A moment of silence filled the surroundings. The discreet sound of the sea wave is the only one I've heard.
Sa pagkatulala'y 'di alintana ang marahang hampas ng alon na tumatama sa mga batong aming kinalalagyan. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha dahil sa init na dumadaloy doon.
I unconsciously, held my lower lip. Remembering what he did a while ago It's making my mind unfocused. Marahang umangat ang aking ulo ng tumikhim ito. Nang bumuka ang labi nito'y muli ring naitikom ng maulinigan ang pamilyar na boses mula sa dalampasigan.
"Alrik, Nakatulog na naman ba?"
Ang pasigaw na tanong ni Kuya Remus ang bumasag sa katahimikan. Nakapamaywang itong nakatayo at tila kararating lang dahil mula dito'y kitang-kita ko pa ang paghingal nito.
Tumayo na ako't nauna ng naglakad. Naramdaman ko rin ang tahimik na pagsunod ni Alrik. Nang nasa tabi na kami ni Kuya Remus ay saka lamang ito umimik.
"Yeah. Napasarap na naman ang tulog."
Nakatawang aniya. Sinungaling rin ang isang ito. Sige nga Analia, gusto mo bang sabihin niya sa kapatid mong hinalikan ka niya at pinanggigilan pa nga kaya kayo natagalan? Gusto mo 'yon!
"Masanay ka na. Dati pa lang ay kahit saan na lang iyan nakakatulog kapag nakakapagisa." napapailing na sabi ni Kuya Remus.
"Ginising mo sana." dugtong pa ni Kuya Remus.
Umiling naman si Alrik. "I don't want to disturb her. Mahimbing ang tulog niyan mula ng dumating ako." nakatawang aniya.
This arrogant man is such a liar. Pero may katotohanan din naman kahit papaano ang sinabi nito. White lies. Hindi nga naman niya ako ginising kaninang natutulog ako.
Tahimik na natapos ang aming tanghalian at naisipan kong mag shower at magpahinga na lamang muna sa kuwarto. Ganoon rin naman ang ginawa nila Ate Ivy. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay magtutungo pa sa kuwadra at naisipang paliguan ang mga kabayong gagamitin para mamaya.
Matapos suotin ang black sleeveless croptop at ang maong short ay isinunod ko naman ang kulay puting cardigan na hanggang sa kalahating hita ang haba. After that, I wear my black half boots. I stood up and look at the mirror. Kinuha ko ang panali at tinalian pataas ang aking buhok. Iyon lamang ang ginawa ko at bumaba na agad.
Lumabas ako sa mansyon dahil wala naman akong nadatnan na kahit sino. Nasa pintuan pa lang ay kita na ang kuwadra. Naroon na silang lahat at tila ba'y naghihintay. Nang mapansin nila'y lumapit na rin ako.
"Aalis na kayo?" mahinang turan ko sa mga ito.
"Hindi ka ba sasama?" ang nagtatakang tanong ni Kuya Rasmus.
Umiling naman ako. "Tinatamad ako. Sa may rancho lang naman po ang punta niyo diba?"
Tango naman ang isinagot ni Kuya Rasmus at pumayag na rin itong hindi na muna ako isama. Ngunit agad ring napabaling ang tingin ko sa isang direksyon.
"Kung ganoon... sa'yo na ako sasakay. Alrik, hindi naman na sasama itong si Analia, eh."
Ano sasakay ka kay Alrik? Kung ipasipa kaya kita kay Apollo!
Dahil sa narinig ay tila gusto ko na lamang bawiin ang nasabi. Ang ibig bang sabihin n'on ay ako dapat ang kasama nitong si Alrik sa isang kabayo? But the pride in me says not to revoke what I have already said a while ago.
Alrik's serious eyes met mine. Ang kunot na noo'y madaling nagpakita. I slightly tilted my head at walang pagaalinlangang pinagtaasan ito ng kilay. I chuckled silently ng sumimangot ito pero mabilis din iyon nawala.
"Hindi ka ba talaga sasama? Ikaw lang ang maiiwan rito." ang nagaalalang ani Ate Ivy.
I smiled at her. Umiling lamang ako. "ayos lang po ako rito."
***
Inabala ko ang sarili sa mga iba't ibang halaman na nasa hardin magmula ng sila'y umalis patungo sa rancho. Naaaliw ko ring pinagmamasdan ang iba't ibang kulay ng mga orchids. Hindi ko inaasahang maganda rin palang isabit ng pazigzag ang ilang orchids sa katawan ng palmera lalo pa't dilaw ang kulay n'on.
Sa ibang parte naman ay ang mga kumpol-kumpol na pulang rosas. Malusog at malalaki ang mga iyon. May maliit na pathway sa gitna ng mga rosas. Kuryosong tinahak ko ang maliit na daanan na iyon at namalayan na lamang ang sariling nasa likuran na ako ng mansyon at nakaharap sa katamtamang laki ng puting gazebo. Napapaligiran iyon ng puti, pula at kulay pink na mga rosas.
Namamanghang nilibot ko ang aking paningin. Damn. I never taught that I will be dreaming these kind of house. It looks unreal. Maraming naggagandahang mansyon rito sa Lavizares ngunit ang mansyon ng Montemayors lamang ang bukod tanging pinakitaan ko ng labis na paghanga.
Natitiyak kong masurwerte ang babaeng pakakasalan ni Alrik kung saka sakali. Guwapo si Alrik at may napakagandang katawan. Nga lang... sobra ang pagiging seryoso ng isang iyon o baka naman defense mechanism niya lamang iyon.
Marahan akong umupo sa loob ng gazebo. Mayroon itong pahabang sementadong upuan. Tila hinihila na naman ng antok ang aking mga mata kaya pilit ko na lamang pinigilan iyon. Baka madatnan na naman akong natutulog.
Nang mag alas kuwarto'y naisipan ko na lamang tumulong kina Manang Delia sa kusina. Alam kong wala akong alam pagdating sa pagluluto kaya ang paghihiwa na lamang ng mga rekados ang pinagtuunan ko ng pansin at ng matapos ay tahimik kong pinapanood si Manang Delia sa kanyang niluluto.
"Manang, Matagal na po ba kayo rito?"
"Oo, hija. Bata pa lamang iyang si Alrik ay dito na ako nagtatrabaho."
Napapatango naman ako sa mga kuwento ni Manang Delia at madalas ay napapatawa na rin. Medyo animated kasi itong magkuwento.
"At naku! Iyang si Alrik ay bata pa lang ay napakapilyo na..." madramang aniya na mas lalo ko pang ikinatawa.
"At nang mag binata'y mas sumobra pa! Sa edad na disi-otso'y papalit-palit na ng mga babaeng dinadala rito."
Napalabi naman ako ng marinig iyon. Mukhang hanggang ngayon naman ay ganoon parin. Nga lang, si Maureen ang parating kasama.
"Eh, Manang... girlfriend niya po ba si Maureen?" 'di nakatiis na tanong ko rito.
Tinikman muna nito ang kanyang niluluto at marahang pinatay ang apoy sa electronic stove. Binaling nito ang tingin sa akin.
"Sa pagkakaalam ko'y hindi pero usap usapan na pinapares silang dalawa ng ama ni Maureen." seryosong aniya.
Hindi ko na muling sinundan pa ang mga tanong dahil para bang nawalan na ako ng gana dahil sa mga nalaman. Dumating na rin sila kaya nagpasya na lamang akong pumanhik muna sa itaas at bababa na lang kapag kakain na.
Nakahiga ako sa malambot na kama ng maulinigan ang mararahang pagkatok mula sa labas. Tamad akong tumayo at walang ganang pinagbuksan ng pinto ang kung sino at napangiwi na lamang ng masilayan ang seryosong mukha ni Alrik. Pinasadahan ako nito ng tingin at nagtagal lamang ang mapanuring mga mata ng mapatingin ito sa aking buhok.
"Fix your hair. Kakain na tayo."
Dahil sa sinabi nito'y mabilis kong pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok at nang hindi parin makuntento'y mabilis akong nagtungo sa kinaroroonan ng salamin. Nang masuklay ng maayos ang aking buhok ay alanganin ko na lamang siyang niyakad patungo sa kabisera.
Tahimik na natapos ang hapunan at mukhang napagod ang mga ito sa pamamasyal kaya maaga ring nagkayayaang pumanhik sa itaas para matulog. Umakyat na rin ako para maligo. Natuyo na lang ang aking buhok at nakahiga na sa kama'y hindi parin ako nakakaramdam ng antok kaya lumabas na lamang ako ng silid ngunit napatigil ng bumukas rin ang kaharap na pinto ng aking silid.
Kunot ang noong nakatunghay sa akin si Alrik at mukhang nagtataka pa ito. "Hindi pa ako inaantok. Bababa lang ako saglit." hindi ko alam kung bakit ba ako nagpapaliwanag rito.
Marahan naman siyang tumango kaya tinalikuran ko na ito. Mayamaya pa'y huminto ako ng maramdaman ko rin ang pagsunod nito. Nilingon ko siya pero pinagtaasan lamang ako n'on ng kilay. Napa
irap na lamang ako't nagpatuloy na lang sa paglalakad sa engrandeng hagdanan. Tinahak ko ang kusina at binuksan ang ref para kumuha ng malamig na tubig pero napatigil rin ng walang pasabing kinuha ni Alrik ang karton ng fresh milk. Tumayo ako ng tuwid at nagtataka itong tinignan. Mahilig pala ang isang ito sa gatas.
Kumuha siya ng baso sa lagayan at agad iyong sinalinan ng gatas. Nang mapuno'y marahan nitong iniabot sa akin ang basong may laman na gatas.
"Drink this milk, instead. Para mabilis kang makatulog."
•••