Alas tres ng hapon nang magkayayaan na silang umuwi. Nakababa na kami galing sa talon at naghahanda ng sumakay sa mga kabayo ngunit agad rin natigilan ng magsalita si Alrik sa tabi ng Maureen na iyan.
"Anong sinakyan mo papunta rito?" malumanay nitong tanong.
Ngumiti naman ang kinausap niya at marahang umiling. "Ah, wala. Nagpahatid lang ako. Dito rin kasi ang daan nila Daddy kanina e." she said sweetly. So, ano... maglalakad ka pauwi?
"Ha! Paano iyan?" si kuya Yuan iyon.
"Maglalakad lang ako. Malapit lang naman dito ang sa'min eh." gaano kalapit, iyong tipong gagapang ka na bago pa makarating sa inyo?
"No need. Ihahatid kita," Alrik seriously said.
Dahil sa sinabi nito ako naman ang natigilan. So what about me? Ako na lang ang maglalakad dahil mas close naman sila at nag volunteer siya kasi wala naman siyang pakealam sa akin?
Napaangat ako ng tingin dahil napansin kong natahimik sila. Nakita kong pabalik balik ang tingin ni kuya Yuan sa akin at kay Alrik.
"How about Analia?" ani nito.
Alrik eyes drifted on me. "I'll be quick. Hintayin mo 'ko rito."
Hindi naman ako agad nakasagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano nga ba ang isasagot ko rito.
"Sigurado ka ba, Alrik? Dahil kung hindi... mauuna na kami at ako ang susundo rito sa kapatid ko." ani ni kuya Ras.
"Yeah. Ako na ang bahala, Ras." kampanteng aniya.
Dahil nagkasundo na ang mga ito ay nag kaniya kaniya na ang mga ito sa pagsakay sa kabayo. At ako, heto... Maghihintay. Sana lang talaga malapit lang ang bahay ng Maureen na iyan.
"Analia, dito ka lang ha. H'wag kang lalayo at hintayin mo ang kuya Alrik mo rito. Baka hindi na rin kami magtagal sa mansyon at uuwi na rin kami sa bayan." ate Ivy politely said.
Tumango naman ako at ngumiti rito. "Opo. Ingat kayo pauwi and regards me to uncle and tita." tipid na ngiting aniya ko.
"Sure." aniya.
"Analia, mag behave ka rito habang wala pa si kuya Alrik mo. Pag ganito pa namang oras at mag isa ka lang ay may biglang sumisitsit sa malaking puno d'yan sa likuran mo."
Natatawang ani ate Rayah na kinalaki ng mga mata ko. Feeling ko luluwa na iyon sa takot na may sumitsit nga rito pagkaalis nila.
"WHAT THE HELL ATE RAYAH, YOU'RE SCARING ME!!!" I shrieked. Natawa naman sila.
"Iyang bibig mo. Analia, Ayusin mo." seryosong ani naman ni kuya Remus.
"Sorry po."
"Pero hindi nga, totoo po ba iyon? Kasi kung totoo nga... maglalakad na lang talaga ako pauwi." nahihintakutang tanong ko pa.
Sige nga! Sino bang gugustuhin pang maghintay rito kung may mananakot sa'yo aber?
"Biro lang. Wala naman talaga." natatawa paring aniya.
Napasimangot naman ako. "Kuya Remus your girlfriend is mean." I said while pouting my already pouty lips.
***
Kanina pa sila nakaalis at nakatayo parin ako rito habang naghihintay. Sa pagkainip ko ay nakapag pasya na lamang akong sa may tabi na ng kalsada maghintay. Dito rin kasi dumaan sina kuya dahil kapag sa shortcut pa sila dadaan ay iikot pa sila.
Cellphone na lang ang naiwan sa akin dahil kinuha ni kuya Ras ang bag ko para hindi na raw ako mahirapan sa pagbibitbit. Nakasimangot na ako dahil sa kakatampal sa mga lamok. Akala ko ba malapit lang? Eh halos mag iisang oras na nga ay wala parin' Alrik na dumarating.
One and a half hour already past. Wala parin' Alrik. I angrily stamped my foot. Napasuklay na rin ako pataas sa aking buhok. Nasaan na iyon? Does he forget about me? Nanlulumong napaupo na lamang ako at napayakap na lamang sa aking mga tuhod. Napaangat lang ang ulo nang makarinig ng tumatakbong kabayo. Nabuhayan ako ng loob ng masilayan ang nakakunot noo at seryosong mukha ni Alrik. Hindi parin ako tumatayo.
Tinigil nito ang kabayo sa 'di kalayuan at mabilis na lumapit sa akin. Nakaupo parin ako at nakangusong hindi makatingin sa kaniya. Naiinis ako sa kaniya pero mas naiinis ako sa babaeng iyon.
"Ang lapit nga ng bahay nila." mapait kong ani rito.
Hindi naman siya nagsalita kaya naglakas loob akong tignan siya. I saw him clenched his jaw pero umismid lamang ako. Para saan iyon?
"Sana nagsabi ka na lang na matatagalan ka para hindi na ako naghintay rito ng matagal." I continuedly said.
Marahas naman siyang napabuntonghininga at walang pasabing hinawakan ang magkabilang braso at mabilis na inangat ako para makatayo ng maayos. Bumaba ang mga mata non sa mga binti ko at mas lalo pang napatiimbagang.
"Natagalan lang ako dahil nakipag usap pa sa akin ang tatay ni Maureen." seryosong aniya.
"Ah, talaga? Sana tumawag ka na lang kila kuya nang sa ganoon ay sila na lang ang sumundo sa akin rito."
"Ano bang kinagagalit mo?" He said.
"Ikaw."
"What?" naguguluhang aniya.
Napairap naman ako. Hindi ako sumagot at naglakad na lamang patungo sa kabayo. Hindi na napapansin na napapalakas na pala ang pagtampal sa mga braso dahil sa mga letcheng lamok na hindi na ako tinigilan. Ramdam ko namang nakasunod sa akin si Alrik.
Mabilis akong sumampa sa kabayo at diretsyo lang ang tingin. Hindi ko na lang pinapansin ang paninitig ni Alrik dahil saka ko na lamang naramdaman ang mabilis na pagpintig ng aking puso.
Suminghap siya at sumampa na lamang rin sa kabayo. Nanigas pa ako ng tumama ang kaniyang braso at binti sa aking balat. Mariin na lamang akong napapikit at napatuwid na lamang ako ng upo ng naramdaman ko ang kaniyang mga kamay na inaabot ang lubid.
Ilang minuto rin na ganoon ang aming posisyon. Sobrang lapit nito sa akin kaya halos hindi na ako humihinga. Pero siya, tila ba'y komportableng komportable pa siya sa ayos namin dahil ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg.
Lalayo pa sana ako ng naramdaman kong marahan niya akong hinilig sa kaniyang dibdib. Hindi ako makagalaw dahil kapag ginawa ko 'yon ay posibleng maglapit ang mukha namin sa isa't isa. Ano bang ginagawa niya? Halos mag palpitate na ang puso ko. Sana lang hindi niya 'yon naririnig.
Gumapang ang malaki nitong kamay at marahang kinuha ang aking cellphone kaya marahas akong napalingon rito na sana hindi ko na lamang ginawa. My eyes widened. Dahil naglapat ang mga labi namin. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya napapikit na lamang ako ng mariin. Mabilis ko rin nailayo ang sarili ngunit muntik pa akong mahulog kung hindi lang niya ako napigilan gamit ang matipunong brasong nakayakap sa aking bewang.
Hindi na ako makatingin rito. Hawak parin niya ako sa bewang kaya hindi mapakali ang kaloob looban ko. We've kissed! He just took my first kiss! Though nagdikit lang naman ang mga labi namin at saglit lang 'yon pero what the freaking goddess! ano ka ba, Analia! Hindi naman niya intensyon 'yon. Ba't ka pa kasi lumingon? Kasalanan mo 'yan. Lihim na lamang akong napapailing. Nanahimik na lamang ako. Hindi rin naman siya nagsalita pero ramdam kong may gusto itong sabihin, pinipigilan lang ang sarili.
Wala parin kaming imikan ng makarating kami sa mansyon. Nang tumigil sa bulwagan ang kabayo ay agad rin siyang bumaba. Hindi na lamang ako umalma ng tinulungan niya pa akong makababa. Kung kinakailangan ayaw ko munang tignan ang kaniyang mga mata. Oh, god! My face heated ng maalala na naman ang nangyari kanina.
Tumikhim ako at naglakas loob na lamang tignan siya. Sa tangkad niya ay kailangan ko pang tumingala. Seryoso at nakatiimbagang parin ang mukha nito. His eyes stared at me intensely kaya napapaiwas at napapalunok na lamang ako.
"Uhh... t-thank you." at nabubulol ka pa talaga ha!
He just nodded a bit and handed my cellphone back. Nagmamadali ko 'yong kinuha at wala ng pag papaalam pang dumiretsyo na lamang ako paakyat sa hagdanan ng bulwagan. Hindi na inalintana ang may pagkabastos kong pag iwan sa kanya na wala man lang pasabi.
•••