CHAPTER 12

2822 Words
Isang buwan na ang nakalipas nang magsimula ang klase. Sa nagdaang isang buwan na iyon ay hindi na rin ako nakakasama kila Kuya Rasmus at Kuya Remus, dahil naging abala na rin naman sila sa kani-kanilang mga ginagawa. Kuya Rasmus is helping our father. He's managing the D'VEGAS Inc. Our company is located in manila. While, Kuya Remus is busy in his Masteral Degree at De La Salle University. Mom and Dad are still in the US for business matters. I heard Kuya Ras and Kuya Remus talking about the new investor. Dahil ako lang ang naiwan rito'y hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng pagkainip. Sabado ng tanghali habang gumagawa ako ng mga takdang aralin ay nakarinig ako ng marahang pagkatok mula sa labas. Kunot noo ko itong binalingan ng tingin at ng hindi parin tumitigil ay tumayo na lamang ako't pinagbuksan ang kung sinong nasa labas ng pinto. "Nay Juana..." "Oh, mabuti naman at binuksan mo na itong pinto. Hinatid ko lang itong tanghalian mo dahil hindi ka naman lumalabas, baka nagugutom ka na, Hija." "Aww! Maraming salamat po, Nay Juana, hindi ko po napansin ang oras abala po kasi ako sa ginagawa." "Walang anuman 'yon. Hala, sige na kumain ka na r'yan at baka malipasan ka pa ng gutom. Maiwan na kita rito." aniya pagkatapos ilapag sa gilid ng mesa ang dala-dalang tanghalian. "Opo, Nay Juana." Ilang minuto lang ay natapos na rin ako sa tatlong takdang aralin. Lumabas ako sa aking silid. Naisip kong mamasyal muna at hindi na rin naman ganoon kainit sa labas, di gaya kanina'y tirik na tirik pa ang araw. Walang tao sa salas kaya diretsyo na lamang akong lumabas sa b****a ng malaking pintuan. Huminto ako sa marahang paglalakad ng tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng maong na short ko. Mabilis ko itong kinuha at agad tinignan ang caller. "Kuya Remus..." " How are you, Analia?" "I'm fine. I just had finished my homeworks." "That's good. Where are you?" Marahang tanong niya sa kabilang linya. Base on what I've been hearing in the background he's probably in the car. "Nasa kuwadra. I'll just take a ride with Algar. My boredom is really testing my patience, Kuya." I said it with a pouting lips. Sino bang hindi? Magisa lang ako dito at ngayon na lang din ako nagkapanahong mamasyal. Ang masayang tawa ni Kuya Remus ang mas higit na nakapagpangiwi sa akin. "Just don't go somewhere far from the ranch, Analia. It's already two o’clock in the afternoon. Baka gabihin ka sa daan." Tumango lamang ako na para bang nakikita nito ang pagtango ko. "Kuya, When are you two going home?" " Now. Darating kami d'yan around five thirty. Not really sure," "Okay. Take care," Matapos nang paguusap namin ni Kuya Remus ay agad kong hinanap si Mang Alfonso para hiramin si Algar. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko rin siya, tamang-tama lamang dahil nakita ko itong katatapos lang paliguan si Algar. "Magandang hapon po, Mang Alfonso." Mabilis naman itong lumingon. "Analia, Nariyan ka pala." aniya. "Hihiramin ko po si Algar. Huwag kayong magalala nakapag paalam na po ako kay Kuya Remus." Hindi naman na ito nagtanong pa at inayos na lang ang kabayo at ng matapos ay marahan niyang tinapik si Algar dahilan para lapitan ko na ito at hinagod ang balahibo sa mukha bago nagpasyang sumampa sa likuran ng kabayo. "Mang Alfonso, Pakisabi na lang po kay Nay Juana na umalis po ako. Hindi ko po kasi siya nakita kanina nang lumabas ako. Kayo na lamang po ang magsabi, salamat po." "Oh, siya sige Hija. Ako na ang bahalang magsabi. Huwag kang masyadong lumayo." "Opo, Mang Alfonso." Mabilis kong kinabig ang tali ni Algar at walang pasubaling tinahak ang daan patungo sa rancho. Nasa kalagitnaan na ako ng rancho ng muling maalala ang isang makitid na daanan na nakita ko bago mag pasukan. Nang tinanong ko sina Kuya Remus ay ang sabi niya'y isa iyong shortcut papunta sa mansyon ng mga Montemayor kung saan ang dalampasigan na mismo ang makikita sa 'di kalayuan. Iyon na raw ang pinakamalapit na daan dahil ang dulo nitong rancho kapag kumanan ay ang nagsisilbing hati sa dalawang lupain. Kaya nang makarating ako sa dulo nitong rancho'y walang pagdadalawang isip kong kinabig ang lubid ni Algar at mabilis na kumanan. Hindi ko na inalintana ang masikip na daan at patuloy lamang sa pagpapatakbo ng marahan kay Algar. 'Di rin naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa dalampasigan. Dahil doon ay mas pinabilis ko pa ang pagpapatakbo kay Algar. Mula rito'y nasisilayan ko na rin ang likuran ng mansyon. Tumungo ako't pinagmasdan ang bumabaon na mga paa ng kabayo sa maputing buhangin. Nang nasa kalagitnaan na'y pinatigil ko na ang kabayo sa marahan nitong takbo at walang alinlangan na bumaba ako rito. The waves of the ocean is making It's way to wet my both limbs while I'm slowly walking at the shore. Batid kong uulan ngayon dahil sa rahas ng paghampas ng alon. Natutuwang pinapanood ko ang tubig dagat na yumayakap sa aking binti ngunit agad rin kumunot ang noo ng may isang pares ng mga paa akong nakita sa aking harapan. Unconsciously, I lifted my head up to see the face of that unknown person but to my surprised, Alrik's fiery eyes met mine. I swallowed hard with the way his dark hazelnut orbs intensely looking at me. Sa likod ng kabang nararamdaman ay nakuha ko pa ring magsalita ng hindi nauutal. "Hi! I'm sorry for bringing myself here without you even knowing, I didn't trespassed at your property. Do I?" Hindi naman talaga, wala naman kasing karatula na makapagsasabing 'No Trespassing Here' Tama O Mali? Sige lumusot ka pa! Lihim na lamang akong napangiwi dahil seryoso at mariin parin ang paninitig nito sa akin. "You're not supposed to be here, Lia. Uulan ngayon baka abutin ka pa sa daan." seryoso at masungit na aniya. Napatungo ako. "Sige, uuwi na lang ako..." wala na rin namang dahilan para magtagal pa ako rito at mukhang ayaw rin naman niya akong makita. Hindi ko rin naman alam na nandito pala siya. "Tsk! Come with me," "Huh?!" Gulat akong napatingin rito ngunit iritasyon lamang ang tanging nakikita ko sa matatapang niyang mga mata. "Ihahatid na kita sainyo. Iwan mo na lang rito ‘yang kabayo at ipapakuha ko na lamang ‘yan." Nang wala parin akong masabi sa kanya'y masamang tingin na lamang ang ipinukol niya sa akin at walang pasabing hinaltak ako sa palapulsuhan ko at marahang kinaladkad patungo sa batuhang hagdanan. Napapangiwi na lamang ako. Mabuti na nga lamang kahit medyo mabilis ang paglalakad niya'y hindi ako natitisod. Binitawan niya ang palapulsuhan ko ng makarating kami sa harapan ng kanilang mansyon. "Stay here." aniya at mabilis na umakyat sa malapad na hagdanan. Napanguso ako dahil sa pagmamadali nito. Nang hindi parin siya lumalabas ay umupo na lamang ako sa hagdan. I still don't want to go home. Kaya nga ako umalis doon dahil naiinip ako. Tapos itong si Alrik gusto na kaagad akong iuwi sa 'min. Napatingala ako ng makarinig ako ng nagmamadaling yabag mula sa taas. Kaagad rin namang umasim ang mukha ko ng makita ang susing hawak hawak ni Alrik sa kanyang kanang kamay. Tumaas lang naman ang kilay nito ng makita akong nakasimangot. "What?" kunot noong tanong nito. "Puwede bang dito na muna ako? Kaya nga ako umalis sa 'min dahil naiinip ako tapos iuuwi mo naman ako." Nakangusong ani ko rito. Totoo naman e... nagmamadali siya masyado. Ano, may lakad lang? Kaya hindi magkandaugagang paalisin ako. "Ang sabi ko, uulan hindi ba? Kaya hindi ka maaaring magtagal rito." tinignan ko naman ang langit. Tama nga siya medyo nagkukulay abo na ang langit. Anong oras na ba? Kani-kanilang ay mainit pa tapos ngayon kumukulimlim na. Pati ba naman ang panahon ay pinagbabawalan akong pumunta rito? Muli ko siyang nilingon at naroon parin ang seryosong tingin nito mula pa kanina ngunit hindi ko na 'yun pinagtuunan pa ng pansin. "May sasakyan ka naman. Ayos lang kapag inabot ng ulan sa daan, hindi naman tayo mababasa." nangingiting saad ko rito. Nagpakawala naman siya ng buntonghininga na para bang problemadong-problemado pa. Mariin ako nitong tinitigan at kalauna'y sinamaan ng tingin. "Fine! Get inside and wait for me at the living room. I have to call Ras to let him know that you're here. Ang tigas ng ulo mo. Pagaalalahanin mo pa ang mga kapatid mo." Hindi ko na lamang pinansin ang mga huling sinabi niya. Sa halip ay matamis ko parin itong nginitian. "Don't worry, Kuya Remus knew it. Mamaya pa makakauwi ang mga 'yon." Isa na namang pagkasama-samang tingin ang ipinukol niya sa akin at hindi na nagsalita pa. Umakyat na lamang ako sa hagdanan at walang pagaatubiling pumasok sa loob ng mansyon at kaagad na tinahak ang daan patungo sa salas. Baka magbago pa ang isip ng masungit na 'yon at baka iuwi na talaga ako sa 'min kapag hindi pa ako nanahimik. Mukha pa namang kaonti lang ang pasensiyang inilalaan n‘on para sa akin. Ang bilis naman kasi niyang mairita, wala pa akong ginagawa... sinusungitan na kaagad ako, pero sa iba batid kong hindi naman siya ganoon. May pagtatakang nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng mansyon. Bakit tila yata tahimik ang mansyon? Nasaan ang mga kasambahay at si Manang Delia? Sa ganoong sitwasyon ako naabutan ni Alrik. "Where is Manang Delia?" taka pa ring tanong ko rito. "Province—" "At ang ibang mga kasambahay?" putol ko rito. "They are not staying here. Unlike, Manang Delia, Dahil matagal na siyang naninilbihan rito. Umuwi lang iyon dahil nagkasakit ang kanyang apo at gusto niyang siya mismo ang mag aalaga sa bata." he seriously said after putting his remote keys at the rug beside the expensive large vase. Tumango-tango lamang ako rito. So he's alone. Buti nakakatagal siya ritong magisa. Natitiyak mo bang narito lang siya buong maghapon? Eh mukhang madaling madali pa nga para lang paalisin ka! "Uh, does she visits you?" I sounded like a jealous girlfriend asking for an answer, pero naalala kong wala nga pala akong karapatan. Naglakas-loob akong mag-angat ng tingin rito dahilan para mapuna ko ang pagtagilid nito sa kanyang ulo at mariing nakatingin sa mga mata ko. His arms is already crossed over his chest. "Who?" Alrik's answered after he licked his lower lip. Napangiwi ako dahil sa tinuran niya. "Uh, Maureen... may iba pa ba?" Pinagtaasan lang naman niya ako ng kilay. Umirap pa talaga ang masungit na ito. "Why would she be?" Nagkibit-balikat na lamang ako. "You two are very close with each other so I assumed your Maureen's always visiting you here.” I can feel the sarcasm in my voice. Ayaw ko man ipahalata iyon at iyon parin ang lumalabas sa bibig ko. Alrik's breathed out loudly as if he really wants me to hear him sigh. "She's not mine, Lia, and stop calling Maureen by just her name she's way older than you. You should call her ‘Ate’ " "That's okay!" Yeah, yeah! "Should I call you, Kuya?" Hindi ko alam kung bakit binalingan niya ako ng napakasamang tingin at magkakasalubong na kilay. Ako na lamang din ang umiwas at binaling na lang ang mga mata sa kung saan. "On the second thought, I don't wanna call you that way. What's your real name, by the way?" Again, hindi na naman niya ako sinagot sa halip ay umikot lamang ang mga mata nito at walang pasabing tinalikuran lamang ako. That man! Really has a mood swing! Hindi ko na nga pinapahalatang hanggang ngayon kinakabahan parin ako pag napapalit sa kanya, tapos ito siya nag susungit parin. Naabutan ko ito sa kusina habang gumagawa ng ham and cheeze sandwich at may kasamang cabbage na hiniwa sa malilit na size. Nang matapos ay ininit na ang ginawang sandwich sa microwave at sinunod naman niya ang pagtitimpla ng orange juice. Lumapit ako rito at nagtangkang umupo sa isang high chair habang pinapanood siya at nang tuluyang makaupo'y sakto namang nilapag nito ang platitong pinaglagyan ng sandwich ganoon rin ang ginagawa niya sa orange juice. "Eat." tipid na aniya at mabilis akong tinalikuran. "Ah, saan ka pupunta?" "I'll just take a quick shower." parati na lamang seryoso ang isang 'to. Samantalang sa iba'y halos mawala na ang mga mata dahil sa kakatawa. Baka nakakalimutan mo, ikaw lang naman itong feeling close! "Uh, alright." para saan pa't nagtatagal ako rito? Eh, hindi ko naman siya nakakausap ng matino. "Ahm, uubusin ko lang 'to at uuwi na rin ako. Take your time hindi na ako magpapahatid pauwi. Okay lang ako," Oh, He just cleared his throat then voila! Here's the very unfamous dramatic exit comes to life again. Sunod-sunod ko na lamang kinagatan ang sandwich para mabilis iyong maubos. Hindi ko na hihintaying matapos maligo si Alrik para hindi na rin niya talaga ako maihatid pauwi baka kasi siya pa ang maabutan ng malakas na ulan sa kalsada. Kanina kasi ng tuluyang makalabas rito sa kusina si Alrik ay naisipan kong mag browse sa isang news site at napagalaman kong may paparating na bagyo pala ngayon. Bibilisan ko na lang ang pagpapatakbo kay Algar pauwi para sakali mang abutin ng ulan ay malapit na ako sa mansyon. Hinugasan ko muna ang platito at baso at inilagay iyon sa lagayan. Dinampot ko ang cellphone sa island counter at basta na lamang itong ibinulsa. Sa mabibilis na hakbang ay tinahak ko ang pinto palabas ng mansyon. Sinarado ko muna ang pinto at ni-locked bago lakad takbong bumaba sa batuhang hagdanan patungo sa dalampasigan. Pinagmasdam ko rin ang langit at napangiwi na lamang ng sobra na nga ang pagdilim n‘on. Napapailing na lang na binalikan ko ang kinaroroonan ni Algar pero ganoon na lamang ang pagtataka ng wala na akong maaninag na kahit anino ng kabayo. Nilibot ko na rin ang paningin pero wala parin akong makita. Napapakamot sa ulong binalingan ko ang mansyon, huwag niyang sabihing nauna ng nakauwi si Algar? Nararamdaman ko na ang unti-unting pagpatak ng ulan ngunit nanatili parin ako sa kinatatayuan pero napasimangot na lang na walang pasabing bumuhos ang napakalakas na ulan. Ano 'yon nagbigay lang ng abiso bago magpabagsak ng napakalakas na ulan? Naiinis na napatakbo na lamang ako paakyat sa mabatong hagdanan at mabibilis na hakbang na tinakbo ang harapan ng mansyon. Basang-basa na ako ng marating ang bulwagan ng mansyon. Tumingala ako't nakitang nakatayo na roon si Alrik habang nakahawak ang mga kamay nito sa bewang at salubong ang mga kilay. Nakitaan ko rin ng galit ang matatapang nitong mga mata ngunit agad rin iyong nawala. Napayuko na lamang ako. s**t! Ito na nga ba ang sinasabi ko, maaabutan at maaabutan parin ako ng ulan. Isang marahas ngunit may halong pag iingat na haklit sa braso ko ang muling nakapagpatingala sa akin. Hindi ko namalayan ang paglapit nito sa akin. Hindi ko na tinangkang sawayin ang marahas ngunit maingat niyang pagkaladkad sa akin papasok ng mansyon. Wala siyang pakialam kung mabasa man namin ang marmol na sahig. Basta patuloy lang ang paghila nito sa palapulsuhan ko paakyat sa hagdan. Nakarating kami sa ikatlong palapag ng walang imikan. Marahas na binuksan ang pinto at muli na namang hinila ako. Walang magawa na pinagtuunan ko na lang ng pansin ang suot kong basang basa na at tumutulo pa ang patak ng tubig sa laylayan ng off shoulder na blouse at maong na shorts. Napangiwi ako ng mapuna ang suot na itim na brassiere na bumabakat na sa puting blouse na suot. Muling napabaling ang mga mata ko ng binitawan ni Alrik ang aking palapulsuhan at nagmamadaling pumasok sa walk in closet. Nang lumabas ay may hawak-hawak na ito sa kaliwang kamay. Binaba nito ang mga iyon ng hindi ako tinitingnan at agad na pumasok sa bathroom at mayamaya lang rin ay lumabas na ito. Nang tumingin ito ay masama parin ang mga matang ipinupukol nito sa akin. Lihim na lang akong napapalunok parang tinatambol ang puso ko ng bumaba ang mga matang nakatingin kanina sa mga mata ko. Nagtagal ang tingin niya sa suot ko. Kahit sobrang lakas ng ulan ay narinig ko parin ang malutong nitong pagmumura. Napaatras pa ako ng lumapit siya sa akin. Yumuko ito ng ilang pulgada na lang ang layo at mabilis na kinuha ang nakatuping itim na t-shirt at isang boxer short sa kama. Seryoso parin niyang iniabot sa akin ang mga iyon. Nang tignan ko siya'y muli na namang napalunok nagi-igtingan ang kanyang panga at mariin paring nakatutok ang mga mata sa akin. "Maligo ka at suotin mo 'to." marahan ngunit malamig nitong ani na hindi man lang iniiwas ang seryosong mga matang nakatingin sa akin. Muli akong napalunok. "P-Paano ka?" hindi ko alam kung bakit nanginig bigla ang bibig ko o dahil kanina pa ako basa at nilalamig na. "Damn! Just go to the f*****g bathroom and take a shower, so, you won't get sick!" •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD