CHAPTER 7

1553 Words
MONTEVERDE TACTICAL FACILITY – PRIVATE OFFICE TAHIMIK na pumasok si Ava sa opisina ng ama. Madaming tanung ang gumugulo sa isipan nya pero nanatili syang kalmado. Nasa loob si Don Roberto, nakatayo sa harap ng isang lumang mapa ng mga operasyon ng Monteverde Group. "Ava," mahinang bati nito pero hindi lumingon. "What's happening, dad? May problema ba ulit? Personal or company? Tell me. ” Dahan-dahang humarap si Don Roberto. Kita sa mukha nito ang pagod at lungkot—hindi bilang chairman, kundi bilang ama. “May leak sa loob ng company. At huli na bago ko nalaman. And the thing is, this isn’t just corporate sabotage...may mga tao sa loob na ginagamit ang pangalan mo, ang pangalan natin para masira ang pinaghirapan kong buuin.” Napalunok si Ava. “Gano’n na kalala?” Walang imik na tumango si Don Roberto. “At ang mas masakit... CFO natin ang isa sa mga nasa likod.” "What?Si Mr. Ong?" Hindi makapaniwala tanung ng dalaga. Muling tumango si Don Roberto. “Caught on CCTV. May Voice recordings. May ebidensya. At si Leandro Cruz... siya ang nagbigay ng lahat ng ‘yon sa ‘kin.” “Leandro?” Kumunot ang noo ni Ava. “That man tried to destroy us before. Bakit siya—” “Because this time, he's not just after revenge,” putol ng ama. “He wants a seat back on the board. And this is his leverage. At sya din ang isa sa mga reason kung bakit gusto kong may personal bodyguard ka, kilala ko ang taong 'yun.” Nanatiling tahimik si Ava ng ilang segundo, “So what are your plans? Ibabalik mo siya?” "Hindi ko pa alam," matatag na sagot ni Don Roberto. "Pero isa lang ang sisiguraduhin ko, hindi ko hahayaang madamay ka. You are the face of Monteverde now, Ava. And you’re the reason why I’m still fighting.” Dahan-dahang lumapit si Ava sa kanya. “I deserve to be part of this fight, Dad. Hindi ako bata. This is my legacy too. You taught me to lead, now let me do that.” Napatingin si Don Roberto sa mga mata ng anak. Mahigpit, matatag—at naroon ang tapang ng isang Monteverde. “Then we fight together,” bulong niya. “But on my terms. For now, you stay under Liam’s protection. Walang media. Walang board meeting. Until we flush out every traitor in this company.” Nagkatinginan silang mag-ama. At sa unang pagkakataon, alam nilang pareho na hindi lang basta tungkol sa negosyo ang laban kundi para din pangalan, pamilya, dangal at katotohanan. MONTEVERDE TACTICAL FACILITY – ROOFTOP LOUNGE Gabi. Malamig ang simoy ng hangin. Ang tanging maririnig ay ang mahina at pantay na tunog ng hangin na dumadampi sa mga glass panels ng rooftop. Sa isang sulok, nakaupo si Ava sa bench, may hawak na baso na may lamang tubig. Nakatitig siya sa city lights at binabagabag ng samo't saring mga iniisip. Simula kasi ng makapag usap sila ng ama ay dun lang naiintindhan kung bakit lahat ay ginagawa ng ama nya. Sa kanilang banda, bumukas ang access door at lumabas si Liam dala ang tablet na may ilang bagong intel report. Napahinto ito ng makita ang dalaga at saka lumapit. “Ehemmm." Pagpapapansin nito. At agad napansin ng dalaga. "Okay ka lang ba?” tanong nito na may pag-aalalang tinig. “I don’t know,” sagot ni Ava ng hindi tumitingin. Tahimik na umupo si Lima sa tabi niya pero may pagitan pa rin. Hindi siya agad nagsalita. “Alam mo,” patuloy ni Ava, “growing up, I always thought the worst thing that could happen to this company was a financial crash or market loss. Pero hindi ko naisip na ‘yung mga taong binigyan namin ng tiwala... sila pala ‘yung babagsak sa amin.” “Trust is dangerous, Especially when it’s given to the wrong people.” Sagot ng binata nakatingin sa kawalan. Napatingin si Ava sa kanya. “How do you do it? Focus ka lahat, even though maraming panganib sa paligid?” Saglit na natahimik si Liam. “Sanay na ako. Ever since I joined black operations, we were trained to expect betrayal. Trust no one. Feel nothing. Just finish the mission.” “And me?” tanong ni Ava, mahina ang boses. “Do you feel anything when it comes to me?” seryoso ang tingin nito kay Liam. Hindi agad nakasagot si Liam. Tumitig siya sa dalaga ngunit hindi bilang kliyente, hindi bilang bantay kundi bilang isang taong ilang beses nyang pinigilan ang emosyon na nararamdaman. “You make it harder to follow the rules,” diritsong tugon ng binata. Napakagat-labi si Ava, sabay sabing, “I don’t want to be protected just because you’re ordered to. Gusto ko lang malaman ang totoo at maging open si dad saken sa lahat ng nangyayari. Kahit gaano pa ‘yon kabigat.” Tiningnan siya ng malalim ni Liam, “The truth? The truth is, you’re in danger. The deeper we dig, the more enemies we uncover. And the more I’m with you... the more I fear I’ll fail you.” “You won’t,” sagot ni Ava. “Because I won’t let you.” hagyang ngumiti ito sa binata. Tahimik na nagkatinginan ang dalawa. Seryoso at pawang kapwa nangungusap ang mga matang sila lang ang nakakaintindi. Si Liam ang unang bumawi at bumasag ng katahimikan ng tumayo siya. Nagpaalam sya sa dalaga na mauuna na syang pumasok sa loob dahil may gagawin pa sya pero ang totoo ay hindi nya kayang tignan ng ganun katagl si Ava ng walang ginagawa. KINABUKASAN MONTEVERDE PENTHOUSE – 11:03 AM Mataas ang sikat ng araw, at kababalik lang nila sa Monteverde Penthouse. Bagama’t pansamantalang na-clear ang immediate threat, mahigpit pa rin ang seguridad. May dalawang bodyguards na sa labas, at si Liam mismo ang nag-inspect sa buong unit bago pinapasok si Ava. Pagkapasok ng dalaga, agad siyang naglakad papunta sa kanyang kwarto. Bakas sa kanyang mukha ang pagod kaya nanatili muna sya sa loob nito para makapagpahinga. Isang oras lang ang lumipas ay bumaba ito at dumiritso sa living room. Naka-robe ito at halatang bagong paligo. Hawak ang towel at cellphone. At sa kanilang banda, nakita nito si Liam na seryosong nagbabantay sa hallway, ini-scan ang mga camera feed mula sa kanyang tablet. "Uy, Mr. Rivera," tawag ni Ava mula sa couch na kakaupo lamang. "Do you always look this grumpy pag umaga?" Hindi tumingin si Liam. “I’m not grumpy. I’m focused.” “Hm. Focused, huh?” Tumayo si Ava, at dahan-dahang lumapit sa kanya, nakangiti. “Well, baka lang gusto mong malaman... may problema tayo.” Napatingin si Liam at nagpalinga-linga. “What kind of problem?” alertong tanung nito. "Uhmm. Not a big one but wala kasi akong maisuot,” sagot ng dalaga sabay turo sa kanyang robe. “Na-lock ‘yung closet ko. I think may nagkamaling mag-activate ng security override.” malanding wika ng dalaga. Tumaas ang kilay ni Liam pero agad muling ibinalik ang tingin sa tablet. “I’ll send someone to fix the lock.” “Orrr,” panunukso ni Ava habang nakatayo sa harap niya, “you can just open it for me. You’re good with hard-to-crack things, diba?” Napatingin si Liam, diretso sa mga mata niya. “You think this is a good time for games?” “Actually,” sagot ng dalaga habang palapit nang palapit. Ava tilted her head, her voice turning soft but no less teasing. Nagtama muli ang tingin nila. At sa likod ng mga pader ng tensyon at protocol, muling namuo ang chemistry na pilit ni Liam tinatanggi. Ngunit mabilis na tumalikod ang binata sa dalaga. “Magpalit ka na. I’ll be outside.” Mabilis na wika nito at naglakad palabas dala ang tablet. Natawa nalang si Ava dahil akala niya mapapasakay na nya ang binata ngunit nagkamali na naman sya. Wala syang choice kundi muling bumalik sa kwarto at mag isip ng pwede nyang gawin. Matapos ang ilang oras nagdesisyon si Ava na lumabas. Gusto ng dalaga na mamasyal sa mall. Hindi siya sanay sa ganun na parang laging on the go, na may mga banta kaya't naisip niyang magpalipas ng oras sa isang bagay na karaniwan niyang ginagawa. Habang pinipili ni Ava ang susuotin nito ay tinawagan nya si liam para ipaalam rito ang lakad nya. At ilang saglit lang ay pumasok ang binata, nakatayo malapit sa pintuan. Habang inaayos ang buhok at nakatingin sa salamin ay ngumiti ito ng matamis sa binata. “Ibig kong magpamasyal. Gusto ko lang mag-gala, tulad ng dati. Alam mo na, normal na buhay. Walang takot, walang threat. Just me... and you. And I want it to be today.” “Alam nyo naman na hindi pa safe,” seryosong sagot ni Liam. “Ano ba, Liam?” reklamo ni Ava habang inaayos ang mga accessory. “I’m not going anywhere dangerous. It’s just a mall trip. Kung takot ka, sasama ka na lang sa ‘kin, diba? Alam mo namang hindi mo ako pwedeng gawing prisoner dito sa penthouse.” Natahimik si Liam, alam niyang wala na siyang magagawa. Ang kanyang misyon ay protektahan ang dalaga. "Fine. Pero full security detail, Ava. Wala tayong aalisin sa protocol. Understood?" Ava chuckled at her reflection. “Deal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD