CHAPTER 13

1775 Words
Unconsciously, I stepped back because of Alrik's thunderous voice and I was probably trembling at his suddened outburst. I didn't know he was this scary when he's angry. Pigil hiningang tinungo ko na lamang ang bathroom. Medyo lumayo pa ako rito at nang malapit na sa bathroom nito ay patakbo akong pumasok sa loob at mabilis na sinarado ang pinto napangiwi pa ako dahil napalakas ang pagsara nito. Unti-unti akong napasandal sa hamba ng pinto. Kahit hindi ko na siya nakikita itong puso ko'y ayaw pa ring kumalma. Gusto kong maiyak dahil sa pangbubulyaw ni Alrik pero pinigilan ko dahil alam kong kasalanan ko rin naman. Kung hindi sana ako nagpumilit at nanahimik na lamang sa bahay ay hindi ganito ang aabutin ko rito. Buntonghiningang umayos ako sa pagtindig at nanglalamyang lumapit sa isang parte kung saan naroon ang shower habang isa - isang tinatanggal ang mga damit na suot at ilang sandali pa'y gamit ko na ang shampoo at mabangong sabon ni Alrik. Hindi ko na inalintanang panglalaki ang mga ginamit ko sa paliligo. Aarte pa ba ako! Mamaya niyan masigawan pa ulit ako! Ilang minuto lang ay tapos na akong maligo. Lumapit ako sa sink ngunit agad ring natigilan ng maalalang hindi ko pala nadala ang mga susuotin ko. Dahil sa gulat ko sa pagtaas ng boses ni Alrik ay nabitawan ko iyon. Damn! Analia, napakatanga mo! Inis akong napapadyak at basta na lamang hinablot ang tuwalyang nakasabit at ipinulupot ko iyon sa aking basang katawan. May pagaalinlangang pinihit ko ang siradura at pikit matang binuksan ang pinto ng bathroom. Siguro naman ay lumabas na si Alrik. Dahil sa nangyari kanina'y parang ayaw ko muna itong makita. Hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako sakanya. Sana tumila na itong ulan para makauwi na ako sa 'min at siguradong nasa bahay na rin no'n sila Kuya Remus at Kuya Rasmus. Pero kung nasa bahay na nga ang mga iyon... bakit hanggang ngayon wala pa akong natatanggap na tawag mula sa kanila? Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong wala na siya sa loob ng silid. Mabuti na lang. Nagmamadali akong lumapit sa kama para kunin ang mga damit. Maayos at nakatupi na ulit ang mga ito. Marahil ay inayos niya bago lumabas. Magbibihis na sana ako ng muli na namang matigilan. Damn! t-shirt at boxers short nga lang pala ang nandito! Nabasa lahat pati na rin ang underwear at brassiere ko. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang suotin na lamang ang t-shirt at boxers short. Pinagmasdan ko ang sarili sa life size mirror. Lampas kalahati ng mga hita ko ang t-shirt ni Alrik habang ang boxers short naman ay hindi na halata dahil natatakpan na ito ng damit. Hindi rin naman halata na wala akong suot na brassiere dahil itim naman ang kulay nito. Matapos kong suklayan ang aking buhok ay nagpasya na lamang akong bumama para doon na lamang hintayin ang pagtila ng malakas na ulan. Nasa dulo na ako ng hagdan nang maaninagan ko ang isang pigura sa 'di kalayuan, si Alrik mukhang may kausap ito. Hindi ko 'yon marinig kaya marahan at unti - unti akong lumapit. Nakatalikod siya sa banda ko kaya inisip kong hindi niya ako mapapansin. Nang tuluyang makalapit ay malinaw ko na ring naririnig ang sinasabi nito sa kausap mula sa kabilang linya. "Mukhang malabong tumila ang ulan, Ras. Kung hindi kakayanin ay dito na lang magpapalipas ng gabi ang kapatid mo." seryosong ani niya habang nakapameywangan pa ito. "Yeah, ako na ang bahala. Bukas na bukas rin ihahatid ko siya sainyo." Matapos niyang sabihin 'yon ay bigla na lamang itong lumingon kaya agad na nagtama ang aming paningin. 'di ko maiwasan ang mapalunok dahil sa nahuli niya akong nakikinig rito. Seryoso lang naman niya akong tinignan at muling nag salita. "She's here. Do you want to talk to her?" saglit lang din ay hawak ko na ang kaniyang cellphone. Dinala ko 'yon sa 'king tenga at walang pag aalinlangang binuka ko ang bibig upang magsalita. "Kuya Ras..." marahang ani ko rito. Dinig ko naman ang pagbuntonghininga nito sa kabilang linya kaya napangiwi na lamang ako. "Analia, diyan ka na magpalipas ng gabi at delikado sa labas kung uuwi kapa. Malakas ang ulan dahil sa bagyo, 'wag matigas ang ulo." Walang pakundangan na sabi ni Kuya Rasmus ni hindi man lang niya nga ako tinanong kung ayos lang ba ako? Basta na lamang nagbilin. Lihim na lang akong napairap. "Nakikinig kaba, Analia? 'wag mong ipagpilitan ang gusto mo. Wala ka riyan kung hindi ka umalis rito sa bahay. Kami na ang bahala magsabi ni Remus kanila Mama." Sunod sunod na aniya na para bang ayaw akong bigyan ng pagkakataon upang makapagsalita man lang. Sa huli ay napabuntonghininga na lamang ako at wala sa loob na sinang - ayunan si Kuya Rasmus. Wala na rin naman akong magagawa kaya hindi ko na rin ipinagpilitan. Tutal ay kasalanan ko rin naman at isa pa pinagalala ko pa sila. Nakayukong ibinalik ko kay Alrik ang cellphone nito at walang kibong naglakad patungo sa sala at marahang umupo sa pang isahang upuan. Nakayuko parin ako nang mamataan ang isang pares ng paa sa harap ko. Tumingala ako at ang seryoso pa ring mukha ni Alrik ang nakatunghay sa akin. "Follow me." maiksing aniya. Tumango na lamang ako at baka bugahan na naman ako nito ng nagngangalit na sigaw. Huh! Muli akong umakyat sa hagdan dahil doon naman siya patungo. Wala pa ring imik. Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng pinto kung saan katapat pa ng isa pang pinto. Nang buksan niya 'yon ay nakumpirma ko ang hinala ito nga ang kuwartong ginamit ko dati. Pumasok na rin ako sa loob ng sabihin nitong dito ako matutulog. Bago siya umalis ay sinabi pa nitong tatawagin na lang ako pag handa na ang hapunan. **** Marahan at tahimik lang akong kumakain. Nasa harapan ko si Alrik at tahimik lang din. Hindi ako sigurado kung ramdam niya ba ang palihim na pag sulyap ko rito... Kanina no'ng tinawag ako nito dahil kakain na nga raw ay mabilis din akong sumunod, baka kasi mapagalitan na naman ako. Pero tama rin naman kasi siya kasalanan ko, na istorbo ko siya sa mismong pamamahay pa nila. Sino nga ba ang matutuwa? Wala naman diba. Lalo pa't hindi naman kami malapit sa isa't isa, e, sila Kuya lang naman ang kaibigan niya... nakikisama lang siya at nag mamagandang loob, kahit na ayaw niya o napipilitan lang kasi kapatid ako ng kaibigan niya. Nang makitang ubos na ang pag kain sa plato ni Alrik ay binilisan ko na rin ang pag subo ng akin. Halos mabulunan na nga ako dahil kahit hindi pa nauubos ang nasa loob ng bibig ko ay nilalamanan ko na naman 'yon ng panibago. "Mag dahan - dahan ka nga, Lia" masungit at mariin nitong sabi. Lihim akong napangiwi at ibinaba ang kutsara na may lamang kanin at ulam na sana'y agad ko na namang isusubo. Kinuha ko ang basong may lamang tubig at marahan 'yon ininuman. "Sorry." nasabi ko na lang. Nasa kuwarto na ako at hanggang ngayon hindi pa rin tumitila ang ulan. Sa totoo lang mas lalo pa itong lumalakas at sinasabayan pa ng kulog at kidlat. Nakakatakot dahil ang liwanag ng kidlat ay tumatama sa malaking bintana ng kuwarto kahit nakatabing na ang makapal na kurtina. Hindi ko na lamang inintindi 'yon at marahan na lamang humiga at tinakluban ng kumot ang buong katawan pati na rin ang ulo ko at pumikit na para matulog. And guess what, I really don't have a choice but to endure being stranded here with that masungit guy. *** Humahangos at naalimpungatan akong napabangon sa malambot na kama nang marinig ang malakas na kulog mula sa kalangitan. Napasigaw pa ako ng makita ang sobrang liwanag mula sa labas ng bintana kasabay ng malalakas na kulog. Sa takot ay hindi na ako nakatiis. Basta na lamang akong tumakbo palabas ng kwarto at nagmamadaling kinatok ang pintuan ni Alrik. Kakatok pa sana ako nang bumukas iyon at inuluwa ang seryosong mukha ni Alrik. Kunot ang noo nitong nakayuko at nakatingin sa akin. Bigla akong dinapuan ng hiya. Mukhang naalimpungatan pa nga ito ng dahil sa akin. Magulo pa ang kanyang buhok. 'di sinasadyang bumaba ang aking tingin, ang mabato at magandang katawan ang agad na bumungad sa aking paningin dahil nakatopless lang siya. "What is it?" seryosong ani nito kaya muli akong napatingala rito. "Ahm... Puwede bang dito na lang ako matulog?" nakayukong sabi ko pa rito. Kinakabahan ako pero hindi ko na iyon ininda kesa naman mag solo ako sa kabilang kwarto e sa takot na nga ako. Hindi siya sumagot kaya naman lihim akong napangiwi. Pumayag ka na please... "Takot ako sa kulog." ungot ko pa. Nanliit ang mga mata niya na para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. Muling kumunot ang noo niya ng mapatingin sa ibaba kaya napatungo rin ako. Napangiwi at napapikit ako sa nakita dahil sa pagmamadali ay hindi na pala ako nakapagsuot ng tsinelas. "Get in," mayamaya'y ani nito. Hindi na ako naghintay na mag dalawang sabi pa ito at nagmadali na agad akong pumasok sa loob. Tanging ang lamp na lang sa gilid ang nakabukas kaya medyo dim na ang silid pero kita parin do'n ang mahabang sofa. Lumapit ako sa sofa at do'n umupo. "Kahit dito na lang ako matulog." baling ko rito. "No. Dito ka sa kama ko matutulog." seryosong saad nito matapos i - lock ang pinto. Umiling naman ako. "Hindi. Ayos lang ako dito. Gusto ko lang naman ng may kasama." kita ko pang nagtiim bagang ito kaya lihim na naman akong napailing. Nagalit ko na naman yata. Lumapit si Alrik kung nasa'n ako kaya mabilis akong napaiwas ng tingin rito. "Ako ang matutulog d'yan. Do'n ka sa kama ko." Sa laki niyang 'yan hindi siya magkakasya rito kahit mamaluktot pa siya hindi talaga kakasya at mahihirapan lang syang makatulog. Hindi siya magiging komportable. "Ayos nga lang ako. Dito na ako matutulog, Alrik." pilit ko pa- Muntik pa akong mapatili ng walang pasabing binuhat niya ako at dire - diretsyong lumakad papunta sa higaan niya. Marahan niya akong nilapag sa kama at pagkatapos ay tumayo ng tuwid ng nakapamaywang. Kunot na kunot ang noong nakayukong nakatingin habang dikit ang labing parang pinipigilan ang sariling makapag sabi ng hindi maganda. "Ang tigas ng ulo mo." sabi na lang nito at tumalikod na. "Pa'no kung tabi na lang tayo? Malaki naman 'to-" Bigla itong lumingon at masamang tingin agad niya ang sumalubong sa akin. Huminga pa nga nang malalim na para bang pikon na pikon na. "Isa. Analia, matulog na." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD