CHAPTER 17

1143 Words
Nagmamadali at walang pag iingat akong umalis sa malalagong halaman na pinagtaguan ko nang maaninag ang pagtiimbagang ni Alrik. Hindi man ako sigurado kung nakita nga ba ako nito'y hindi ko parin maiwasan ang kabahan. Alam kong hindi maganda ang pakikinig sa pinag-uusapan ng iba kaya labis ang kaba ko lalo na kung malaman niyon ang ginawa ko. Habang mabilis paring naglalakad ay marahan kong paulit ulit na hinahampas ang dibdib ko. Sa t'wing naaalala ang nakitang paghalik ni Maureen sa kanya. Dahil ba lasing siya o dahil ba matagal na niya iyong gustong gawin kay Alrik? Sabi na nga ba may itinatago itong pagtingin kay Alrik at mukhang ngayon lang nakakuha ng pagkakataon para sabihin ang bagay na ‘yon. Pero bakit ako nasasaktan? May karapatan ba ako? Ni hindi ko nga alam kung ano 'tong nararamdaman ko! Sa lalim nang mga iniisip ko'y hindi ko agad napansin ang batong nasa harapan ko. Nakita ko na lang iyon ng mapatid ako, mariin akong napapikit dahil alam ko ang lupa na ang sasalo sa akin. Pero unti-unti rin akong napamulat ng maramdaman ang mga kamay na humila at pumulupot sa bewang ko bago pa ako mapasubsob sa lupa. Nang tuluyan magmulat ng mga mata ko'y nakita ko na lamang ang sarili kong nasa bisig ng isang taong hindi ko inaasahan. Nanlalaking mga matang napatulala ako rito. Habang siya ay seryoso at madilim lang ang mga matang nakatingin sa akin. Napalunok ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa'y amoy na amoy ko na ang panglalaki nitong pabango. Kahit madaling araw na ay napakabango parin niya. Parang gusto kong magtagal pa sa mga bisig nito at yakapin rin siya pero ng maalalang nakalingkis si Maureen sa kanya kanina'y agad rin akong napalayo at naitulak ito. Hindi naman ako nahirapan dahil kusa na rin naman siyang kumalas sa pagkakahawak sa bewang ko. Tumikhim ako at iniwasan ang mga mata niyang seryoso at mariing nakatingin sa akin. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay para bang mas nadagdagan pa iyon. Iwas lang ako ng iwas kahit hinuhuli parin nito ang mga mata ko gamit ang madidilim niyang mga mata. “You saw it.” He's not even asking! He knew it. He knew I was there! “Anong pinagsasabi mo?” syempre kailangan ko paring magkaila... Nanliliit ang mga mata niyang pinakatitigan ako na para bang hindi na ako dapat mag sinungaling dahil nakita na niya ako do'n. Damn! Ang talas naman ng mga mata niya! “Don't deny it. Hindi kita susundan rito kung hindi kita nakita ro'n.” mariing aniya na muling nakapag-palunok sa akin. “Fine. Nakita ko nga,” nakanguso at pairap ko na lang na pag-amin rito. Umangat naman ang sulok ng labi nito na para bang nakuha na ang kanina pa gustong kumpirmahin. Napairap na naman ako. Hindi na siya ulit nag salita at mariin na lang nakatingin sa akin. Umiling na lang ako at tinalikuran siya. Babalik na lang ako sa loob pero bago pa ako makahakbang ay naramdaman ko ang marahang paghawak niyon sa braso ko at muli akong pinaharap sa kanya. Napatingala tuloy ako at nagtataka itong tinignan. Nakayuko naman siyang nakatingin rin sa akin at iyon na naman ang nag iigtingang mga panga na hindi ko alam kung anong dahilan. “Babalik na ako sa loob.” sabi ko na lang dahil hindi naman siya umiimik. “H'wag na. Hintayin mo na lang sila rito. Malayo na kung lalakad ka pa pabalik do'n.” masungit na aniya. Hindi parin nito binibitawan ang braso ko. Kunot noo ko naman siyang tinignan. Umirap lang siya at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko rin naman kung saan siya nakatingin pero agad ding napangiwi dahil hindi ko napansing nasa parking area na pala kami. Sa lalim siguro ng mga naiisip ko kanina'y hindi ko namalayang dito na pala ako dinala ng mga paa ko. *** Ilang sandali pang naging tahimik. Nakaupo na siya sa medyo may kataasan at payat na semento na nagsisilbing harang para siguro hindi sumobra sa pathway ang pag park ng mga sasakyan roon. Habang nakapaekis ang mga kamay sa dibdib nito. Umihip ang malamig na pang gabing simoy ng hangin kaya naman mabilis akong napayakap sa sarili. Halos maga-alas cuatro na ng madaling araw kaya naman napakalamig na. Nagulat pa ako ng may marahang mga kamay ang humila sa akin kaya napaatras ako. Nilingon ko iyon at ang nakakunot na noo ni Alrik ang agad sumalubong. Inilapit niya ako sa kanya. Kahit nagtataka ay hindi na lang ako umangal at hinayaan na lang siyang mas ilapit pa ako sa kanya. Halos ang sasakyan na lang din nila Kuya Ras at Kuya Remus at pati na rin ang kay Alrik ang nandito sa parking area. Umuwi na ang mga bisita. Kahit nga si Maureen ay nauna na ring umuwi dahil sinundo iyon ng kanilang driver. Sina Kuya at sina Ate Ivy naman ay nasa loob pa siguro'y tumutulong pa ang mga iyon kila Kuya Yuan. Napabalik at patagilid akong napatingin kay Alrik nang marahan nitong pinag-parte ang mahahabang mga binti at muli na naman akong hinila palapit sa kanya. Napalunok ako ng walang pasabi niyang hapitin ang bewang ko at maingat akong inangat paupo sa kandungan niya. Ayan na naman tuloy ang maingay na pagkabog ng puso ko dahil sa ginawa niya. Feeling ko pa nga naging bato ako bigla dahil napadiretsyo lang ako ng upo sa kanang hita niya. Pero parang wala lang iyon sa kanya dahil seryoso lang ito. Ang kaliwang kamay niyang nasa mga hita ko ay nakapirmi lang. Para pa ngang nakapisil iyong mga daliri niya sa kanan kong hita dahil pansin ko ang paglubog ng hinlalaking daliri no'n. Ang kanang kamay niya ay nasa gilid lang. Pero mayamaya'y umangat din 'yon at banayad na kumapit sa gilid ng aking bewang. Unti-unti'y naglakbay ang kamay niya sa likuran ko. Para akong nakuryente dahil sa mainit niyang palad na nakalapat sa gitna ng likod ko at marahang kinikiskis ang hinlalaki roon. Wala sa sariling napahawak ako sa kamay niyang nagpapahinga sa mga hita ko. Napatingin ako sa kanya na na nakatingin rin pala sa akin. Naroon parin ang seryoso at nandidilim nitong mga mata at patuloy parin sa paghaplos sa gitna ng likuran ko na para bang pag mamay-ari niya iyon. Ang init ng palad niya kaya para akong napapaso. Napayuko ako at muling bumaling sa kanya. Para akong aantukin dahil ramdam ko ang pagpungay ng mga mata ko. Siya naman ay nagtiimbagang lang at agad na binalik ang kanang kamay sa gilid ng bewang ko. Parang dismayado pa nga ako dahil sa paghinto niya. 'di nag iisip na hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko. Ang laki no'n at ang init pa. Tumingin ulit ako sa kanya. “Ibalik at haplusin mo ulit. Nilalamig na naman ako.” •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD