CHAPTER 6

1460 Words
Habang nagkakatuwaan sina Kuya'y nakaupo lamang ako rito sa nag iisang malapad na bato. Matapos kasi akong sermunan nila Kuya ay umupo na lamang ako rito ng tahimik. Kanina pa silang nagbababad rito sa ilog, niyaya rin naman nila akong maligo ngunit agad ko ring tinanggihan. Wala akong dalang pamalit at hindi rin naman siguro ito ang huling pagpunta namin rito. Nang nakaramdam ng pangangalay, tumayo na lamang ako't naglakad lakad. Marahil ay napalayo na rin ako dahil hindi ko na masyadong marinig ang kanilang tawanan at tilian naman ng mga babaeng kasama. Medyo makipot rin ang daang tinatahak ko. Babalik na sana ako but I've still followed the small concrete pathway. My curiosity won't allow me to stay, kaya ng marating ang dulo ng pathway ay agad kong napansin ang isang maliit na sementadong poso at sa gilid naman n'on ay ang katamtamang laki ng kubo. Sarado ang kubo pati na rin ang maliit na bintana. Lumapit ako sa kubo at marahang umakyat sa maliit na hagdan. The wooden door isn't lock kaya pinihit ko ang seradora n'on. Habang nililibot ang aking paningin ay napuna kong malinis ang loob ng kubo at mayroon lamang pang isahan na higaan. Marahil ay isa lamang itong pahingahan gawa ng may sarado itong kubo. Naglakad ako palapit sa higaan kung nasaan ang bintana at walang pag aalinlangang binuksan 'yon. Agad akong napapikit ng tumama sa aking mukha ang preskong hangin. Pinabayaan ko na lamang nakabukas ang bintana at agad naupo sa kama. Katamtaman lang ang lambot n'on, may kulay kremang telang nakasapin at gano'n rin ang kulay ng punda ng unan. Sino kaya ang natutulog rito? Inaabot kaya 'yon ng gabi? At kung oo, hindi ba siya nilalamok? Sa daming mga tanong na pumapasok sa aking isipan ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang nang makarinig ng walang ingat na pagbukas ng pinto. Agad akong napatayo sa gulat dahil ang seryosong mga mata kaagad ni Alrik ang nakita. Napalunok ako ng tahimik at marahan itong lumapit sa akin. Hindi ko kayang makipagtitigan rito kaya yumuko na lamang ako't ngumuso. Bakit siya nandito? Nasaan iyong mga kasama namin? At anong oras na ba? "Uh ..." hindi ko alam kung ano bang dapat na sasabihin ko. "What are you doing here?" seryosong tanong nito. "Uh ... nakatulog ako rito ng hindi namamalayan. T-Tapos na ba kayong maligo?" Tumango naman ito habang pinapasadahan ako ng tingin. I unconsciously bit my lower lip habang nakatingin rito. Hindi ko naman napansin ang paninitig n'on sa aking labi dahil agad na siyang nagsalita. "Kanina pa natapos. Nasa baba pa sila't naghihintay." "Bumaba na tayo, malapit ng lumubog ang araw." aniya pa. Tumango na lamang ako't mabilis siyang nilampasan. Muntik pa akong mahulog sa mababang hagdan. "s**t. Careful," mariing aniyang nakahawak sa akin bewang. Para akong napaso sa hawak niya kaya hindi agad ako nakagalaw. Hinintay lamang ako nitong makababa ng tuluyan bago tinanggal ang kamay na marahang nakaalalay sa akin. May kabagalan ang paglalakad ko sa maliit na daan. Nakasunod naman si Alrik sa likuran at sa tuwing mabubuwal ako'y agad itong humahawak sa aking bewang upang alalayan ako nang sa ganoon ay hindi ako madulas ng tuluyan. "Sino ang natutulog sa kubong 'yon?" 'Di makatiis na tanong ko rito at para na rin maibsan ang katahimikan. Tinignan lang naman ako ni Alrik at hindi naman sinagot ang tanong ko. Ang sungit naman nito, I was just trying to opened a conversation here. "Galit na naman ba sina Kuya?" sana hindi, kanina pa kasi ako napapagalitan ng dalawang 'yon. Nakakahiya na. Hindi na naman siya sumagot at minadali na lamang ako sa paglalakad. Bakit ba siya ganiyan? Sa iba naman, nakikipagtawanan pa siya. Samantalang sa akin ay halos hindi niya ako kausapin. Naabutan namin sina Kuya'ng nakaupo sa malapad na bato ang iba naman ay nakatayo lang. Nang marinig ang pagdating namin ay agad na ring tumayo ang mga ito. Seryoso na naman ang mga mukha nina Kuya nang nakatutok sa akin. Napayuko na lamang ako, papagalitan na naman ba ako? Pero ilang minuto na'y hindi man lang ako nakarinig ng sermon galing kila Kuya kaya nagtataka akong napaangat ng tingin at agad na tinignan sina Kuya Remus. Tinignan lang naman ako nito at 'di rin nagsalita. Napakunot na lang tuloy ako ng noo ... "Umuwi na tayo..." ang boses ni Maureen ang pumukaw sa katahimikan. "Kumusta Analia? Nakatulog ka ba ng maayos?" aniya pa. Tumango na lamang ako. Marahil ay alam nilang may kubo sa pinuntahan ko kaya hindi na sila nagtanong. Mabuti na rin 'yon at hindi ako mapapagalitan nina Kuya. Nag kaniya-kaniya na silang lapit sa dalang mga kabayo kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Lumapit ako kay Apollo at agad ring natigilan ng mapuna ang paglapit ni Alrik. Nagtataka ko itong tinignan pero tinaasan lamang ako nito ng kilay. Bago pa ako nakapagsalita'y naunahan na ako ni Kuya Ras. "Analia, Ang Kuya Alrik mo na lang ang magdadala kay Apollo. Magdidilim na at baka walang habas mo na namang patakbuhin 'yang si Apollo. Baka mapaano ka pa r'yan." Napangiwi na lamang ako sa mga sinabi ni Kuya Ras. Kaya naman pala pinagtaasan lamang ako ng kilay nitong si Alrik. Walang imik na lamang akong tumango't nauna nang sumampa kay Apollo. Naramdaman ko rin ang pag alalay ni Alrik sa akin bewang. Madilim na ng marating namin ang mansyon. Naroon na rin ang mga tagapangalaga ng mga kabayo. Nang makababa kami'y agad na nilang kinuha ang mga kabayo para dalhin sa kuwadra. Pumasok na rin kami sa loob ng mansyon at agad kaming sinalubong ng matandang mayordoma. Si Manang Delia, "Nakahanda na ang hapunan. Alrik, kumain na muna kayo." Tumango naman siya at nagpasalamat. Agad na rin niya kaming dinala sa hapagkainan. Nakahanda na nga ang mga pagkain doon. Tahimik lamang akong kumakain habang sila naman ay maingay na nag uusap. "Sa may pool side na lang tayo mamaya." aktibong ani Kuya Yuan. Balak kasi nilang mag inuman mamaya pagkatapos kumain at magpahinga ng kahit ilang saglit. Ako naman, hindi ko alam kung sasama pa ba ako sa kanila o hindi na. Hindi naman kasi ako papayagan nila Kuyang uminom dahil wala pa akong eighteen. Saka kung sasama pa ako sa kanila mamaya, ano namang gagawin ko doon? Sila nagkakatuwaan. Tapos ako, tutunganga lang. Mabuti sana kung may sinama rin silang kaedaran ko baka nagkasundo pa kami. Nasa kuwarto na ako at nakaligo na rin. Nakapagpasya na akong hindi na lamang bababa. Alam ko ring magtatagal sila kaya mas mabuti pang matulog na lamang ako dahil wala naman na akong gagawin. Nakaupo ako sa kama ng makarinig ako ng marahang pagkatok mula sa labas ng pintuan. Tumayo ako't nagmamadaling binuksan ang pinto ng hindi nag iisip. Ang seryosong mukha ni Alrik ang agad na bumungad sa aking harapan. Hindi naman ito nagsalita at bumaba lamang ang tingin n'on. Napansin kong nagtagal ang titig niya sa dibdib ko kaya napatingin rin ako doon. Nang makumpirma ang tinitignan ay napamura na lamang ako sa isip. Shit! I forgot to wear my bra! Patay malisya ko na lamang inangat pataas ‘yon para matakpan ang nakalantad na cleavage. Tumikhim naman si Alrik at ng tignan ko siya'y agad nitong iniwas ang mga mata at mas sumeryoso na lamang ang kaniyang ekspresyon. "Uh... bakit ka narito?" nasabi ko na lamang. "Huwag kanang lumabas rito. Magtatagal pa kami sa baba at baka antukin ka lang doon." seryosong aniya at napatingin na naman sa suot ko. Tumikhim na lamang ako. "Hindi naman na talaga ako bababa eh." sabi ko rito't tinignan siya, naabutan ko pang napakagat siya sa ibabang labi at marahang lumunok. Muli, hindi ko na naman ‘yon pinansin. "Uh, sino pala ang nasa kabilang kuwarto? Maliban sa kuwartong ito at sa kuwarto mo..." Umiling naman ito... " tayo lang ang nandito." seryoso at mahinang aniya. My eyes widened a bit. Kami lang ang nandito? Tapos, aalis pa siya dahil may gagawin pa sila sa baba. Parang gusto ko na lamang sumama sa kaniya at sasabay na lang ulit kapag natapos na sila. Damn, kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko. Paano na lang kung mayroon palang nagmumulto rito? Tila naman nahulaan niya ang nasa isip ko dahil marahan itong natawa at napapailing. "Walang multo, matulog ka na." nagpapaka seryosong aniya. Sinimangutan ko naman siya dahil doon... " Paano kung mayron? Ang laki ng bahay niyo, imposibleng wala" nakasimangot paring ani ko rito. "Stop scaring yourself. Walang multo. Matulog ka na." seryoso na niyang ani. "Pero—" "Babalikan kita rito mamaya. Good night." He seriously said. Hindi na rin nito hinintay na tugunin ko ang kaniyang sinabi. Sa halip ay siya na rin ang nagsarado ng pinto para sa akin. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD