CHAPTER 19

1016 Words
When Monday came, almost half of the subjects instructors are giving us project to do. Some of them has to be submitted this coming friday. It was kinda a hectic schededule for us because we don't have time to relax and to think most of the instructors are terrors. Nang natapos na ako sa iba ay lumabas muna ako sa kwarto ko para kumuha ng pagkain sa kusina. pagkarating ko palang kasi galing sa school ay hindi na ulit ako bumaba para mag merienda. Inumpisahan ko na kasing gawin ang isang project ko sa isang subject at nang matapos ay sinunod ko rin ang isa pa. Para naman konti na lang ang iisipin ko. Meron na lang din akong dalawang araw para gawin ang mga 'yon. Nang makababa ako, tinungo ko rin agad ang kusina. May naririnig akong nag uusap ro'n kaya napahinto ako. May bisita ba sila Kuya? Pumasok na ako sa kusina, naabutan ko ro'n si Kuya Remus habang kaharap naman si Alrik. Kinabahan ako ang makita ulit siya at napakunot pa nga ako ng noo dahil sa pagtataka pero lihim din akong napangiwi ng may maalala. Bakit kasi nagkakape pa ito ngayon?! "Oh, and'yan ka pala. Kanina ka pa nakauwi ah, ba't ngayon ka lang bumaba?" ani Kuya Remus nang mapansin ako nito sa may bungad ng pinto. Lumapit ako sa refregirator at kumuha ro'n ng freshmilk at maingat na sinalin iyon sa may kataasang babasagin na baso. "Gumawa pa kasi ako ng projects, Kuya." Sinunod ko namang kunin ang dalawang sandwich na nasa gitna ng mesa habang tarantang iniiwasan ang mga nanliliit at seryosong mga mata ni Alrik na kulang na lang ay sundan ang bawat galaw ko. I've already visited a doctor yesterday. Nagpasama ako kay Bliss para magpakunsulta sa kung ano na nga ba itong kakaibang nararamdaman ko. Nagkataon namang meron siyang Titang cardiologist kaya hindi na namin kinailangan pa ang magpa-appointment at nagkaton rin namang kalalabas lang ng huling client no'ng Tita ni Bliss And when I had finally knew the reason behind this confusing behavior of my stuborn heart. I am still here— processing and trying to figure out if it's real. And now, Alrik is here... seriously looking at me, not even minding my brother presence. "Hindi ka ba rito kakain, Analia?" napatigil ako sa paghakbang ng tanungin sa akin iyon ni Kuya Remus. Umiling ako. "Nope. Sa taas na po Kuya, may gagawin pa po ako e." totoo naman 'yon. "Okay. Tatawagin na lang kita pag kakain na." Tumango ako 'di sinasadyang napatingin kay Alrik na nakatingin parin pala sa akin. Lihim na lang akong napalunok at mabilis rin iyon iniwasan ng tingin. Nagmadali na akong umalis sa kusina. Nang makapasok ako sa kwarto ay saka ko lamang naramdaman ang hingal dahil sa pagmamadaling makaakyat rito. *** Nasa bungad pa lang ako ng pintuan nang classroom ay ang mukha kaagad ni Bliss at Haria ang bumungad sa akin. Napaatras pa nga ako dahil sa sobrang lapit nilang dalawa. "Uy, Analia, natapos mo na ba ang project natin?" 'di pa nga ako nakakaupo sa upuan ko'y nagtatanong na agad siya. "Tapos na, kayo?" umupo na rin ako pagkatapos kong sagutin ang tanong ni Bliss. Nagulat pa nga ako nang pumalakpak ito na akala mo nagtatawag ng kalapati sa kung saan." "Good. Nakakapagod ang linggong 'to kaya deserve natin ang magsaya." dugtong pa ni Bliss habang magkadaop palad pa ito at may malaking ngiting nakaukit sa labi. "Ano na namang binabalak mo?" duda ako sa sinasabi ng babaeng 'to. "Let's go to La Ingrid this saturday!" hyper na aniya. Kulang na lang ay mag ningning ang mga mata niyon. "Malayo 'yon diba?" sa kabilang bayan pa 'yon. "May sasakyan naman." parang wala lang na ani Haria na nasa tabi ko at nakaupo pa sa armchair. "Oo nga, Analia may sasakyan naman tayo saka masaya do'n. Walang gaanong tao sa resort na iyon pag saturday." panghihikayat pa nito. "Kung makapaggala ka daig mo pa ang graduating students e." "Grabe ka! isipin mo na lang malapit na ang completion natin." "Sa isang taon pa 'yon!" natatawa nang ani ko pa. "Oo nga naman Bliss, 'di mo nga sure kung makakapasa ka e." singit naman ni Rimuel na kararating lang. "Loko ka! syempre papasa ako niyan." singhal nito kay Rimuel. "Oo basta araw araw na nakakakopya, makakapasa 'yan." dagdag pa ni Hazon. Nagtawanan kaming lahat nang ngumuso si Bliss at walang pagdadalawang isip na binatukan si Hazon na napangiwi pa nga. "Atleast, may diskarte." hirit pa nito. "Ano, sa sabado ha? Dito rin sa harap ng school tayo magkita kita. ako na bahala sa sasakyan natin." desisyon na nito. "Game ako!" sang ayon pa ni Haria na mukha nang excited. "Kayo?" baling naman nito kila Rimuel at Hazon. "Sama rin kami," Lahat naman sila napatingin sa akin at matamang na naghihintay. Pinanlakihan pa ako ng mga mata ni Bliss kaya napairap naman ako. "Mag papaalam pa 'ko kila Kuya," "Huh? Nand'yan ba ang mga Kuya mong ubod nang popogi?!" natawa ako sa sinabi niya. "Oo," "Sino nga 'yong sumusundo sa'yo rito?" 'di mapakaling aniya pa. "Si Kuya Remus, bakit?" parang nag twinkle naman ang mga mata niya at iglap lang nakalapit na siya sa akin. "Susunduin ka ba niya mamaya?!" kunot noo ko na siyang tinignan. "Oo, bakit nga?" pabulong naman siyang napatili at nahampas pa ako sa braso kaya sinimangutan ko na si Bliss. "Crush ko 'yon. Ang guwapo kasi!" walang hiyang aniya. Kiligin pa kaya siya kung sabihin kong may girlfriend na si Kuya Remus? "Minsan nga, Analia kung may group project... do'n tayo sa inyo para masilayan ko naman iyong Kuya mo." dagdag pa nito. Napailing na lang ako. "Wala bang girlfriend ang Kuya mo?" iyan na nga ba ang sinasabi ko. "Meron," Dahan-dahan namang napalayo at unti-unting napaupo sa upuan si Bliss habang nakahawak pa sa dibdib at kunwari pang pinunasan ang baba ng mga mata na akala mo umiiyak. Natawa ako ng irapan nito si Haria na siyang nag tanong. Alangin namang ngumiti si Haria na napakamot pa sa gilid ng pisngi. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD