CHAPTER 18

1380 Words
Nang sabihin ko iyon sa kanya ay mabilis ako nitong sinamaan ng tingin na para bang nagtitimpi lang siya sa akin. Gumalaw ang kamay niyon na nasa mga hita ko at para pa ngang problemadong-problemado na hinilot ang taas ng matangos niyang ilong na nasa pagitan ng makapal at itim na itim na mga kilay. Magkasalubong ang mga iyon. Hawak ko parin ang kanan niyang kamay. Nagmulat siya ng mga mata kaya pasimple ko siyang nginitian. Umirap naman siya. Tapos binalik din niya sa mga hita ko ang kamay niya. Tinignan ko iyon dahil ramdam ko ang gigil ng pag pisil niya rito. Sakop na sakop pa naman niya iyon dahil sa laki ng kamay niya. “Ulitin mo nga ang sinabi mo,” seryosong aniya. Ngumiti ulit ako rito. “Sabi ko, ilagay mo ulit 'yang kamay mo sa likod ko. Para hindi ako lamigin.” gusto yata niya ng mas detalyadong paliwanag. Huminga naman siya ng malalim. “Bakit kasi nagsuot ka pa ng labas ang likod?!” asar niyang sabi. Mahina akong natawa. “Maganda naman ah.” he just tsked. “Dali na. Caress my back again, Alrik...” Hindi naman siya umimik kaya ginalaw ko ang kamay niyang nasa bewang ko at walang ingat iyon iniangat. Masama na naman ang tinging ipinukol niya pero binalewala ko parin iyon. Nang gagawin na sana niya ang pinapagawa ko ay parang bigla akong natauhan nang makarinig ng nagmamadaling mga yabag na papalapit sa'min. Wala sa sariling agad akong napatayo na naging dahilan naman para umangat ang laylayan ng suot kong romper. Nakalimutan kong nando'n pa nga pala sa mga hita ko iyong kamay niya, kaya naman 'di sinasadyang nahawi no'n pataas ang suot ko. Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin dahil naka focus na ang atensyon ko kila Kuya Ras, Kuya Remus, Ate Ivy at Ate Rayah na papalapit sa'min. Lumayo ako ng konti kay Alrik. Umikot na lang ang mga mata ko ng tumaas ang kilay nito. Parang gusto yatang ipamukha sa akin na kanina lang ay ang lapit-lapit namin sa isa't isa. Pero nang may parating, daig ko pa ang isang kuting na biglang naging mailap. Tuluyan silang nakalapit sa'min. Pansin ko ang pag sulyap ni Kuya Remus kay Alrik na nakatayo at seryoso lang sa tabi. “Puwede bang isabay mo muna itong si Analia pauwi?” biglang aniya na nakapagpakunot ng noo ko. Huh ano daw?! Hindi naman sumagot itong isa at pasimple akong sinulyapan. “Ihahatid pa namin sina Ivy sa kanila. Baka inaantok na 'yan, matatagalan pa kami.” patuloy pang mungkahi ni Kuya Ras. “Kung okay lang naman ‘yon sa'yo at hindi magiging abala.” si Kuya Remus iyon na seryoso lang nakatingin. Itong sila Kuya talaga! Sila ‘tong nagdala sa akin rito tapos ipapasa lang din pala ako sa iba! “Sama na lang ako sa inyo, Kuya.” ‘di na nakatiis na sabi ko. Sabay naman silang lumingon kung nasa'n ako at sabay pang umiling. “H'wag na. Maiinip ka lang. Sa Vilmar ang diretsyo namin ni Ate Ivy mo.” “Eh, kayo?” “Sa bahay lang ng Ate Rayah mo. H'wag kanang sumama. Umuwi ka na. Malapit kanang maging panda, nangingitim na ‘yang gilid ng mata mo.” natatawa pang ani Kuya Remus. Agad akong napangiwi at mabilis na kinuha ang compact mirror sa dala kong maliit na bag at hinanap ang sinasabi niya. Napanguso ako at walang ganang inirapan si Kuya Remus. Wala naman ah! Natawa naman sila Ate Ivy at Ate Rayah nang padabog at nakanguso kong binalik ang compact mirror sa bag. Wala talagang matinong nasasabi itong si Kuya Remus. “Oh, pa'no ikaw na ang bahala sa bunso namin, Alrik” Si Kuya Remus na tila ba mas sumeryoso ang boses ng ibilin ako rito. Ipinagdiinan pa nga ang salitang bunso. Tanging pagtango lang naman ang naging sagot niyon kay Kuya. “Pumasok ka na sa loob, Analia. Nga pala, bago ka matulog mag agahan ka muna para malamanan iyang sikmura mo” bilin naman ni Kuya Ras. “Opo, Ingat kayo sa biyahe.” huling sabi ko bago sumakay sa nakabukas na pinto ng itim na SUV. Hinintay pa muna ni Alrik na makaalis ang sasakyan nila Kuya bago siya pumasok rito sa loob. Tahimik niyang sinara at ini-lock ang pinto. Nilingon niya ako sandali. Nagulat pa ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Sobrang lapit na naman namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko na naman ang kabanguhan niya. Napalunok at mariin akong napapikit ng gumalaw ulit siya. Hindi ako kumilos pero nang may narinig akong tumunog ay bigla akong napamulat. “Seatbelt,” Nag init ang pisngi ko. Ang dumi naman ng isip ko! Ano bang nangyayari sa'yo, Analia?! Napatingin ako sa katabi ko nang mahina siyang natawa. Kagat-kagat nito ang pang ibabang labi. Nasa harap lang ang tingin habang nakahawak ang isang kamay sa manibela at ang isa ay sa kambyo. Mayamaya ay tumikhim ito at sumeryoso na siya ng sulyapan ako. Dahil sa nararamdamang pagkapahiya ay inirapan ko na lang ito at agad na nag iwas ng tingin. Ramdam ko parin ang pag iinit ng mga pisngi na sa palagay ko’y namumula na iyon. *** Ipinagkasya ko na lang ang mga matang tumanaw sa labas hanggang sa tuluyan kaming makarating sa mansyon. Ipinasok niya ang SUV hanggang sa tapat ng mansyon. Binuksan ko naman ang pintuan sa gilid ko at saglit siyang tinignan. “Salamat sa paghatid,” tumango naman siya. Lalabas na sana ako nang may maalala. “Hmm, Kape. Baka gusto mo munang mag kape para hindi ka antukin sa daan.” hindi siya sumagot. “Sige na. Tapos dito ka na lang din mag agahan.” pangungulit ko pa rito. Wala na naman siyang sinabi pero nang patayin niyon ang makina ng sasakyan at binuksan ang pinto sa gilid niya ay malapad akong napangiti. Mabilis akong lumabas baka magbago pa ang isip niya. Sabay naming tinahak ang daan patungo sa kusina. May mga nakahanda nang pagkain do'n. Naabutan namin si Nay Juana na maingat na nilalapag ang babasaging mga baso pati na rin ang dalawang plato. Saka lang kami napansin nang matapos sa kanyang ginagawa. “Oh, mabuti naman at dumating ka na, hija. Nasabi nga sa akin ng Kuya Remus mo na kasama mo itong si Alrik.” ani ni Nay Juana matapos kong mag mano rito. “Opo, Nay.” “Oh, siya, sige. Mag agahan na kayo. Nga pala hijo, gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita.” iyon naman talaga ang ipinunta niyan rito e. Magalang naman na tumango at tipid na ngumiti si Alrik na nasa tabi ko. Tatalikod na sana si Nay Juana para kumuha ng kape pero mabilis din akong nakalapit rito at nag presinta na ako na lang ang gagawa dahil akong naman ang nagyaya. “With sugar or no sugar?” baling ko sa kanya ng makaalis si Nay Juana. May gagawin pa raw kasi siya sa likod. “No sugar,” “Gusto mo ba ng may creamer?” tanong ko pa. Tumango naman siya. “Nag three in one ka na lang sana,” Mayroon naman kasi ditong— blend and brew coffee at kopiko brown coffee. Oh, kung gusto naman niya ng alot of creamer, there's kopiko blanca here. Ayan kasi ang madalas na iniinom nila Nay Juana pati na rin iyong ibang kasambahay. Halos lahat din ng mga driver. Pati nga ang mga nasa rancho ito ang nakikita kong kasama sa kanilang merienda kahit kasagsagan ng tag-araw eh. “Hihimay-himayin mo ba isa-isa ang piraso ng mga asukal na nand'yan?” nang hahamon na aniya. “Huh? Hindi,” mabilis ko ring nasabi at tinuloy na lang ang pagtitimpla. Hindi ako sigurado sa lasa no'n kaya lihim akong napapangiwi na iniaabot iyon sa kanya. Kinuha naman niya ‘yon at marahang inangat para tikman. Tuluyan na nga akong napangiwi nang mapapikit ito at mabilis na napakunot ang noo. Dahil siguro sa lasa no'n. Ito naman kasing si Nay Juana basta na lang umalis na hindi man lang sinabi na wala naman palang nakahandang kape sa coffee maker. Kasalanan ko rin naman, hindi ko pinakinggan ng maayos ang sinabi niya! •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD