CHAPTER 10

1374 Words
Alrik is giving me a glass of freshmilk with his serious face is making me uncomfortable for the whole damn minutes. I'm at the edge of accepting his offer but at the same time, I also don't want, too. Yeah, Magulo! Alam ko iyon. Hayaan niyo na. After what he just did at the rock formation, I don't know anymore how to react properly with his unpredictable actions. It's giving me a mixed emotions for no damn reason. Should I accept it? Should I not? Marahan kong tinagilid ang aking ulo para mataman siyang pagmasdan kung tama nga ba ang narinig ko rito. He's just patiently looking at me boredly. Tumaas lamang ang kanan nitong kilay at tamad pa ring inilalahad sa harapan ko ang basong may lamang gatas. "Do I need to repeat myself, Lia." he said it huskily. Hindi iyon tanong. He's commanding me to drink it. May pagaalinlangan ko na lamang iyon tinanggap. Hindi naman nakalampas sa aking mga paningin ang kanyang pag-ngisi na naging dahilan ng panghahaba ng aking nguso. Mahina naman siyang napatawa dahil sa naging reaksyon ko. Sinamaan ko ito ng tingin at inirapan bago inumin ang binigay nito. I silently, emptied the glass of milk. Tumayo ako at marahang nagtungo sa lababo upang tahimik iyong hugasan. Naglakad ako palabas ng kusina ng hindi pinagtutuunan ng pansin si Alrik na nasa likuran ko at tahimik lamang din na nakasunod pero napatigil din ako kaagad ng maramdaman ko ang kamay nito sa aking braso. Napalingon ako nang marahan ako nitong hinila at tuluyan ng hinarap sa kaniya. Nagtataka parin ako, ngunit nang umangat ang kanyang kanang kamay at marahang pinahid ang gilid ng labi ko'y hindi sinasadyang napaawang ng iyon. Damn! Halos hindi na ako mapakali sa kanyang harapan ng gawin niya iyon. Sana lang hindi niya marinig ang kalabog ng malandi kong puso na kahit ang lapit na namin sa isa't isa. Hindi parin niya tinatanggal ang hinlalaking daliri sa gilid ng labi ko kaya nakaawang parin iyon. Gumalaw ang kanyang adams apple ng lumunok siya. Madiin at marahang pinasadahan ng daliri ang ibaba ng labi ko bago iyon ibaba. Hawak parin ang aking braso at lantarang nakatitig ang kanyang mga mata. Kunot noo akong nakatingin sakanya kaya tumikhim ito. “May gatas ka pa sa labi...” What the hell?! Dahil sa sinabi niya'y nakaramdam ako ng pagkapahiya. 'Di sinasadyang napairap ako rito at mabilis itong tinalikuran. Nakarating kami sa pangatlong palapag ng hindi nag iimikan. Nasa harapan na ako ng pinto ng bumisita na naman sa aking isipan ang nangyari kanina. Marahas akong lumingon rito at nanggigigil siyang tinignan. "Hindi ka ba hihingi ng tawad, ha?" "What for?" clueless nitong tanong. Napaismid na lamang ako. Ganoon na lamang iyon? Kakalimutan na lang? dahil ano, hindi naman iyon mahalaga? Gigil kong binuksan ang pinto. "Forget it!" iritadong turan ko na lamang rito at padabog siyang pinagsarahan ng pinto. Nagising ako ng marinig ang mahihinang katok mula sa labas ng pinto. Hinintay kong mawala iyon ngunit ilang segundo na ang lumipas at patuloy parin ang pangangatok ng nasa labas. Gamit ang namumungay pang mga mata ay mabilis akong bumangon at binuksan ang pinto. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng matunghayan ang mukha ng taong nasa labas. Wala sa sariling naihilamos ko ang kamay sa aking mukha. Damn! What is he doing here? I'm not even presentable at this hour. Hindi pa nga ako nakakaligo, eh. "Uh, may kailangan ka ba?" Bakit ba palagi na lamang siyang dumarating sa hindi kaaya-ayang sitwasyon? Lihim akong napangiwi ng walang kaabog-abog ako nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Damn! "Take a bath first. We're going to Maureen's house." Huh?! Anong gagawin namin doon? Sa halip na itanong pa iyon ay nanahimik na lamang ako't minabuti na lamang sundin ang pinapagawa nito para na rin mawala na ako sa kanyang paningin. "Bumaba ka na pagkatapos mo." huling aniya at walang pasabi akong mabilis na tinalikuran. Iningusan ko na lang ang likod nito't sinara na ang pinto. Mabilis akong nagtungo sa banyo at agad na rin naligo. Nang matapos ay mabilis akong naghanap ng susuotin. I choose to wear a brown off shoulder lace crop top and a denim short. After I blow dried my wavy hair I tied it into a messy bun. Putting an small amount of powder and a lip tint on my face then I'm done. Huli ko ng isinuot ang brown boots ko. Kinuha ko lamang ang aking cellphone sa bedside table at inilagay iyon sa likuran na bulsa ng short ko. I hurriedly walk in the grandiose staircase dahil mukhang natagalan na ako. Pumasok ako sa kusina at tinungo ang dining area kung saan naroon na sila at naghihintay. Kaagad nila akong binalingan ng tingin kaya ngumiti na lamang ako sa mga ito. "Mornin'." matapos halikan sina Kuya Rasmus at Kuya Remus sa kanilang pisngi. "Morning. Someone's woke up in the right side of the bed. Huh," natatawang ani Kuya Rasmus. Tinawanan ko na lamang rin ito at umupo sa tabi ni Kuya Remus. Kumuha ako ng fried rice at ilang piraso ng bacon at nag umpisa ng kumain. Kumakain na rin naman sila ng datnan ko rito kaya ganoon na rin ang ginawa ko. "Dahan dahan lang, Analia. Ba't ka ba nagmamadali?" rinig kong marahang bulong ni Kuya Remus. Nilingon ko naman siya at ginaya ang ginawa nito. "Patapos na kayong kumain..." sabi ko na lamang rito at nagpatuloy sa pag kain. Uminom ako ng tubig matapos lunukin ang huling piraso ng pagkain at muling binulungan si Kuya Remus. "By the way, anong gagawin natin sa bahay ni Maureen?" takang tanong ko rito. Nagkibit lamang siya ng balikat at inubos na rin ang iniinom na kape. *** Ilang minuto lang ang nakalipas ng makarating kami sa bahay nina Maureen. Hindi ko inaasahang malaki rin pala ang kanilang mansyon. May malawak na bakuran at naggagandahang iba't ibang halaman sa may bandang kanan n'on. Nabanggit rin nitong mayroon silang flower farm sa kaliwang parte sa 'di kalayuan ng mansyon at sa likod naman ng masyon ay ang manggahan. Nasabi rin niya na sa manila pa dinadala ang mga bulaklak at doon ipinagbibili. Ang mga mangga naman ay sa karatig bayan pa. "Pumasok muna tayo sa loob." aniya at mabilis na tinawag ang isang kasambahay. "Nay Nelia, Puwede po bang pakihanda ng juice at no'ng cake?" marahan niyang ani sa matanda. Tumango lamang ito at agad nagtungo sa kung saan. "Mamaya na tayo sa manggahan. Masyado pang tirik na tirik ang araw." Habang nililibot ng aking paningin ang loob ng mansyon ay masasabi kong napakaaliwalas nitong pagmasdan mula sa puting pader hanggang sa mahahabang kulay dirty white na kurtina. Ang mga muwebles ay sa tingin ko'y mula pa sa ibang bansa. Ang malaking chandelier na may puting ilaw ay isa pang nagpapatingkad sa buong paligid. There's also a big family portrait at the top of the staircase. Maureen is in the middle. Does she an only child? Nabaling ang aking mga mata sa matandang ginang na marahang naglalapag ng mga dala nitong baso na nasa stainless na tray kasama nito ang isa pang kasambahay na marahan ring naglalapag ng mga slice ng chocolate cake. Matapos kainin ang hinandang meryenda ay tumulak na kami sa kung saan dahil hindi na rin naman ganoon kainit sa labas. Habang tinatahak ang maputik na daan ay napapangiwi na lamang ako gawa ng nararamdaman kong tumataas ang aking boots dahil sa mga putik na dumidikit doon. Muntik pa akong madulas dahil hindi ko kaagad napansin ang tubig sa aapakan ko kaya tumalon ako para agaran iyon maiwasan ngunit sa pagtalon ring iyon ako na out of balance. Mabuti na lang ay agad akong nakakapit sa bewang ng kung sino... No, actually, I was hugging that person from behind para huwag lamang akong madulas. I unconsciously, smelled the man's scent. Damn! His scent is very addicting na hindi ko namalayang napapatagal na pala ang pagyakap ko rito. Nakalas ko lamang ang aking mga kamay ng tumikhim ito. Mabilis kong inangat ang aking ulo upang kilalanin ito. Ngunit ganoon na lamang ang panglalaki ng mga mata ko ng makilala ito. Alrik's staring at me blankly. I swallowed hard. "Uh, sorry..." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD