After I heard the sound of a ringing bell for the last period in the afternoon. Immediately, I gathered all the things that has been scattered on my desk and quickly putted it back inside my bag.
Nang matapos ay mabilis ko rin 'yon isinukbit sa magkabilang balikat at agad ng dumiretsyo sa pintuan ng class room.
"Analia, wait up!" agad akong natigilan at muling bumaling sa likod para tignan ang taong tumawag sa pangalan ko.
Hinintay ko na lamang itong makalapit bago nagtatakang magtanong rito. "Bakit?" ngumiwi naman siya na para bang hindi inaasahan ang aking nasabi.
"Mukhang nakalimutan mo na. Friday ngayon at pupunta tayo sa falls. Didn't I tell you the other day?" takang ani ni Bliss.
Ako naman ngayon ang napangiwi. Nakalimutan ko nga talaga 'yon. Napakamot na lamang ako sa aking pisngi.
"I forgot about that, Bliss. I don't have spare clothes with me. Maybe, I'll come with you next time." I apologetically told her.
Ngumiti naman si Bliss na sa tingin ko'y naintindihan naman ang aking sitwasyon.
"Well, It's okay. See you on monday, Analia." masayang aniya at nauna ng lumabas ng classroom.
Nang makalabas ako sa bakal at mataas na gate ng school agad ko rin nakita ang itim na SUV sa 'di kalayuan. Marahan akong lumapit rito at nang makita ang taong nasa labas at nakasandal sa hood nito'y agad akong napangiti at mas binilisan pa ang paglalakad.
Maagap kong binalot ng mahigpit na yakap si Kuya Remus na ikinatawa naman nito.
"Kailan ka pa dumating, Kuya Remus?"
Kinuha niya ang bag ko. "Kaninang tanghali." maikling aniya.
Tumango naman ako, "Kuya Ras?"
"Nasa mansyon. Bago ako pumunta rito'y pinapaliguan no'n si Algar." Ani Kuya matapos buksan ang passenger seat ng SUV.
Mabilis lang ang naging biyahe pauwi sa mansyon dahil hindi naman huminto si Kuya Remus. Mukha pa nga itong nagmamadali e.
"May lakad ba kayo ni Ate Rayah? Mukhang nagmamadali ka yata." 'di napigilang ani ko rito.
Lumingon naman siya saglit matapos ihinto ang sasakyan sa driveway ng mansyon.
"Sort of." sagot pa nito.
"Huh?!"
"Sandali lang ako do'n at uuwi din kaagad." natatawang aniya.
Napatango naman ako at nauna ng bumaba sa sasakyan. Iniwan ko na do'n si Kuya Remus dahil mukhang aalis naman na iyon. Pumasok na ako sa loob ng mansyon. Wala naman akong naabutan sa sala kaya naman nagtuloy - tuloy ako sa pag akyat ng hagdan. Nang makapasok sa loob ng kwarto ay agad kong nilapag ang bag sa side table at pasalampak na umupo sa upuan para tanggalin ang sapatos. Nagpahinga lang saglit bago nagtungo sa bathroom para maglinis ng katawan.
It's already fast thirty minutes when I got out of the bathroom. Ang kaninang pagha-half bath lang sana ay iniligo ko na. Nagpatuyo lang ako ng buhok gamit ang blower at naglagay ng konting pulbos at liprint pagkatapos ay basta na lamang akong humugot ng susuotin sa cabinet. Wearing a light yellow button front crop cami top and a terno short with belted ribbon. I also put my flip flops after that and decided to leave my room. Siguradong may nakahanda ng merienda sa kusina kaya do'n agad ako dumiretsyo.
Dire diretsyo akong pumasok sa kusina na hindi man lang napansin na may tao pala do'n bukod sa akin. Kung hindi pa nagsalita si Kuya Ras ay hindi ko iyon mapapansin. Lalo naman ang kasama nito. Basta na lamang kasi ako pumasok at nagbukas ng refrigerator para kumuha ng drinks.
"Analia, gusto mo bang sumama bukas?" ang bungad ni Kuya Ras. Natigilan ako saglit at takang tumingin rito.
"Where?"
Tumingin ito sa isang banda kaya napatingin din ako do'n pero mabilis ko din nabawi ang tingin ng mapag - sino ang taong nakaupo sa isa pang upuan. Bakit siya nandito? Sa loob ng tatlong buwang hindi ko siya nakita magmula no'ng huling punta ko sa kanila'y masasabi kong parang nadagdagan ang pagiging gwapo nito sa hindi ko malamang dahilan. Ang seryoso nitong mga tingin ay mas lalo pa yatang nagpakaba sa akin. Ewan ko, sa t'wing nakikita ko siya ay bigla na lang kumakalabog ang puso ko. At tila naman nagwawala iyon pag sobrang lapit ko sakanya. Pero kahit hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong 'yon ay gusto ko parin syang nakikita at kung nand'yan na saka naman ako tutubuan ng 'di mapaliwanag na kaba. Normal pa ba 'to?
"Birthday ni Yuan bukas. Baka gusto mong sumama." hindi pa nga ako nakakasagot ay bigla namang sumulpot si Kuya Remus.
"Sumama ka na. Wala ka rin namang kasama rito bukas." si Kuya Remus iyon. Nakauwi na pala 'to.
"Ah..." wala akong masabi.
"Ando'n bukas sina Rayah at Ivy." gatong pa ni Kuya Remus.
Hindi agad ako maka - oo kila Kuya dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko pag kasi um - oo ako siguradong nando'n din ang Maureen na iyon. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa babaeng 'yon. Umupo muna ako sa tabi ni Kuya Remus habang nag iisip ng kung sasama ba ako. Pero no'ng mag angat ako ng ulo ay ang seryosong mga mata kaagad ni Alrik ang natagpuan. Bumaba ang nanliliit nitong mga mata sa aking labi. Napaiwas ako rito at wala sa sariling nakagat ang ibabang labi ko. Iyon na naman kasi, e!
"Sige na nga." nasabi ko na lang para naman pagtakpan ang muling namuong ka ba.
Dapat na yata akong mag patingin sa heart center.
•••