CHAPTER 5

1448 Words
KINABUKASAN. Tahimik sa hallway ng penthouse. Maagang nagising si Liam. Suot ang maaliwalas na t-shirt at hindi halatang kulang sa tulog. Pakiramdam niya ay may tensyon sa balikat niya—parang hangover pero wala naman syang ininom. Paglabas niya sa hallway, andun si Ava. Wala syang balak sabayan sa trip nito ngayong umaga ang dalaga ngunit ito ang gunagawa ng paraan para magpapansin sa kanya. “Gandang umaga, Mr. Rivera.” bati pa nito habang nakangiti at nakalagay sa likod ang dalawang kamay. Hindi sumagot si Liam. Dire-diretsong dumaan sa harap ni Ava. “Wow. So tahimik na naman,” ani Ava. “Masungit ka pala sa umaga. Or… hindi naman kaya may napanaginipan kang hot and intense kagabi n tungkol saken." Dagdag pa ng dalaga. Saglit na napahinto si Liam. Pakiramdam nya ay para syang binuhusan ng malamig na tubig. At saka muling naglakad at walang lingon-lingong dumiritso sa kusina. Napailing na lang ang binata. Kape lang naman sana ang habol nito. pero si Ava nakasunod sa kanya at kinuha ang isang maliit na tasa at lumabas. Ilang saglit ay lumabas si Liam ngunit hindi nya inaasahan na nandun din ang dalaga —nakaupo sa counter, nakataas ang isang paa sa upuan, naka-shirt na lang at sext short na hindi yata aabot ng dalawang pulgada ang haba. “Gusto mo ng kape?” tanong niya habang pinipisil ang instant coffee sa tasa. “Kung may lason ‘yan, huwag na lang,” sagot nito, sabay upo sa isang stool malayo sa dalaga. “Aba, defensive. Ang aga-aga ang sungit. Sige, ipagpatuloy mo lang ang pagiging cool mo. Mas masarap asarin ang mga ganun.” sabay kindat nito. Hindi na iyon pinansin ni Liam, ngunit pasimple syang sumusulyap sa dalaga habang iniinom nito ang kape. Halos sumabay sa kintab ng araw ang mapuputi nitong hita. At hindi mawala sa isip nya ang panaginip na nangyari kagabi. Pasimple si Liam nang biglang tumingin si Ava sa kanya, para bang alam nito ang nasa isip nya kung kaya madalas syang nahuhuli nito. Maya-maya pa ay biglang dumating si Yaya Mila, matagal nang kasambahay. Halos itinuring na din ito ng dalaga na ina dahil ito na din ang nag-alaga sa kanya simula pagkabata. “Aba, hija, suotin mo nga ‘yung tamang damit, baka kung ano na namang isipin ng bodyguard mo.” sita nito sa dalaga at inilapag sa lamesa ang breakfast nito. "It's okey Nanang Mila, sanay na akong pag-isipan ng kung sinong mga lalaki." Sagot pa nito sabay tingin kay Liam. "Hay naku bata ka, pero dapat maayos pa din ang pananamit mo kahit na andito ka lang sa bahay. Lalo na at maraming lalaki ang nakapalibot sa'yo at mga camera. Tsss! Kahit anu namang sabi ko ayaw mo pa din makinig. Nga pala, ayos lang ba ang bodyguard mo?" "He's fine and at the same time...hot." pabiro pero may puntong sagot ng dalaga. Nakita pa ni Ava kung paano kamuntikan maibuga ni Liam ang iniinom nya. "Ikaw talaga! Oh sya, ang payo ko lang ayusin mo ang pananamit mo. Babalik na ako sa kusina. Maiwan ko na kayo." Sabay lagay ng tasa sa tray at umalis. Pagkaalis ng matanda ay sumunod na umalis din si Liam. Mag-aayos na ng sarili para umpisahan muli ang trabaho. Saglit na umakyat at pumunta sa private suite para kumuha ng mga gamit nya. Mabilis ang mga kilos at agad na pumasok sa shower room sa baba—meron kasi bakanteng banyo yung isa sa safehouse na bihirang gamitin. Mabilis na hinubad ang suot na t-shirt, at isinabit ang tuwalya. Nasa kalagitnaan ng pagliligo si Liam ng biglang bumukas ang pinto. “Ay, sh— sorry!” boses ng babae. Si Ava. Mabilis na kinuha ng binata ang tuwalya at itinakip sa ibabang bahagi ng katawan nya habang si Ava ay dahan dahang tumalikod. "Get out,” sabi ng binata sa mahinang boses. Dahan dahang humarap ang dalaga ngunit sa halip na magmadali sa paglabas ay tumingin pa ito sa binata, mula ulo hanggang abs. Tumigil sa baba ng puson, tapos bumalik sa mata nito. "Hindi ba ako babae sa paningin mo, Liam? Siguro wala ka pang naging nobya kaya ganyan ka." Pag uumpisa ng dalaga. "Please, Ava. Hindi ako pwedeng maunang lumabas sa ating dalawa. At nagkakamali ka kung iniisip mong hindi ka babae para saken." "Then what?" "Alam mong may hangganan at may limitasyon sa pagitan nating dalawa, at hindi ang isang gaya ko. At isa pa hindi ikaw yung tipo ko-----" magsisinungaling pa sana sya ngunit narinig nga ang malakas na tawa ng dalaga na para bang na offend. "Wow ha! Sa dami ng lalaking nakilala at nakausap ko na halos magkandarapa para lang makausap makadate ako, ikaw lang ang bukod tanging nagsabi nyan. Baka kainin mo ang sinabi mo pagdating ng araw Mr. Rivera..." Sabay walk out nito at isinara ang pinto. Muling binuksan ng binata ang shower at binasa ang sarili para saglit na kalimutan ang nangyari. Habang si Ava, walang tigil ang pagsasalita at huminto sa gitna mg hallway. "What?" At lumingon pa sa direksyon ng banyo. "Ang lakas ng loob nyang sabihin sa harap ko na----" natigil ito at biglang maalala matikas na katawan ng binata, Ang abs at ang hindi nya maiwasan na hindi tignan ang nasa ibaba ng puson nito. Parang baliw na napangiti ang dalaga. "Oh god!! Yung aba nya!!" Wika nito sa sarili. ------------------- 9:15 AM, MONTEVERDE INTERNATIONAL HQ, MAKATI Maaga pa lang, ramdam na ni Don Roberto ang bigat ng araw. May malaking problema ang kinakaharap ng kompanya at hindi nya iyon nababanggit pa sa anak. Kung pwedeng akuin nya lahat ng problema ng hindi malalaman ni Ava ay mas mabuti para sa matanda. Sa boardroom ng Monteverde International, tahimik ang anim na senior executives sa harap niya. Hindi dahil sa respeto—pero dahil sa takot. Takot sa kung anong isusunod niyang sabihin. “The numbers,” aniya, malamig ang boses. “They don’t lie.” Binuksan niya ang projector. Lumitaw ang graphs—plunging stocks, red bars, figures na hindi na kayang pagandahin ng PR. “May insider leak,” dagdag niya. “And someone’s bleeding us from the inside.” Walang umimik. Nagpalitan lang ng tingin ang mga board. “Sir…” singit ni Mr. Tiu, ang COO. “We’re doing our best to control the press—pero kung lalabas sa shareholders’ meeting ‘to…” “I built this empire from nothing. And I won’t let it fall dahil lang sa isang traydor sa loob.” Tumayo siya at tinignan ang lahat. “Investigate this as soon as possible!. Pero kung sino man ang may gawa nito—I will find them. And I will crush them.” Galit at may pagbabanta sa boses ng matanda. "The meeting ends now. You may all leave." At saka tumalikod at tumingin sa malaking bubog na salamin. Ilang minuto makalipas… Naglakad pabalik sa private office si Don Roberto. Tahimik ang mga staff sa hallway habang nakatingin sa kanya at walang naglalakas ng loob lumapit kapag nakikita syang ganun ka-seryoso. Pagpasok nito sa office, huminto siya sa harap ng malaking portrait ni Ava at ng kanyang yumaong asawa. Napatingin siya sa anak niya. “She’s the only thing that still matters,” mahinang sabi niya. “And now even she’s… slipping away.” Hinawakan nito ang mesa, napayuko saglit. Nanginginig ang mga kamay na noon lang nya naramdaman. Mahabang panahon ng pagiging matatag ang ginugol nya para ipanatili ang pagyabong ng kompanya. At ngayon sunod-sunod na ang mga nangyayari para pabagsakin sya. Maya-maya ay bumukas ang pinto at lumapit Ang assistant nya. “Sir, he’s here,” bulong nito. “Who?” tanong ng matanda ng hindi tumingin. “Mr. Leandro Cruz.” Napapikit si Don Roberto. Hindi dahil sa pagod—kundi dahil sa galit. Matagal nang wala sa board si Leandro. Tinanggal dahil sa unethical decisions at paninira sa loob ng kompanya nito. Pumasok si Leandro—maayos ang suit, maangas pa rin ang ngiti. “Roberto,” bati nito. “Long time no see.” sumenyas ang matanda sa assistant nito at saka lumabas. "Hindi ka ba marunong kumatok bago pumasok.” sagot ni Don Roberto. “Why are you here?” “Just checking in. Sayang naman kung ‘yung baby mo—this empire you built—eh mapunta sa wala. I’m offering help.” “Help?” ngumisi si Don Roberto. “Kahit kelan hindi pumasok sa isip ko ang humingi ng tulong sayo." Ngumiti lang si Leandro. “You always saw me as a threat. But what if this time… I’m the only one who can save you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD