"Uh, hindi ko sinasadya. It's, too, slippery here."
Ikaw naman kasi, Analia, sa dami ng puwedeng mahahawakan mo... iyong bewang pa talaga ng lalaking iyan!
"I didn't know you're the one that I've accidentally hugged." titig na titig lamang siya sa akin.
Wala ba siyang sasabihin? Baka isipin niyang sinadya ko iyon!
"Uh, I didn't mean to sniffed you but... you're too— Damn! Your scent is so addicting."
Damn! Hindi ko na talaga alam kung saan ko napupulot ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi naman ako ganito kabulgar kung magsalita pero iyon ang nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko siya.
He's like, waking up the beast in me...
Anong pinagsasabi mo d'yan, Analia? Nahihibang ka na ba? Nayakap at naamoy mo lang kung anu ano na mga pinagsasabi mo. Tumigil ka nga!
"You... and your mouth, Lia." masama itong nakatitig sa akin na para bang may nasabi akong hindi nito nagustuhan.
Nagpabaling-baling lang ako ng tingin para iwasan ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nang hindi ko na matagalan ang paninitig nito'y nakayukong nilagpasan ko na lamang siya.
But to my surprised. Alrik's, callous hand gripped my wrist and stopping me walking away from him. I silently cursed... damn this heart! Why do you have to be beating so fast like that? This sudden situation is scaring the hell out of me. What did I do to feel this way? You just complimented him, Analia. Pero ano na itong nangyayari sa'yo?!
Minutes had past, his hand is still gripping my wrist. Paano na lang kung may makapansin sa 'min? Naglakas loob na lamang akong tignan siya. The way his fiery eyes intensely looking at my eyes is making me looked at the other side of a manggo tree. I swallowed hard tila nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kakaibang-kabang hindi maipalawanag kung bakit ko nga ba nararamdaman?
"They might see us..."
I was just trying to be brave in front of him. Thankfully, I didn't stutter. Marahan naman niyang binitawan ang palapulsuhan ko. Bumuka ang kanyang bibig ngunit agad rin iyon tinikom dahil may biglang sumigaw mula sa malayong likuran ko.
"Anong nangyayari d'yan?!" Kuya Remus shouted. Nang lingunin ko ito ay palapit na siya sa 'min. Nakapamaywang siyang tumigil sa harapan at mataman kaming tinitigan. Nang tumigil ang seryosong mga mata nito sa akin ay napangiwi naman ako. Tumaas lang ang kilay niya at muling tinignan si Alrik.
"Bakit ang tagal niyo?" takang tanong ni Kuya Remus kay Alrik na kanina pa tahimik.
Bumaling ang kanyang mga mata sa akin. "Muntik ng madulas," turan nito kay Kuya.
"Kaya ba kayo natatagalan rito?" sabi naman ni Kuya at mabilis akong binalingan. Nanatili lamang ang mapanuring mga mata nito sa suot kong boots.
"Tanggalin mo ang mga putik na dumikit d'yan sa sapatos mo mamaya, Analia. Baka madulas ka na naman."
Masungit na aniya at pinagsalikop ang mga braso sa kanyang dibdib. Napatango-tango na lamang ako at hindi na nagsalita.
"Tara na. Kanina pa sila nasa dulo nitong manggahan, sinundo ko lang kayo kasi ang tagal niyong dumating. Iyon naman pala, may nangyari na..."
Bakit parang iba yata ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Kuya Remus?
Lihim na lamang akong napailing. Ang utak ko, nananaba na naman sa walang kabuluhang naiisip.
Nakarating kami sa hangganan nitong manggahan na walang nagiimikan. Kaya naman pala sila nandito, mayroon pa lang bahay kubo rito kung saan matatanaw ang isa pang lupain na hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari. Ang tanging nagsisilbing hati lamang sa dalawang lupain ay ang may anim na layer na bayb wire.
Sila Kuya Remus at Alrik ay naunang nagtungo sa bahay kubo dahil naroon na rin naman ang iba. Huminto ako para maghanap ng stick na maaring makatanggal sa mga putik na nasa suot kong boots. Hindi rin naman iyon nagtagal dahil nakakita rin ako kaagad ng hindi gaanong kahabaan na kahoy pero ayos na iyon.
I let myself sat at the bamboo chair near the manggo tree. I removed my shoes to clean the dirt. While doing the cleaning thinky makes me want to throw those shoes because the mud's giving me a hard time to remove it. Medyo natutuyo na rin kasi.
Out of frustration, I stopped cleaning my shoes. Naiinis na tinabig ko na lamang iyon at hinayaan na lang malaglag. Padabog akong napasandal sa sandalan ng kawayang upuan. Mariin akong pumikit parang sumakit ang ulo ko, iyon lang naman ang ginawa ko. Hindi pa masyadong natapos.
"You okay, Analia?"
Agad akong nagmulat ng mga mata ng marinig kong nagsalita si Kuya Remus. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit nito. Hawak na niya ang isang sapatos ko at marahang tinatanggalan ng putik. Naupo na rin siya sa tabi ko.
"Ayos lang po ako. Naiinis lang dahil hindi ko matanggal-tanggal 'yang putik."
Napatawa naman ng mahina si Kuya Remus at patuloy parin sa ginagawa. "Do you want to eat indian manggo? Matamis."
"Sige. Ipagbalat mo ako..." nang lalambing na ani ko rito at pabiro pa siyang niyakap.
Natawa naman siya at ginulo lamang ang buhok ko, napasimangot na lang ako. Nakatali 'yon tapos guguluhin niya lang.
"Ras, pakibalatan nga ng mangga itong si Analia. Magdala ka rin ng malinis na tubig para makapaghugas ito ng kamay!" pasigaw na ani Kuya Remus.
Itong isang 'to akala mo siya 'yung mas matanda sa kanilang dalawa, eh.
"Yeah, fine!" balik rin namang sigaw ni Kuya Rasmus.
Bumaling ulit ako sa ginagawa ni Kuya Remus at nakitang ang isang pares ng sapatos naman ang inaalisan nito ng mga putik. Nakita kong palapit na rin si Kuya Rasmus na may dalang isang tabo sa palagay ko'y ang tubig na iyon nasa kaliwang kamay naman nito ang mangga.
"Lumangoy ba 'yang sapatos mo sa putikan?" natatawang ani Kuya Rasmus na marahang binubuhusan ng tubig ang mga kamay ko.
Nang matapos ay sinimangutan ko lamang siya. "Stop teasing me, Kuya Ras." tinawanan lang naman niya ako at binigyan ng pamunas sa kamay.
"Here," abot naman sa akin nito ng mangga. Kinuha ko 'yon at nagpasalamat. Kinagatan ko ang mangga na binigay niya at masasabi kong matamis nga iyon at maniba na.
Mauubos ko na ang kinakain ko ng muling magsalita si Kuya Rasmus.
"Tumawag si Dad, kailangan na nating umuwi." napakunot ang noo ko dahil sa narinig.
"Why?" si Kuya Remus matapos isuot sa akin ang huling sapatos.
"Out of the country for business." seryosong aniya. Napatango na lamang si Kuya Remus at hindi na nagkomento pa. Naubos ko na rin ang mangga.
Pagkatapos mananghalian sa mansyon nina Maureen ay tumulak na kami pabalik sa mansyon nila Alrik. Nagpaiwan na rin naman si Maureen dahil napagpasyahan na rin ng ibang umuwi na lamang sa kani-kanilang bahay pero dadaan pa ulit sa mansyon ng Montemayor para kunin ang mga naiwang gamit don.
Mabilis lang din kaming nakarating sa mansyon at nagmamadaling umakyat para kunin ang mga gamit. Mamayang alas sais ng gabi ang flight nina Mama at Papa kaya kailangan naming magmadali. Ba-biyahe pa kasi sila patungong Vilmar nandoon kasi ang airport patungong manila.
Matapos kong iligpit ang ilang damit sa backpack ay sinuot ko na 'yon sa balikat at patakbong bumaba sa engrandeng hagdanan. Nasa baba na sina Kuya Remus at matamang naghihintay pero ng makita akong tumatakbo pababa ay agad ring napatayo at nanliliit ang mga matang nakatingin sa akin.
Napangiwi ako at tumigil para maglakad na lamang. Nang tuluyan akong nakababa ay agad na kinuha ni Kuya Rasmus ang dala kong backpack.
Nasa bulwagan na kami ng makita ko si Manang Delia. Mabilis ko itong nilapitan at marahang niyakap. "Alis na po kami, Nay Delia." natawa naman siya. "Mag ingat kayo, hija." Aniya sa mababang tono matapos tapik-tapikin ang aking balikat.
"Alrik, Alis na kami." si Kuya Rasmus 'yon matapos magpasalamat ni Kuya Remus dito.
Tumango naman siya at hinintay kaming makaalis. Kumaway pa sina Ate Ivy at Ate Rayah rito. Nang nasa daan na'y nagkasundo ang dalawa na pumunta sa bahay para makapagpaalam kina Mama at Papa. Minuto lang din ang lumipas ng makarating kami sa bahay. Naabutan namin sina Mama na nasa salas at prenteng naghihintay. Nakabihis na rin sila.
Mabilis akong lumapit sa mga ito at nagmano matapos humalik sa kanilang pisngi. Ganoon rin naman 'yung ginawa nina Kuya.
"Ma, Ihatid na namin kayo sa Vilmar."
"Huwag na. Rasmus, si Denise na ang maghahatid sa 'min. At saka, ihahatid niyo pa itong si Ivy at Rayah." si Papa iyon.
"Okay, Ma, mag iingat kayo..." nasabi na lamang nina Kuya.
Tumango naman sina Mama. "Analia, huwag matigas ang ulo. Makinig ka rito sa mga kuya mo." seryosong bilin naman ni Mama na ikinatawa ko.
"Yes po. Ingat po kayo," tango lang pareho ang kanilang sagot.
"Malapit na rin ang pasukan. Mamili ka na ng mga gagamitin mo, tama na muna sa gala. Asikasuhin mo ang mga dapat mong gagawin, Analia."
"Opo, Ma."
"At kayong dalawa, alam ko namang hindi niyo pababayaan itong bunso niyong kapatid pero sasabihin ko parin ito dahil kailangan. Bantayan niyo 'yang kapatid niyo baka kung saan-saan mag punta. Napakagala pa naman ng isang 'yan."
Matapos ang mahabang paalala at mga bilin ni Mama ay umalis na rin ang mga ito. Ganoon rin naman sina Kuya Rasmus at Kuya Remus para ihatid ang kanilang katipan.
Ako na naiwan rito sa mansyon ay umakyat na lamang sa taas para makaligo dahil nanlalagkit na ako. Matapos maligo at magpatuyo ng buhok ay nahiga na lamang ako sa kama. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
•••