Tahimik lang si Don Roberto. Ilang segundo siyang nakatingin sa dati niyang kalaban—matalim at malamig. Sa ilalim ng lamesa, pinipigil niya ang panginginig ng kamao. Matagal na niyang gusto itong burahin sa kasaysayan ng Monteverde International.
“Alam mong kahit kelan hindi mabubuwag ang kompanya ko. Kahit anung gawin mo, meron at meron akong paraan para hindi ka magtagumpay. I let you once last time and that will never happen again."
"Oh come on. Alam ba ng anak mo na hindi na maganda ang lagay ng company? Kilala mo ako Roberto, parehas mo din akong kayang gawin ang impossible. If I were you, tanggapin mo na nag offer ko."
"At ano’ng kapalit, Leandro?” tanong niya, diretsong nakatitig sa lalaki. “I know you too well to believe this is charity.”
“Simple lang,” sagot ni Leandro. “I want back in. A seat on the board. And... access to all financial reports.”
Tumawa si Don Roberto.
“Gusto mong isalba ang kompanya...pero may hawak kang alas sa likod ko na pwedeng makasira saken?"
"It's better to be prank sometimes, kesa magpakitang mabait sa harap mo habang tinitira ka patalikod." At saka inilapag ang isang USB sa mesa. “This… is proof. May leak ka nga. But not just any leak. May taong kumikilos sa loob, gumagamit ng pangalan ng Monteverde para maglaunder ng pera. Hindi mo ako kailangan paniwalaan. But I suggest you check that file first… bago mo ako tuluyang itapon sa impyerno mo.”
Tumahimik si Don Roberto. Dumampot siya ng papel at sinindihan ang yosi na matagal na niyang iniwasan. At muli siyang tumingin kay Leandro.
“Get out.”
“Then I’ll wait for your call,” sagot ni Leandro, sabay talikod.
Pagkalabas ng pinto, saglit na tumingin si Don Roberto sa USB. Sa kabila ng galit na damdamin, naroon ang kutob—na baka nga may katotohanan ang dala ng dating kaaway.
Halos isang oras na nakatitig ang matanda sa USB na iniwan ni Leandro. Tahimik at tanging tunog ng wall clock at soft hum ng aircon ang naririnig sa buong silid.
Sa loob ng ilang segundong pagdadalawang-isip, dumampot siya ng laptop mula sa drawer, binuksan ito, at dahan-dahang isinaksak ang USB.
"ACCESSING FILES..."
Lumabas ang folder na may pangalan:
PROJECT ECLIPSE – Internal Operations.
Binuksan niya ito. Dozens of encrypted spreadsheets, voice recordings, at surveillance screenshots ang laman.
Iklinick Niya ang unang video file.
[CCTV FOOTAGE – Parking Basement B, 3:17 AM, One Week Ago]
Gulat na gulat si Roberto sa nakikita ng dalawang mga mata nya. Makikita sa CCTV na pinapanuod nya ang isang senior executive—si Mr. Ong, CFO ng Monteverde—na palihim na nag-aabot ng envelope sa isang lalaking naka-hoodie. Kapansin-pansin dito ang selyo ng Monteverde sa dokumentong iniaabot.
Mahinang napamura ang matanda at kuyom ang mga kamao. Sunod niyang binuksan ang audio file. Isang voice call—naka-record iyon mula sa bugging device.
Mr. Ong (voice): “Pag nailipat na ang mga pondo sa dummy corp, lilinisin na ng Chinese brokers. Wala silang matitrace. Just make sure Ava doesn’t find out.”
Unknown voice: “What about Roberto?”
Mr. Ong: “He’s too focused on protecting her. That’s his weakness. Let’s use that.”
Napapikit si Don Roberto, bumigat ang dibdib. Pinindot niya ang spacebar at tumigil ang recording.
“Ava...” bulong niya. Pakiramdam nya ay parang may tumutusok sa loob ng kanyang dibdib. Natatakot sya dahil alam nyang hindi lang ang kompanya ang pinagbabantaan—pati ang anak niyang tanging dahilan kung bakit siya lumalaban pa.
PENTHOUSE SAFEHOUSE – 1:45PM
Naka-upo ang binata sa isang mini table. Nakabihis ng itim na tactical shirt at jeans. Nakapatong ang comm earpiece sa tainga niya habang sinusuri ang tablet para sa security feeds. Abala sya sa ginagawa at hindi nya namalayan o narinig si Ava.
"Are you busy?" tanong ng dalaga, nakatayo sa may pintuan, nakaayos na at may suot nang conservative na long dress.
Napalingon si Liam. "Uhm. Chinicheck ko lang itong mga security cameras."
"Wow, kaya mo din naman palang maging pormal sa pakikipag usap. Akala ko mananatili kang cold." Biro pa nito at lumapit sa tabi nya.
"May kailangan ba kayo?“ tanung nya rito ngunit nakatingin lang sa tablet.
"Hindi ka ba magsoso sorry?"
"Para san?"
"Sa nangyari kanina."
"Ako pa ang magsosorry? Ikaw ang pumasok sa banyo nang hindi kumakatok.”
“Door was half open. And FYI, safehouse ko ‘to, diba?” Napakrus ang mga braso ng dalaga.
Naglakad at tumigil sa harap niya si Ava. Dahilan kung bakit nawawala na naman sa focus ang binata. "Alam kong marami Kang iniisip. Pero huwag mong gawing excuse ‘yung trabaho mo para hindi mo harapin ‘yung katotohanang may nararamdaman ka rin.” seryoso at diritso ang tingin ng dalaga sa binta.
Hindi sumagot si Liam. Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak nya sa tablet. Kumurap siya—isang beses lang. At napansin 'yun ni Ava.
“You said I’m not your type,” patuloy ng dalaga. “Pero ‘yung tingin mo sa’kin...alam Kong iba, Liam."
Natigilan ang binata. Tinignan niya ang babae, seryoso. “You don’t know what I’ve been through. And you don’t want to.”
“Then try me,” sagot ni Ava.
Bago pa siya makasagot, may sumingit na tawag sa earpiece ni Liam.
“Rivera. Urgent. Intel breach confirmed. We have movement inside Monteverde HQ. Boss wants you to report ASAP. Ava must be secured and relocated.”
Napatingin si Liam kay Ava. Ang dating tensyon sa pagitan nila, biglang napalitan ng urgency.
“Get ready,” sabi ni Liam. “We’re leaving. Now.”
Nagmadali sa pagkilos si Liam. Habang si Ava at kalmado pero may takot pa din naramdaman. At dahil kasama nya
ang binata ay pakiramdam nya ay ligtas sya at walang masamang mangyayari. Pagbabasa sa basement ay agad na binuksan ni Liam ang pinto ng sasakyan. Nasa likod ng black armored SUV si Ava, hawak ang maliit na bag na mabilis niyang inihanda. Hindi na siya nagtatanong—mula nang marinig niya ang tono ni Liam kanina, alam niyang hindi ito ordinaryong protocol lang. Habang minamaneho ng binata ang SUV may dalawang kasamang agent ang sumusunod sa likod gamit ang motorsiklo.
“Where are we going?” tanong ni Ava.
“Sa temporary facility. Tactical relocation lang—para sa kaligtasan mo.” sagot ni Liam na hindi tumitingin sa kanya.
"Where's dad?"
"Hinihintay ka nya sa binigay saken na address. Don't worry, malapit lang 'yun."
“You’re keeping something from me,” ani Ava.
Hindi sumagot si Liam.
“Liam, if this is about the company—my company—I deserve to know.” Dagdag pa nito, bahagyang tumataas na ang tono.
Saglit na tumigil si Liam sa isang checkpoint. Tumingin sa kanya—hindi bilang bodyguard, kundi bilang lalaking gusto siyang protektahan nang higit pa sa trabaho.
"Si Mr. Monteverde na ang magpapaliwanag sayo mamaya pag nakarating tayo sa facility. Sa ngayon, prioritize ang kaligtasan mo." At muling minaneho ang sasakyan.
MONTEVERDE TACTICAL FACILITY
Tahimik ang buong silid — may makapal na soundproofing at mga dimmed lights, para lang sa mahahalagang pag-uusap. Nasa loob ng kwarto si Don Roberto, nakaupo sa leather chair, ang likod ay nakatalikod sa pintuan. Tinititigan niya ang screen kung saan paulit-ulit na tumatakbo ang footage nina Mr. Ong at Leandro Cruz. Nang biglang may kumatok sa pinto na isang security at pumasok at tumango sa gilid niya.
“Sir. He’s here.”
Tumango si Don Roberto. “Let him in.”
Tahimik na pumasok si Liam at tuwid ang tindig. Naka-itim pa rin, may bahid ng pagod sa mukha, pero hindi nagpakita ng alinlangan.
Hindi agad nagsalita si Don Roberto. Tumayo siya at humarap kay Liam, mabigat ang tingin. May hawak itong tumbler ng kape na matagal na nyang hindi iniinom at noon lang naulit dahil ‘yon ang tingin nyang nagpapalakas sa kanya.
“Rivera…” simula ng matanda. Lumapit ito sa kanya, nakatayo sa tapat niya, mata sa mata. “This time, isn’t just about bodyguard duties, Liam. This is my daughter. And what’s coming… it’s bigger than both of us.”
“I understand, sir.”
“No, you don’t.” Bumigat ang boses ni Don Roberto. “May mga tao sa board na kayang bumili ng buhay. May mga kaalyado silang hindi matitinag ng batas. Ava… she’s walking into a world she doesn’t fully understand yet. And that makes her vulnerable.”
Humigpit ang hawak ni Liam sa gilid ng kanyang pantalon. “She’s stronger than you think.”
“Hindi ‘yun ang punto.” Lumapit pa si Don Roberto. “You will double your security detail. I want full surveillance, 24/7, kahit matulog siya. And if something feels wrong, kahit konti lang… you pull her out. Kahit ayaw niya. Kahit magalit siya. You understand me?”
“Yes, sir.”
Tahimik na tumalikod si Don Roberto at huminga nang malalim.
“Isa pa…” aniya, mababa ang boses. “If they can’t get to her through business… they’ll use emotion. Charm. Love. Lust. Manipulation. Lahat ng butas papasukin nila. And if you—”
Tumigil siya saglit, lumingon kay Liam.
“If you become one of those vulnerabilities, I will personally remove you.”