivera. Very intense, very serious. But secretly sweet, I think.” pag papacute pa nito.
Hindi kumibo si Liam. Pero nakita niyang naramdaman nito ang kindat niya.
Pagkaalis ng matanda, humarap siya sa bodyguard niya.
“Relax ka naman,” bulong niya, habang kunwaring inaayos ang kanyang hikaw. “Para kang robot. Baka isipin ng mga tao hostage ako.”
“Trabaho ko ‘to,” mahinang sagot ni Liam, halos hindi gumagalaw ang bibig.
“Hindi ako narito para makipag-socialize, miss Ava."
She stepped closer, just enough para halos magdikit ang katawan nila.
“Too bad,” bulong niya, mata sa mata. “You’re wasting a very expensive suit.”
Kitang kita ng dalaga ang reaksyon ng binata. Habang si Liam, pinipigilan pa din ang sarili dahil ayaw nyang patulan pa ang ginagawa sa kanya ng dalaga--hanggang sa kaya nya.
Ilang saglit ay isang slow instrumental piece ang itinugtog. Ava was sipping champagne, medyo bored, medyo ginaganahan din sa pasimpleng sulyap kay Liam sa kabilang gilid ng room.
Tahimik lang ito.
Samantala, nakatingin din sa kanya si Liam at nakita pa nyang itinaas ni Ava ang hawak nitong champagne. Lalapitan na nya ang babae ng bigla syang may napansing isang lalaking naka-cap na nakasuot ng hoodie sa loob ng formal event? Weird.
Mabilis ang kilos ni Liam iginala nya ang paningin habang nakahwak ang isang kamay sa bulsa. Napansin ng dalaga na kakaiba ang ikinilos ng bodyguard nya kaya sya ay bahagyang nataranta.
Mayamaya ay nasa harapan na nya ang binata, nakaharang ang matikas nitong katawan.
“Don't move.” bulong ni Liam. “ Tumingin ka lang sa’kin.”
“W-why?—”
“Just. Look. At. Me.” mabigat na boses nito habang nakatitig sa mapang akit na mga mata ng dalaga.
Hindi na nagtangkang sumagot pa si Ava. Sa halip ay sumunod nalang ito, nababasa nito sa mata ng binata na parang sundalong nasa mission na may panganib—kalmado pero delikado.
At ilang sandali ay dumating ang mga kasama niya sa security team.
Ava felt her heartbeat rise, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. At ang bigat ng kamay ni Liam na maingat pero matatag na pumatong sa baywang niya—guiding her out of the crowd, shielded.
First time niya naramdaman ang ganito.
Protected. Controlled. At hindi in denial—turned on.
Mabilis ang kilos ni Liam, hinawakan niya ang kamay ng dalaga at dinala sa isang hallway sa likod ng ballroom at pinatayo niya sa isang safe corner si Ava.
“Okay ka lang?” tanong nito, mas malapit ang mukha kaysa dati.
“O-oo,” bulong ni Ava. Alerto pa rin si Jaxon habang nakahawak ang Isang kamay sa earpiece, nakikinig---nagmamasid.
“Wala nang threat,” sabi ng isa sa team ni Liam sa radio. Pagkarinig niyon muling idinako ang tingin sa dalaga at hindi siya umalis sa harap nito.
“Akala ko—joke lang ‘yung mga threats,” bulong ni Ava.
“Hindi ako pinatawag at binigyan ng trabaho para sa mga biro, Ava,” mahina ngunit matalim na sagot nito.
Elevator, Monteverve Tower Private Access
Tahimik ang dalawa sa loob ng elevator.
Ava stood with her arms crossed, pero ramdam niya pa rin ang pabilis na t***k ng puso. Nakatingin sa likuran ng binata. Hindi kasi mawala sa isip nya ang pag hawak nito sa bewang nya kanina na nagbigay kakaibang tensyon sa kanya.
Habang si Liam, nakatayo sa tapat niya. Tahimik pero hindi maikakailang tensyonado rin. Hindi man siya tumitingin.
“I’m fine, you know,” basag ni Ava sa katahimikan. Sumulyap lang ang binata sa kanya at muling tumingin sa numero ng elavator.
“...You touched my waist kanina,” pabulong pero diritsong saad ng dalaga. “Kasama ba ‘yon sa protocol?”
Walang ngiting napatingin si Jaxon sa kanya.
“Hindi,” sagot niya, dahan-dahan.
Isang hakbang lang ang layo nila sa isa’t isa. Isang hakbang lang.
“I had to move you,” aniya, pero may bahagyang punit sa kontrol ng boses niya. “You were in danger.”
Ava stepped closer, mata pa rin sa mata.
“Eh ngayon?” bulong niya, “Wala na ako sa panganib, kaya mo pa din ba akong hawakan, gaya ng kanina?…”mapang akit na tinig nito habang hawak ang kabilang kwelyo ng polo ng binata.
Pero nanatili lang si Liam, hindi sya kumilos habang nakatitig sa kanya si Ava.
“Sabihin mo lang,” bulong ni Ava, “Kung gusto mong—”
At biglang bumukas ang pinto ng elevator. Napangiti lang ang dalaga at napayuko.
"Magpahinga na kayo miss Ava." Wika ng bodyguard.
MONTEVERDE TOWER PRIVATE QUARTERS
Tahimik si Liam habang nakatayo sa harap ng malaking bintana ng guest suite—ang pansamantala niyang tirahan habang naka-assign kay Ava Monteverde. Mula sa taas, kalmado ang lahat. Ilaw, kalsada, mga kotse—lahat organisado.
Hindi pa din nya nabubuksan ang mga gamit na dala nya simula kanina. Nasa sulok ng kwarto ang itim nyang duffel bag kasama ang boots niya, maayos na nakapwesto. Gano’n siya palagi—lahat nasa ayos, lahat kontrolado.
Pero si Ava?
Wala sa plano. Walang kontrol. Hindi mawala sa isip nya ang dalaga, ang unang araw nya bilang tagapag alaga nito na puno agad ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Sa isip ng binata para itong apoy—mainit, mapanganib, at parang nananadya. Ang kilos. Ang titig. Ang paraan ng pagsasalita. Ang bahagyang ngiti habang sinusubok siya.
At lalo na—ang malambing na boses nito sa tuwing sinusubok ang hangganan nya.
Ngunit si Liam ang tipo ng lalaking sanay sa kontrol. At ngayon, hindi siya sigurado kung kaya niyang panatilihin 'yon kapag si Ava ang kaharap at kung hanggang saan sya magtatagal at susuwayin ang bawal.
Napapikit siya saglit, pinipilit pakalmahin ang sarili.
"Trabaho lang Liam, hindi sya bagay Sayo! Isa syang mission! Pagkukumbisi nito sa sarili.
Pero kahit anong ulit niya sa isip niya, hindi nawawala sa utak niya ang imahe ni Ava—ang mata, ang boses, ang mapang-akit na lakad.
At alam ng binata na sa unang kita pa lang niya rito ay hindi nya maiwasang humanga.
"s**t!" Mura pa nito sa isipan. Ginulo nito ang sariling buhok at saka pumasok sa banyo. Ayaw nyang masira ang trabaho nya ng dahil lang sa mapanuksong anak na dalaga ni Mr. Monteverde. Itinatak nya sa isipan na hindi sya magpapatalo sa tukso ng dalaga hanggang sa matapos ang misyon nya.