CHAPTER 3

1242 Words
6:00 AM. Gising na si Liam hindi para sa trabaho kundi sa kinagawian nyang ensayo. Basang-basa ang likod nito ng pawis. Naka-black joggers at walang suot pang-itaas. Humahataw ang araw sa rooftop ng Monteverde Estate habang nag-eensayo ng tactical strikes kasama ang dalawang tauhan ng private security. “Ano ba ‘yan, Rivera,” sabi ni Franco, ka sparring nito. “Hindi na pang-bantay ‘yan. Pang-pelikula na ang katawan mo.” “Mas mabuti ‘yan. Para walang may gustong sumubok,” balik nito, sabay suntok sa practice pad. Hindi nila alam na nanonood pala sa kanila si Ava. Nasa itaas ito ng balcony, may hawak na orange juice, naka-sunglasses, at naka-sando lang na manipis na maluwag at kitang-kita ang suot nitong kulay gray na sport bra. “Sige pa, Mr. Bodyguard. Galingan mo. Maganda ‘yang cardio mo, pampahaba ng….......pasensya!!” sigaw ng dalaga sabay hiyawan ng mga maid sa tabi nito. Napalingon ang binata, pero binalik din ang focus sa ensayo. “Ma’am Ava!” singit ni Franco, “baka gusto niyong sumali? Pwede kayong pa-spar kay Liam!” Hirit pa nito. Ngumiti si Ava. “Hmm. Bakit hindi? Pero ang gusto ko------physical contact sparring. Wala nang pads.” Pabirong sigaw nito. Napamura si Franco sa tawa. “Patay kang bata ka, maaga kang mapapatalsik ni Don Roberto nito.” tukoy kay Liam na parang walang naririnig. Saglit na napasulyap ang binata sa dalaga. Kumaway pa ito sa kanya na may halong pang aasar. Hindi na lang nya ito pinansin sa halip ay pumasok na sila sa kanilang mga private site. Matapos makapag bihis ay pumunta na sya sa lounge para simulan na ulit ang trabaho. ----------- MONTEVERDE PENTHOUSE - PRIVATE LOUNGE AREA Tahimik si Liam na pumasok sa lounge. Nakita nya si Ava na nakasuot lang ng silk robe na parang wala lang. She walked like she owned the world—and maybe she kinda did. She poured herself a glass of red wine, then glanced at Liam. “Gusto mo?” tanong niya sa binata. “On duty ako,” seryosong sagot ni Liam. “Wow. Walang cheat days?” “Wala sa trabaho.” tipid nitong sagot. Ava shrugged, then casually umupo sa velvet couch. Legs up, robe slipping just enough to make things interesting. “So ano na? Ano’ng game plan mo, Mr. Rivera?” “Simple,” he said, crossing his arms. “You give me your schedule. Sasamahan kita kahit saan—events, meetings, o kahit gusto mong mag-coffee lang sa kung saan. At lahat ng lalapit sa’yo, dadaan muna sa’kin.” She raised her brow. “Lahat? Even dates?” “Lalo na dates.” mabilis nitong tugon. She laughed, soft but dangerous. “Grabe ka naman. Bodyguard ka ba or boyfie?” Liam didn’t flinch. “I’m here to protect you. Hindi para i-entertain ka.” Ava smirked, slow and taunting. “Eh kung kaya mo namang gawin pareho, why not?” Tumahimik si Liam, pero may maliit na shift sa expression niya. Pakiramdam nya ay namula sya sa sinabi ng dalaga. “May isa pa,” he said, stepping forward. “Bawal kang umalis ng building nang wala ako. Kahit anong lakad. Gets?” Ava stood up, just inches away from him. “Clear.” Pero habang dumaan siya sa tabi niya, she leaned in, her voice like velvet. “Pero sana mabilis ka, bodyguard. Kasi I don’t do boring. And please, ngumiti ka din ng madalas. Ang pogi mo pa naman. Isipin pa ng mga tao wala kang sense of humor? Or bawal din ‘yun sa manual mo?” “Wala ‘yun sa trabaho ko, I have rules na dapat sundin lalo na pagdating sayo.” seryosong tugon ng binata ngunit diritso pa din ang tingin. Ava rolled her eyes and stood. “Okay, Mr. Serious. So paano kung lumabas ako nang hindi mo alam?” His jaw clenched, barely. “Then I find you. And bring you back.” “Oh? Gano’n ka kagaling?” she asked, stepping closer. He didn’t move. “Try me.” Ava smirked. And that's smirked before walking past him—slow, deliberate, letting her silk robe slide just enough to show leg. Hindi kumibo ang binata, sa halip napabuntong hininga. Nang makalayo ang dalaga at wala na sa paningin ay saka lamang pumasok sa security room. Doon niya minamanmanan ang bawat kilos ng dalaga. Apat na screen sa harap niya. Pero isang feed lang ang tinititigan niya: si Ava, naka-upo sa veranda, nagbabasa ng libro. Nakataas ang isang hita, nakalaylay ang robe sa balikat. “Focus, Liam.” bulong niya sa sarili. Alam nyang hindi tama at hindi dapat. Pero hindi niya mapigilang panoorin. Dahil sa bawat galaw ng dalaga, bawat ngiti kahit hindi siya kasama—may kung anong parte sa kanya ang kumikirot at nabubuhay. Gusto niyang bitawan ang radio, pumasok doon, at sabihin kay Ava na—na kung anu pa ang binabalak nitong gawin sa susunod na mga araw na panunukso ay wag na ituloy dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya. Pero hindi. Umupo siya ng tuwid. At pumikit. “Hindi ako pwedeng matalo sa laban na ‘to.” tipid niyang wika sa sarili at tumalikod sa screen. BALCONY GUARD DUTY Nakatayo si Liam sa gilid ng pinto. Nang lumabas si Ava at parang natatawang tumingin sa kanya. “Guard ka ba talaga o mannequin?” tanong ni Ava, nakatayo sa tabi niya, naka-silk robe, freshly showered. “Ito ang trabaho ko..” “Trabaho ba ‘yang hindi pagtingin sa akin habang ganito suot ko?” sabay ikot, tinamaan ng kaunting hangin ang laylayan ng robe. Liam turned his head away, agad. "Akala mo hindi ko alam na pinagmamasdan mo ako sa mga surveillance cameras, well actually wala namang masama." Dagdag pa ng dalaga. “Khait sana sa pananamit magbigay ka ng respeto lalo na kung lalaki ang tagabantay mo." Strikto at diretsong tugon ng binata. Ava smirked. “Really?" Gulat pero natatawang Saad ng dalaga."Eh ikaw ba? Wala ka bang respeto sa nararamdaman mo habang pinipilit mo ‘kong hindi tignan? Para kang hindi lalaki. Tao ka rin, mahirap magpigil, Mr. Rivera." Pang aasar pa nito. At saglit na pumasok sa kwarto at may inilagay sa kama nito saka bumalik sa nakatayong si Liam. “By the way, aalis tayo, as usual sa party. Bored ako. Gusto kong magliwaliw, unless kung may idea kang gawin nating hindi nakakaboring." Sabay kindat pa kay Liam at saka isinara ang pinto. Pakiramdam ni Liam ay nauubos na ang pasensya nya at para bang naubusan ng lakas. Hindi sya pwedeng magpakita ng kahit anung reaksyon kapag kausap ang dalaga dahil sa mga nakapalibot na mga security cameras. Isang maling galaw o kilos lang ng binata, makakarating na agad ito sa ama ng dalaga. At alam nya ang posibleng mangyari lalo na may patakaran syang sinusunod. Ilang oras din syang maghintay bago tuluyang lumabas sa kwarto si Ava. Naka-black silk dress ito na halos ayaw makisama—manipis, malalim ang neckline, at masyadong maiksi. Bahagyang napalunok si Liam ng palihim. Pilit nyang inilalayo ang tingin sa dalaga habang nakatalikod ito at isinasara ang pinto. "Let's go Mr. Bodyguard." Sabi nito at naglakad. Isang oras ang byahe papunta sa nasabing venue ng party. Isang classy resto bar ang madadatnan pagpasok, sakto ang awra. Banayad ang ilaw, may slow music. At sa kabilang private room ang party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD