"Ras at Remus, iyang kapatid niyo ha, h'wag ninyong hahayaang mawala sa paningin ninyo. Masyadong malawak ang lupain ng mga Montemayor. Baka maligaw pa ang kapatid nyong 'yan."
Mahigpit na bilin ni Mommy. We're heading to the Montemayor's property. Iyong nasa pinakadulo ng lupain namin na hindi ko pa napupuntahan. At ang alam ko may rancho rin doon at sa likuran naman ang tabing dagat na pag mamay-ari din ng mga Montemayor. Nalaman ko rin na hindi biro ang lawak ng lupain nila. Kanino ba iyon? Hindi rin naman kasi sinabi nila kuya kung sino nga ba ang may ari ng nasabing lupain.
"Yes, Mom. Kami na po ang bahala." si kuya Remus.
Naipasok na nito ang dala kong bag sa likod ng sasakyan ni kuya Ras. Napagkasunduan kasi nila na ang kay kuya Ras na lang ang dadalhin dahil sa may kalakihan naman iyon.
"Analia, h'wag matigas ang ulo. Makinig ka sa mga kuya mo. Maliwanag?"
"Yes po, Mom." itong si Mommy talaga kala mo mangingibang bansa kami sa dami ng bilin e.
"Sige na. Mag ingat kayo. Rasmus, mag dahan - dahan sa pagmamaneho." bilin naman ni Dad.
Kuya Ras manipulated the steering wheel he drove seriously. Sabi niya kanina dadaanan pa namin sina ate Ivy malapit sa may Church. Nagsabay kasi ang dalawa kaya mabuti na rin iyon dahil hindi na kami pupunta sa Centro para doon sila sunduin. Sa may unahan pa kasi ng Centro ang bahay nila.
Malapit na ang pasukan kaya sinusulit ko rin ang summer. Nakapag enrolled na din ako noong nakaraang linggo.
Hindi ko nga inaasahan na isasama ako nila kuya e. Basta, ang sinabi lang nila mag packed ako ng mga damit na pang isang linggo at iyon nga ang ginawa ko. Sino ba naman ako para tumanggi?
Tumigil ang sasakyan kaya napabaling ang tingin ko sa kabilang bintana. Agad akong ngumiti ng makita sina ate Rayah at ate Ivy.
"Pasensya na at natagalan kami. Ang dami pa kasing bilin ni Mommy e." natatawang ani ko.
Natawa rin naman sila. "Naku. Ayos lang iyon."
Mabilis na nag U turned si kuya Ras pabalik. Halos kalahating oras rin ang tinagal bago namin narating ang hacienda ng mga Montemayor.
The huge black gate automatically opened dahilan para mahati ang nakaukit na pangalan na Hacienda Montemayor. Dahan dahang pumasok ang BMW ni kuya. Bago pa makarating sa bulwagan ng mansyon ay madadaanan pa muna ang malaking fountain na may babaeng anghel na hawak-hawak ang nakapahalang na bangang may umaagos na malinaw na tubig pababa sa gitna nito na naguugnay sa malaking pabilog ng fountain. Napansin ko rin ang isa pang katamtamang laki ng daanan, marahil ay para hindi magkasalubong ang mga sasakyang papasok o lalabas sa loob ng bulwagan.
Nang makababa si ate Rayah ay sumunod na rin ako. Napalibot ang mga mata ko at hindi naiwasan ang pagkamangha dahil sa mga nakikita. The mansion has a three-storey and a mixed of italian and spanish designed. May Montemayor ulit sa malaking pintuan non at malapad na hagdan na aabot hanggang sa anim na baitang. Umikot rin ako para tignan ang pinasukan namin kanina at tama nga ako mayroon itong dalawang daanan na ang mga nasa gilid non ay ang may katangkarang mga palmera na magkakasunod na nakahilera. This mansion is like a paradise. Halos ganito rin naman ang sa amin kaya lang mas nangingibabaw ang pagiging modern styled non.
I stopped roaming around the mansion when I've heared a manly voice somewhere.
"Pumasok muna kayo rito sa loob. Mamaya pa raw si Yuan at may dinaanan pa."
Alrik seriously said. Nakapamulsahan ito. His wearing a white V neck shirt and a black jeans. Hapit na hapit sa katawan nito ang kaniyang mga kasuotan. His hair is a bit messy pinadaanan lamang siguro iyon ng kaniyang mga daliri.
Damn it! He looks so hot.
Biglang nagtama ang aming mga mata kung kaya hindi ko alam kung saan ko pa ibabaling ang aking paningin. Walang nagawa, inabala ko na lamang ulit ang pagtingin-tingin sa kung saan saang parte nitong mansyon. Don't tell me, kanila ito? Oh, come on Analia. It's obvious na kanila nga ito dahil siya ang narito. Saan mo na naman ba naiwan ang common sense mo?
"Tara na sa loob, Analia." Ani kuya Remus kaya agad rin akong napasunod rito.
Hinintay kami ni Alrik hanggang sa makaakyat kami at nang muli na namang nagtama ang aming mga mata'y mabilis ulit akong napaiwas ng tingin. Oh, my freaking goddess! hanggang ngayon hindi parin mawaglit sa aking alaala ang nangyari sa Daraga Falls. Kaya sa t'wing makikita ko tuloy siya ay mas lalo pa akong nakakaramdam ng hiya at hindi lang iyon mas nadagdagan pa ang nararamdaman kong kaba sa t'wing maglalapit kami sa isa't isa, kaya kung kinakailangan ay ako na mismo ang lumalayo rito.
Pinauna niya akong makapasok sa loob. Mabilis ring gumala ang aking paningin sa kabuohan ng mansyon. Ang mga kagamitan ay halatang matagal na ang mga iyon. May naglalakihan ring mga muwebles na sa tingin ko'y galing pa ang mga iyon sa Rome. Ang malaking chandelier ay nasa pinakagitna. Bumagay rin ang magkasalubong na hagdan non na naka carpet na kulay pula. Inside the house is a mixture of white and gold.
Umakyat kami sa second floor ng dumating sina kuya Yuan. Nag kaniya-kaniya na rin silang bukas sa mga pintuan ng kuwarto na animo'y at home na at home ang mga ito. Maging sina ate Rayah ay ganoon din. Samantalang ako ay nakatayo lamang sa gilid habang pinagmamasdan sila. Napapakunot pa ang noo ko ng mapansing okupado na lahat ng kuwarto. May isa pang kuwarto ngunit nakalock, siguro ay may nag mamay-ari na non.
Napakamot na lang ako sa aking pisngi. Saan ako? Muling lumabas si kuya Yuan.
"Wala kang kuwarto?" natatawang tanong nito dahil nakita niya lamang akong nakatayo sa isang tabi habang nakasukbit ang backpack.
"Uh... wala," natawa na lamang rin na ani ko. Napailing naman ito.
"Hoy Remus! Itong si Analia walang kwarto." sigaw nito sa pinasukang kuwarto ni kuya Remus. Magkatapat lang naman sila.
Agad namang lumabas si Kuya Remus. Ganoon din si kuya Ras na nasa kabilang kwarto ng marinig ang sigaw ni kuya Yuan.
Pareho silang tumingin sa likuran ko kaya napalingon na rin ako. Si Alrik iyon.
"She can occupy the other room on the third floor, Ras." hindi na hinintay ang pagtatanong nila kuya rito.
Tumango naman si kuya Ras." sige na. Analia, sumama ka kay kuya Alrik mo sa taas. Doon ka na lang." kampanteng aniya.
May pag aalinlangan man ay wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod rito. Nakayuko lamang ako habang nakasunod rito paakyat ng hagdan. Mayamaya pa'y tumigil na rin kami. Binuksan nito ang pinto at seryoso parin akong tinitigan. Bumaba rin ang mga mata niya na tila ba'y ini-scan ang kabuohan ko. I'm just wearing an above the knee simple pastel off the shoulder dress and a brown half boots. Medyo na conscious naman ako rito dahil matagal din bago nito binawi ang tingin.
"Get inside and don't hesitate to call me if you need anything. Andito lang din ang kwarto ko."
Turo nito sa katapat ng kwartong tutuluyan ko. Lihim naman akong napalunok at tumango na lamang.
"Uh, t-thank you!" Pagkakataon nga naman, kung kailan umiiwas saka pa paglalapitin.
Sabi ko na lamang at agad pumasok sa loob. Isasara ko na sana ang pinto ngunit agad niya iyong pinigilan. Hindi tuloy ako mapakali at kung saan-saan na rin ako napapatingin maiwasan lamang ang kaniyang malalim at matatapang na mga mata.
Mas sumeryoso pa siya at pilit na hinuhuli ang mga mata ko kaya iniwas ko pa ito ngunit hindi rin naman nagtagal ay nagpang abot rin ang mga mata namin. Muli niya pang pinasadahan ang suot ko kaya napangiwi na lamang ako.
"Change your clothes. Maraming trabahador sa pupuntahan natin. Mag pants ka na lang." seryosong aniya habang tutok na tutok ang mga mata sa akin.
"Huh! P'wede naman na siguro 'tong suot ko." ani ko habang inaangat pa ang dress.
"That's too short. Mangangabayo tayo, hindi p'wede iyang gusto mo." nakatiim-bagang na ito.
"Fine!"
Naiiritang nasabi ko na lamang. Hindi na siya nagsalita kaya sinarado ko na ng tuluyan ang pinto. Lumapit ako sa kama, purong puti ang kubre kama non maging ang mahaba at manipis na kurtina ay kulay puti rin. Tanaw na tanaw ko mula rito ang dagat at gusto ko na lamang yatang maligo doon kesa sa sumama sa kanilang mangabayo.
Nakapagpalit na ako at gaya ng sabi ni Alrik ay magsuot ako ng pants na sinunod ko naman. Pinares ko na lamang iyon sa sleeveless black craptop at itinali ko naman sa aking bewang ang kulay pulang checkered long sleeves. Sinuot ko rin ulit ang brown na boots. I also tied my hair in a messy bun.
Nagmamadali na akong bumaba at baka ako na lamang ang hinihintay. Hindi nga ako nagkamali dahil lahat na sila naroon at mukhang kanina pa naghihintay. Naka ready na rin sila dahil napansin ko ang ilang kasambahay na may dalang basket na marahil ay mga pagkain na dadalhin patungo sa kung saan na sinasabi nitong si Alrik.
Naramdaman kong may nakatingin sa akin mula sa likuran. Bigla akong kinabahan na hindi ko malaman kung bakit? Naglakas loob akong lumingon at tignan ang kung sino ang nasa likuran. Ngunit agad kumalabog ang aking malanding puso na ang seryoso at nakakunot noong si Alrik ang nakita. Tumaas pa ang makapal nitong kilay na para bang may gustong sabihin. Hindi ko alam pero napansin ko rin ang pagtalim ng mga mata non ng bumaba ang kaniyang paningin. Binalewala ko na lamang ito. Anong problema nito?
Nang makalabas ay naroon na ang mga imported na kabayo. Ang iba ay agad namili ng sasakyang kabayo. Sina kuya Remus at ate Rayah ang magkasama at ganoon rin sina kuya Ras at ate Ivy. Nakasakay na rin ang iba at tatlo na lang kaming natira. Hindi ko pa nga inaasahan na nandito rin pala ang Maureen na iyan. Sabagay, talagang nandito siya dahil close sila ni Alrik.
Dalawang kabayo na lang din ang hindi pa nasasakyan kaya nagtataka ako kung bakit dalawa na lang ang nandito e, ganitong tatlo pa kaming hindi sumasakay. Kahit nagtataka ay binalewala ko na iyon at mas pinagtuunan ng pansin ang kabayong may makintab na balahibo. Naaliw ako dahil napansin kong iba ang kulay non sa bandang noo hanggang sa pababa ng nguso non, kulay puti at maging ang mga binti nito ay kulay puti din, bumagay rin sa matingkad nitong kulay na dark brown. Medyo may kahabaan rin ang buntot niyon 'di gaya sa ibang kabayo na naririto.
Dahil natutuwa ako rito ay agad ko iyong nilapitan at marahang inangat ang kanang kamay upang haplusin ang mukha nito. Paulit ulit ko pang ginawa iyon at mukhang nagugustuhan naman ng kabayo ang paghaplos ko sa kaniyang mukha dahil medyo yumuko pa ito para siguro hindi ako mahirapan sa pag abot sa kaniya.
"Wow! Sa'yo lang yata umamo ang kabayo na iyan." namamanghang ani kuya Yuan.
Ngumiti naman ako rito. "Bakit, pihikan ba ito? Eh, mukha namang mabait ha."
"Akala mo lang. Napakaarte ng kabayong iyan. Kung hindi ang amo ang sasakay." eksaheradang aniya pa.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at tinawanan na lamang. Medyo nahirapan pa ako ng sumampa ako sa kabayo dahil may katangkaran iyon. Nagulat rin sila dahil akala nila ay mahuhulog ako dahil gumalaw galaw ang kabayo nung sumampa ako pero hindi rin naman iyon nagtagal. Nang mapaupo ako ng maayos ay tinapik tapik ko pa ang ulo niyon.
"Good boy," Nakangising ani ko. Yeah, I know his gender dahil nakita ko iyon kanina.
"Ibang klase! May pinipili ba iyang kabayo mo?" si kuya Yuan iyon.
Nilingon ko naman siya para makita kung sino ba ang tinutukoy nito na walang iba kundi si Alrik na seryosong nakabaling ang mga mata sa akin habang nakapamaywang pa.
Napansin ko rin ang pag hingal n'yon na para bang nagmadali.
"Sa'yo 'to?" tanong ko rito.
Seryoso at tiim-bagang naman itong tumango.
"Anong pangalan nito?" kuryosong tanong ko pa.
"Apollo." aniya at napatango na lamang ako.
Marahan kong kinabig ang lubid upang mapaharap ito gaya ng kila kuya Ras. Nahagip ng mga mata ko sina Alrik at Maureen, tinulungan nitong makasampa sa kabayo si Maureen na ipinagtaka ko. Hindi ba siya marunong? Kaya ba dalawang kabayo na lang ang natira dahil magkasama sila sa iisang kabayo. Ewan ko pero nakaramdam ako ng pagkairita dahil sa nakikita. Dapat nga hindi ko iyon maramdaman ng dahil lang rito. Minsan talaga hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
Nauuna sina Alrik at nakasunod lamang kami. Ang sabi niya'y sa may ilog ang punta namin nang madaanan ang rancho. Di-diretsyuhin na lamang daw ang malawak na daan ay makakarating na kami sa sinasabi nitong ilog. Naiinip ako dahil may kabagalan ang pagpapatakbo ko kay Apollo dahil nasa pinakalikod ako at sinusundan lamang sila.
Kaya nang nalaman 'yon ay walang pag aalinlangan kong kinabig ang lubid pakanan at nang makasiguradong ayos na ay mabilis ko na namang hinatak ang lubid para makatakbo si Apollo. Hindi naman ako niyon binigo dahil nauuna na kami kila kuya narinig ko pa ang kanilang pagsigaw at walang humpay na tinatawag ang pangalan ko pero tinawaan ko lang sila at kinawayan. Dumapa ako ng muling pinabilis ang pagpapatakbo kay Apollo.
"DAMN IT! ANALIA, SLOW DOWN!"
Malakas na sigaw ni Alrik pero dahil masyado akong natutuwa ay hindi ko parin siya sinunod hanggang sa marating ko na nga ang ilog. Malawak nga iyon at malinaw at napakalinis ng tubig. Bumaba ako at tinali si Apollo sa tabi ng puno at malapit sa ilog para naman makainom ito ng tubig.
Nakarating na rin sila at pare pareho lang ang ekspresyon ng mga mukhang nakatunghay sa akin. Napatagilid na lamang tuloy ang aking ulo. If the looks could kill? I'm already dead by now. Napangiwi ako.
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Analia," seryosong litanya ni kuya Remus. Nakababa na rin ito sa kabayo.
"At kasasabi lang na sumunod ka lang sa'min, pero anong ginawa mo? Pinatakbo mo pa ng mabilis si Apollo. Paano kung nagloko iyan ha!" pagalit na ani kuya Ras.
Napayuko na lamang ako dahil sa nararamdamang pagkapahiya. Gusto ko lang namang makarating rito kaagad e. Pero napasobra nga yata ang ginawa ko. At isa pa, wala ako sa teritoryo namin kaya hindi rin ako nagtataka kung bakit sila nagagalit.
•••