I almost fell on my bed when I was trying to find a nice spot to sleep at kung hindi ako nakahawak sa kung saan ay tiyak nahulog na ako. I frustratedly stood up and took my phone on the bedside table.
What the hell, It's already midnight! Yamot kong ginulo ang aking buhok. I was frowning nonstop while wearing my pink robe and after tying the lace on my waist I went outside my room... barefooted.
I stopped and closed the door. Tahimik akong naglakad patungo sa engrandeng hagdanan para magtungo sa kusina. Iinom lang ako ng tubig at babalik rin sa kuwarto.
Tahimik ang buong paligid. Tapos na ba silang mag-inuman? Curiously, I went to the sliding door kung saan makikita ang swimming pool. Madilim na, at wala namang tao sa labas. Siguro'y natutulog na ang mga ‘yon. Anong oras kaya silang natapos? Sabi ni Alrik, babalikan niya ako sa kuwarto pagka natapos sila?
Umiiling na lamang nagtungo ako sa kusina at agad binuksan ang refregirator para kumuha ng pitsel na may malamig na tubig. Kumuha na rin ako ng baso at maingat na sinalinan 'yon ng tubig. Nang maubos ang isang baso ng tubig ay ibinalik ko na ang pitsel sa ref at hinugasan naman ang baso't ibinalik na rin sa lagayan n‘on.
Umakyat na rin ako sa taas at nang bubuksan ko na ang pintuan ay napatigil rin ako't napatingin sa pintuan ng kuwarto ni Alrik. Tulog na kaya siya? May pagaalinlangan pa akong lumapit sa pintuan at may pagdadalawang-isip kung kakatukin ko ba ang pinto? Ano namang sasabihin ko? Damn. Analia, ano na naman bang pumapasok d'yan sa magulo mong isipan?!
Makita mo nga lang siya'y hindi ka na mapakali dahil sa kaba, tapos ngayon... kakatukin mo pa siya. eh, wala ka namang sasabihin. Guguluhin mo lang iyong tao.
Dahil sa pakikipagtalo sa sarili'y hindi ko na namalayang napihit ko pala pabukas ang door knob at may panglalaki ng mga matang tinapunan 'yon ng tingin... It wasn't locked. Pikit matang marahang binuksan ko 'yon at kinakabahang pumasok sa loob ng kuwarto.
The room was big and it was neat and clean for a man like him. The interior design is a mixture of white and black. May bookshelves rin na kulay itim at may iilang libro lamang ang naroon. Sa tabi nito'y isang pinto, batid kong closet ang naroon. At sa kaliwa naman siguro ay ang banyo. Tumalikod ako at agad ring napansin ang malaking kama sa gitna. The bed cover is also a plain color of black and white.
Nang tumingala ako'y ang seryosong mga mata ni Alrik ang agad nasilayan. Damn this man, bakit ba siya ganiyan ka-guwapo? Kahit black and white ang portrait ay halata parin ang ka-gwapuhan niya. Wala sa sariling napaupo ako sa paanan ng kama habang pinagmamasdan parin ang topless na portrait ni Alrik na nakasakay sa kabayo na si Apollo.
Nasa ganoon akong posisyon ng bumukas ang pinto. Mabilis akong napalingon at agad ring dinapuan ng bolta-boltaheng kaba na ang seryosong mukha ni Alrik ang agad bumungad. Dahan-dahan akong napayuko at 'Di sinasadyang napatingin sa ibaba n‘on. Ang maliit na tuwalya na hindi lalagpas sa kalahating hita lamang ang nagsisilbing panakip sa pang ibaba niyang katawan. Malinaw ko ring nakikita ang pinong mga balahibo nito sa hita pati na rin sa mga binti. Damn! Get back to your senses. Analia!
Literal akong napalunok ng muling tignan ang gitnang parte na natatakpan ng puting tuwalya. Nagtagal pa 'yon bago ko narinig ang baritonong boses ni Alrik.
"Eyes up here, Lia."
He seriously said. Nakapamaywang na rin siya na tila ba'y iritadong nakatitig sa akin. Napangiwi na lamang ako.
He just called me Lia? Is that an endearment? Kasi, wala pang kahit sinong tumatawag sa akin sa ganoong pangalan. Siya palang. Ang kabang naramdaman kanina'y agad na namang umaktibo ngunit hindi ko na 'yon inalintana, nangingiti ako't hindi na lamang 'yon pinapahalata pero masyado naman yatang mapanuri ang mga mata nitong si Alrik.
"Anong nginingisi-ngisi mo r'yan, Lia?” Damn. Inulit niya pa talaga.
Umiling na lamang ako. Umirap naman siya at masungit akong tinapunan ng tingin.
"What are you doing here? At 'dis oras na ng gabi'y hindi ka pa natutulog."
"Uh... hindi ako makatulog at hindi nakalock ang kuwarto mo kaya pumasok ako." kabadong ani ko rito.
Napailing naman siya at walang pasabing binuksan ang isang pinto at pumasok doon nang lumabas ay nakasuot na ito ng gray cottoned short. Iyon lang? Hindi ba siya magsusuot ng t-shirt or kahit sando na lang? Talaga bang ibabalandra niya sa harapan ko ang mabato at madramang ganda ng hubog ng kanyang katawan? Gusto ko naman 'yon, pero kasi... baka 'yon na lang ang tignan ko habang narito ako sa kanyang kuwarto.
"Bakit ka nandito? Nagugutom ka ba?" hindi ko namalayang nakalapit na siya sa akin.
Umiling lamang ako't napapaiwas ng tingin. Umupo naman siya sa tabi ko kaya napatingin na naman ako rito. Iyan na naman ang seryoso niyang mga matang nakatitig sa akin.
"Tara, ihahatid na kita sa kuwarto mo—"
"Sabi mo babalikan mo ako kanina?" hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin 'yon.
"Naghintay ako. Hinintay kita, kasi 'yon ang sinabi mo kanina." dugtong ko pa na ikinaigting ng kanyang panga. Lihim akong napalunok at napaiwas ng tingin.
What the hell Analia. Napakatapang mo naman para sabihin iyan.
"Did I tell you to wait?" mahina ngunit seryoso parin niyang ani.
I can't help it but to rolled my eyes. Hindi 'man niya sabihin ay parang ganoon na rin 'yong sinabi niya.
Dahil hindi parin ako makatingin sa kanya'y marahan nitong hinawakan ang aking baba at maingat iyong inangat. Sa pagtatama ng aming mga mata'y agad akong napalunok mabilis ko ring iniwas ang aking paningin ngunit tila'y hindi niya nagustuhan ang ginawa ko dahil muli na naman niyang inangat ang aking baba at siya na rin ang mariing tumitig sa malilikot kong mga mata.
Nang napatitig ang mga mata n‘on sa aking labi ay muli na namang umigting ang kanyang panga. Mariin itong pumikit ng hindi parin binibitawan ng kanyang mga daliri ang aking baba. At nang bumukas 'yon.
"Did I tell you to wait... kid?" He said it again, without hesitation. A kid?!
Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking buong mukha dahil sa mga salitang binitawan niya... a kid? Kailangan ba talagang sabihin pa 'yon? Dahil sa pagkapahiya'y tinulak ko siya mula sa kanyang dibdib at agad ring tumayo. Ang gulat sa kanyang mga mata'y agad ring nawala at napalitan ng kaseryosohan. Pero hindi ko na lang 'yon pinansin at nagmamadali na lamang umalis sa kanyang silid.
•••