Nagpaiwan ako rito sa kusina nang mapagpasyahan nilang lumabas para makipaghalubilo sa mga bisita. Nakaupo parin ako at nag iisip kung susunod na ba ako sa kanila. Naghintay pa ako nang ilang sandali bago tumayo at mabilis na lumabas sa kusina. Hindi ko agad naalala na p'wede nga palang sa likod na lang dumaan pero dahil nasa gitna na rin naman ako patungo sa sala ay tinuloy-tuloy ko na.
Anong oras na rin kaya feeling ko mas dumarami pa ang tao rito. Mas lumala na rin ingay na nanggagaling sa sound system maging ang halos lahat nang mga bisita ni Kuya Yuan ay hindi na rin mapakali kakasabay sa tugtog. Halatang mga lasing na rin ang mga iyon dahil mas nagiging wild na sila kahit ang mga babae'y gano'n din.
Sa sobrang ligalig na nga ng mga iyon ay nagkakabanggaan na sila. Mayroon pang babaeng sinasayawan ang isang lalaki na sa tingin ko'y kaedaran lang nila Kuya. Halata pa nga sa mukha ng lalaki na nag i-enjoy iyon dahil nakangisi ito na animo'y naka jockpot sa maligalig at wild na babaeng nagsasayaw. Pagiling-giling kasi ang babae habang nakahawak sa dibdib ng lalaki naroon pa nga na tumalikod ito at tila ginawang isang pole dancing ang tuwang-tuwang lalaki na nakahawak pa sa bewang niya mula sa likod.
Napangiwi na lang ako at mabilis nang lumakad para makalabas na sa sala dahil mukha na iyon pinamumugaran ng mga bisitang tinatangay na patungo sa kung saan dahil sa ispirito ng alak. Ilang beses pa akong naitulak nang hindi sinasadya dahil sa mga bisitang maliligalig. Ang ilan pa nga ay naapakan pa ako, hindi na lang ako umimik kahit pa masakit na ang mga paa ko.
Para akong nabunutan nang tinik sa dibdib ng mabuksan ang sliding door at makalabas sa sala. Agad kong hinanap sina Kuya Remus kaya muli na naman akong naglakad. Kahit rito sa may pool nila Kuya Yuan ay marami na ring bisita at masayang naglulunoy sa tubig. Ang iba naman ay nakaupo sa gilid at may hawak na basong may lamang alcohol drinks. Ang iba naman ay sa mga nakahandang pagkain nakatuon habang kumukuha ng mga finger foods gaya nang mga chips na p'wedeng kainin pakonti-konti.
Nakarating ako sa dulo at do'n nakita sina Kuya Ras. Mabilis akong lumapit sa mga ito. Napatigil pa nga si Kuya Remus sa tangkang pagtayo mula sa upuan ng makita nila ako na parating. Mayroon na ring bote ng mga mamahaling inumin sa kanilang mesa. Mukhang kanina pa sila nag umpisang mag inuman dahil sa mga basyo nang boteng wala ng mga laman.
"Mabuti naman at naisipan mo nang pumunta rito, Analia. Pupuntahan ka na sana nitong Kuya Remus mo."
Agad na bungad sa akin ni Ate Rayah na nasa tabi naman ni Kuya Remus. Napansin kong medyo namumula na ang mukha niyon dahil siguro sa ininom nito.
"Kaya nga po. Natagalan lang po ako sa loob dahil sa dami ng bisitang nagkalat."
Tanging nasabi ko at marahang umupo sa tabi ni Kuya Rasmus. Sa tabi na lamang kasi niya ang may bakanteng upuan.
"Sa sala ka ba dumaan?" kunot noong tanong naman ni Ate Ivy.
"Opo. Nawala kasi sa isip kong dumaan sa likod e."
"Oh, my! Ang dami pa namang tao do'n. Ayos ka lang ba?"
Biglang singit naman ni Maureen na mukha pang concern na concern na may pag aalalang nakatingin sa akin. Hindi ko napansin na katapat ko pala siya at katabi parin nito si Alrik na seryoso lang nakatingin at nakikinig. Parang gusto yatang umikot ang mga mata ko. Ayaw ko man sabihin pero, she looks like an eye sore. Mukha syang mabait na p'wede na ngang maging anghel dahil sa hinhin nitong kumilos at tila mga kalkuladong galaw na para bang ayaw nitong magkamali. Pero hindi ko parin mapigilan ang sarili kong h'wag mag isip nang hindi maganda rito.
"I'm okay,"
"Mabuti naman kung gano'n. Here oh," sabay abot nito nang fries at four season drinks."
"Thanks,"
Nasabi ko na lang. Hindi ko naman dapat 'yon iinumin pero nang mapabaling ang tingin ko sa tabi nito'y dahan-dahan ko na lang iyon kinuha at ininom. Ba naman kasing tignan ako na para bang pinagbabantaan. Umangat naman ng kaonti ang taas nang labi nito. Para pa ngang napangisi siya na bigla rin namang binalik sa pagiging seryoso ang ekspresyon ng mukha.
***
Alas dos na nang madaling araw. Ang ilan sa mga bisita ay nagsisipag uwian na. Ang iba naman ay mukhang nakatulog na dahil sa kalasingan. Pero marami parin naman ang nagkakasayahan. Tumigil na ang mga iyon sa paglulunoy sa tubig at kumain na lamang at muli ring nagpakalunod sa alak. Parang walang kasawaan.
Ang mga kasama ko naman rito sa mesa ay pakonti konti na lang kung mag inom. Mukha silang may mga sariling mundo lalo na sila Kuya Ras at Kuya Remus, kausap kasi ng mga ito ang kanilang girlfriend. Si Kuya Yuan naman ay ngayon na lang ulit nakabalik rito dahil busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala. At itong si Maureen naman ay halos nakasandal na kay Alrik. Mapula na ang mukha no'n at mapungay na rin ang mga mata. Si Alrik naman ay seryoso lang at minsan tumatawa, kausap nito si Kuya Yuan.
Dahil mukha namang hindi nila ako mapapansin ay hindi na lamang ako nag paalam para mag pahangin. Dinala ako ng mga paa ko sa likod kung saan mayroong pathway na may mga dilaw na ilaw sa gilid-gilid no'n. Hindi naman malayo ang narating ko dahil naaninag ko agad ang garden nila rito.
Sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan ay natanaw ko ang isang pahabang upuan na napapaligiran ng mga halaman. Lumapit ako do'n at agad na naupo pero bigla ring napaangat nang maramdaman ang lamig no'n. Bakal pala ang upuan na ito kaya ramdam agad ang lamig. Binalewala ko na lang at muling umupo at sumandal. Mabilis ko ring nayakap ang sarili dahil sa lamig nang sandalan, naka-expose pa naman ang likod ko.
Halos kalahating oras na rin yata akong nakaupo rito nang may marinig na marahang nag uusap. Tiyak kong nasa malapit lang iyon. Hindi ko man marinig ang pinag-uusapan nila ay napansin kong pamilyar ang mga boses ng mga iyon. Na-curious ako kaya naman ay tahimik akong tumayo at sinundan kung saan nanggagaling ang mga boses nang nag-uusap.
Hindi naman ako nahirapang hanapin ang mga ito dahil agad ko rin silang nakita kahit pa nga nakaharang ang matayog na halaman na halatang dinisenyohan. Nang tignan ko ulit ang mga ito'y para akong biglang natuod sa kinatatayuan ko, ang nakatingkayad at nakatalikod na si Maureen ang agad kong nakita. Parang sing bilis nang kidlat nitong hinalikan si Alrik na mukha pang nagulat. Nagpatuloy sa marahang paghalik si Maureen, nakuha pa nga nitong ikawit ang mga kamay sa batok ni Alrik na para bang ayaw tigilan ang mga labi nito.
Parang tinatambol ng kung ano ang dibdib ko dahil sa naabutan ko. Hindi ko maipaliwanag kung ba't ako nakakaramdam ng ganito. Para akong nasasaktan dahil sa nakikita na hindi naman dapat. Kita kong hinawakan ni Alrik ang bewang ni Maureen at marahang nilayo.
"I like you..."
Walang ingat akong napaatras nang marinig ko iyon mula sa bibig ng babae. 'Di sinasadyang nakagawa ako ng ingay kaya ang kanilang atensyon ay agad nabaling sa kung nasaan ako.
Domoble pa nga ang kabog ng dibdib ko nang magtama ang mga mata namin ni Alrik. Hindi ako sigurado kung nakita nga ako nito pero dahil sa liwanag ng buwan ay kita kong napatiimbagang ito.
•••