Pagpasok nila sa private room ng resto-bar, agad silang sinalubong ng malalakas na tawanan, amoy ng mamahaling alak, at tinginan mula sa mga bisita.
Ava walked like she owned the place — head high, hips swaying lightly, every move calculated to tempt and tease. Halos lahat ng kalalakihan ay napapalingon sa kanya, pati na ang mga babaeng naiinggit sa confidence niya.
Nasa likod niya si Liam, tahimik pero alerto. Hindi siya mapakali sa dami ng mata na nakatuon sa dalaga. Para siyang leon na binabantayan ang pinakamahalagang hiyas sa isang silid na puno ng mga magnanakaw.
Nang may biglang lumapit na isang lalaki sa dalaga, naka-suit at may hawak na champagne. Ngumiti ito kay Ava na subrang kumpyansa.
"Miss Monteverde," bati ng lalaki, "pleasure to finally meet you."
Bago pa makasagot si Ava, isang hakbang lang ni Liam ay nasa pagitan na ito ng dalawa. Walang kahit anung salita ang lumabas sa bibig ni Liam, pero sapat ang tindig niya para umatras ng kaunti ang lalaki.
Ava chuckled, amused. "Relax, Mr. Bodyguard. Hindi lahat ng lalaki gusto akong nakawin."
Hindi ngumiti si Liam. "Trabaho ko ang protektahan ka, kaya bago ka nila makausap o mahawakan dapat alam ko ang detalye."
Lumapit si Ava sa lalaki, kinuha ang isang baso ng champagne — pero imbes na tanggapin ang alok nito, kinuha niya ito para lamang ipatong sa tray ng waiter na dumaan.
"Sorry, hindi ako umiinom sa strangers," sabi niya, sabay ngiti ng matamis pero malamig.
Liam kept close, ramdam ang tensyon sa paligid. Nang maupo si Ava sa isang velvet armchair, agad siyang pumwesto sa likod, palihim na minamarkahan ang lahat ng exits.
Sa labas ng party – Sa Parking Lot
Maya-maya pa, habang abala ang lahat sa kasiyahan, may dumating naisang hindi pamilyar na van sa parking lot.
Mabilis na nag-monitor si Liam sa kanyang earpiece.
"Security, status check," bulong niya.
"Clear sa main entrance," tugon ng isang guard.
"Clear sa west exit," sabi ng isa pa.
Pero hindi mapakali si Liam. May instinct siyang nagsasabing may kakaiba. Pinagmasdan niya si Ava, na abala sa pakikipagkwentuhan sa ilang kakilala.
Bigla siyang naglakad palapit, yumuko ng bahagya para marinig siya ng dalaga.
"Ma'am Ava," bulong niya, mababa ang boses. "Umuwi na tayo."
Tumingala si Ava at ngumiti.
"May problema ba?"
"Nothing miss Ava. Pero utos saken ng ama nyo na dapat nasa penthouse ka bago magpatak ng alas dose. And we only have 1 hours left." paliwanag nito.
"Hey, come on. Nandito tayo sa party para magsaya hindi para isipin ang mga kung anung threats. Okey?" Wika ng dalaga sabay salin pa sa ulit ng champagne sa hawak nitong baso.
"Saan ka nakahanap ng ganyang klaseng bodyguard, Ava? Mukhang batak sa exercise, kaya pala lately naghahanap ka na din ng mga equipment para sa exercise kasi mya inspirasyon ka." Biro ng isa sa mga kaibigan ni Ava.
"Well, hindi ko naman talaga gusto ng tagabantay. My dad insisted it and I have no choice. Feeling ko 24/7 akong tinitignan, kulang nalang pati pagtulog at pag banyo ko naka monitor." Tugon ni Ava.
"E kung ganyan naman ang bodyguard, gwapo na at may ibubuga...." Hirit pa ng isa, dahilan para magkantyawan ang iba.
"That's exactly the point, sino ba naman ang hindi papayag kung isang hot...." Sabay tingin sa binata at hagya pang kinakagat kagat ang hintuturo. "At malaki ang pangangatawan ang magbabantay saken." Hindi nya nakitang lumingon o gumalaw man lang si Liam at sinasadya nya itong asarin kaya hagyang napatawa ng mahina si Ava.
Matapos ang isang oras, si Ava na ang kusang nagsabi kay Liam na umuwi na. Hindi sya lasing o inaantok, sadyang naubusan na sya ng lakas para magsaya.
--------
MONTEVERVE TOWER PENTHOUSE
Nasa loob elevator ang dalawa. At mabigat na katahimikan bumalot sa paligid.
Twenty floors paakyat sa private suite ni Liam. At pakiramdam nya ay subrang bagal ng oras.
Nakasandal siya sa sulok ng elevator, Nakataas ang isang kilay, parang sinasadya ang posisyon.
Tumingin siya sa akin. Diretso. Matapang.
"Ngayon lang ako binantayan ng mukhang bouncer pero may hitsura,” ani Ava, nilalaro ang dulo ng buhok niya.
Hindi kumibo si Liam. Alam kasi nyang kapag nagsalita siya ay baka hindi nito makontrol ang pagtaas ng tono.
“Quiet type ka ba talaga, Mr. Rivera? Or mas comfortable kang nagmamasid habang hinuhubaran mo ‘yung binabantayan mo gamit ang tingin?”
“Hindi ako titingin kung hindi ka nagpapasilip,” sagot naman ng binata. Malamig pero totoo.
Muling napangiti si Ava. Matamis ngunit mas mapanganib.
Ilang saglit pa ay biglang huminto ang elevator.
Tok. Tok. Tok.
Red light. Static. Tapos katahimikan.
Shit.
“Elevator’s stuck,” tawag ni Liam, sabay pindot ng emergency call ngunit walang signal.
Napatingin si Liam kay Ava dahil nag alala ito sa dalaga ngunit kakaiba ang reaksyon nito. Hindi siya mukhang kinakabahan. Sa halip ay lalo pa nga ngumiti.
“Well… this is exciting,” sabi pa nito, habang dahan-dahang nilapitan ang binata.
“Stay on your side,” utos ni Liam. Pero hindi siya nito sinunod.
“Hirap yatang sumunod sa utos kung nakakatukso ang tanong: hanggang saan ka pwedeng umabot, Liam?”
Hinawakan niya ang dulo ng tie ng binata. Hinila ng dahan-dahan.
At inilapit ang mukha nya sa dalaga.
Nakatingin si Liam sa mga mata ni Ava, Matalim. Malandi. Mainit.
Pero hindi sya pwedeng magpatalo dahil trabaho nya ang proteksyonan ito hindi ang ibigin kaya mabilis na hinawakan ni Liam ang pulsohan ng dalaga ng maingat pero mariin.
“Ava,” bulong nito sa tenga niya. “Kung hindi titigil ‘to, hindi elevator ang babagsak… kundi tayong dalawa.”
Sandali natahimik si Ava. Nakatitig kay Liam ng -----
Ding!
Bumukas ang elevator. Na-restore ang power. Ava laughed—malambing, mapang-akit.
Habang palabas siya, huminto siya sa tabi ni Liam at bumulong,
“Next time, sana mas matagal tayong ma-stuck.”
Naiwang nakatayo at pigil ang hinga ni Liam habang basang-basa ang likod ng polo nito.
-------------
Gabing tahimik. Nakahiga si Liam sa malawak na kama, pero parang masikip ang buong kwarto. Nakapikit ang mga mata, pero gising ang katawan hindi siya mapakali.
Hindi dahil sa trabaho. Hindi dahil sa pagod. Kundi dahil sa babae.
Dahil kay Ava!
Parang laging sumingit sa bawat sulok ng isip niya. Sa bawat buntong-hininga. Sa bawat iglap ng katahimikan. Muling pumikit si Liam
hanggang sa -----
Nakita nyang lumakad si Ava mula sa anino. Basa pa ang buhok, nakalaylay sa balikat. Naka-itim na silk robe na bahagyang bukas sa gitna. Kita ang balat—makinis at nagbibigay ng mainit na pakiramdam kung tingnan.
"Miss mo na ako, Mr. Rivera?" aniya, mabagal ang boses, parang usok na dumudulas sa balat.
Hindi agad nakasagot si Liam. Tumayo siya, pero nanatiling tahimik.
Lumapit si Ava. Ang mga daliri niya, gumuhit sa dibdib ni Liam. Paikot. Dahan-dahan.
"Tahimik ka na naman," bulong niya, "ang lakas ng pintig ng puso mo."
Mahigpit na hinawakan ni Liam ang pulso niya. “A-anung ginagawa nyo dito, Miss Ava?"
"Sshhhhh!" Ang hintuturo nito'y nakadikit sa labi nya upang pigilan syang magsalita.
"Walang makakaalam at nakakaalam, Liam." Sabay ngiti nito na Puno ng pang aakit. Pagkatapos ang pinalandas ang mga daliri sa dibdib ni Liam, paikot at pababa.
"Ava ..."sabi niya, pero mahina. Halos pabulong.
“Bakit?” tanong nito halos dikit na ang labi sa leeg niya.
At bago pa si Liam nakasagot at isang mainit at mapusok na halik ang iginawad sa kanya ni Ava. Punong-puno ng pangnanasa na kahit sinong lalaki ay manghihina.
Hanggang sa nagising si Liam.
Habol ang hininga. Basa ang likod ng polo niyang suot pa rin mula sa pag-idlip niya. At bumilis ang t***k ng puso.
"Damn it!" bulalas ni Liam.
Umupo siya. Tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad.
"Ano bang ginagawa mo sa’kin, Ava..." aniya, halos may galit. Pero hindi niya alam kung kanino. Sa dalaga ba? O sa sarili niya?