It's been thirty minutes since we arrived outside the academy. Seven o'clock in the morning ang call time pero hanggang ngayon, ang nagyayang si Bliss ay hindi parin dumarating. Saktong seven akong dumating rito at five minutes late naman ang tatlo. Buti na lang pinayagan ako nila Kuya.
“Ang tagal naman ni Bliss!” inip na turan ni Rimuel sa gilid.
“On the way na raw,” Nakatingin sa cellphone na ani ni Haria.
“Baka naman nasa bahay pa nila. Wala akong tiwala sa on the way na 'yan!” natatawang ani Hazon.
Mukhang inip na inip na siya dahil binubunot-bunot na niya ang kawawang ligaw na damo sa harapan niya.
“Loko ka talaga, Hazon. Kaya ka nababatukan no'ng babae na 'yon e!”
Nakatawang ani Rimuel at binato ng napulot na tangkay na kahoy si Hazon. Tinamaan naman ang huli sa noo. Hanggang sa nag batuhan na sila ng kung anu ano.
“Tama na nga 'yan! Oh, and'yan na pala si Bliss,” awat ni Haria na nakatingin sa humintong white Hiace.
Mabilis na bumaba ro'n ang naka floral craptop at denim short na si Bliss. Malapad ang ngiting kumaway sa amin at sinenyasan kaming lumapit sa Hiace.
“Naks, parang hindi late. Lapad ng ngiti.” nakairap na pahaging ko naman rito.
Umirap din naman siya. “May dinaanan pa kasi.” paliwanag naman niya.
Hindi na kami sumagot at pumasok na lang sa loob ng van at basta na lang iniwan siya sa labas. Tatlo at kalahating oras nang makarating kami sa La Ingrid Resort. Malapit lang iyon sa main road at pagliko lang kaagad mo ring makikita ang resort.
Lumabas na kami sa Hiace ng huminto iyon sa parking area ng La Ingrid. Naglakad pa kami ng ilang minuto bago makarating sa reception area. The resort has an only two-storey building, sapat lang para sa mangilan-ngilan na gustong mag overnight.
Nang matapos kaming magpa-registered ng mga pangalan ay agad na kaming pumunta sa likod naro'n kasi ang dagat kung saan may mga cottages. Ang pinakamalaking cottage ang kinuha ni Bliss.
Mula rito ay kitang-kita ang medyo maalon na dagat sa 'di kalayuan na binabasa ang medyo may kaputian na buhangin. Bliss is right. Konti nga lang ang tao rito o dahil maaga pa naman.
“Ano'ng gusto niyong order-in?” ani Haria na seryosong nakatingin sa menu na kinuha pa niyon mula sa gitna ng mesa.
“Just order some rice and seafoods. Bahala ka na sa iba.” mabilis na ani ni Hazon.
“alright, how about chips?”
“I want baked nachos with cheeze. Samahan mo na rin pala ng salted fries at iyong may cheeze na rin.”
Bahala na pala sa iba... Sila na rin naman ang pumili.
“How about you, Analia?” baling naman ni Haria.
“Nasabi na nila. Mango shake with milk ang akin.”
“Me too!” nakataas pang kamay ni Bliss na animo'y nag rerecite.
“Iyon na lang din ang akin,” magkasabay pang ani ng dalawang lalaki.
“Got it,” huling sabi ni Haria matapos mag take down notes na agad ring hinila si Rimuel at Hazon para samahan siyang um-order.
After eating an early brunch, we just took a bit rest para pababain ang mga kinain bago sugurin ang mga alon sa dagat at maligo ro'n.
“Tara na!” biglang ani ni Bliss at excited na hinubad ang floral craptop bago sinunod ang denim short.
Naiwan ang two-piece na neon green na pangloob. Masakit sa mata, pero bumagay naman iyon sa morena niyang balat. Sumunod naman rito si Haria na nakasuot na lang din ng pale pink na two-piece halos parehas lang sila ni Bliss na morena. Maganda na rin ang hubog ng mga katawan sa edad nilang seventeen. Pareho namang naka swimming trunks ang dalawang lalaki at nauna nang tumakbo patungo sa dagat at agad na nagtampisaw ro'n.
Binaba ko ang hawak na cellphone at tinanggal na rin ang mga saplot sa katawan. Mas gusto ko ang sport bra at cycling short kaya iyon na lang ang isinuot ko.
***
Alas tres na nang hapon ng mapilitang umahon sa dagat dahil sa medyo kumulimlim ang langit at mukhang nagbabadya ang panahon. May kalakasan na rin ang hangin. Nagsisipag-ahon na rin ang ibang naliligo dahil nga sa biglaang pagdilim.
Mabilis kaming nagbihis sa comfort room. Kinuha ko ang cellphone at agad na tinext si Kuya Remus para ipaalam na magpapasundo na ako rito.
Nasa parking area na kami at naabutang naghihintay na ro'n ang driver nila Bliss. Nakasakay na silang apat ng balingan ulit ako ni Bliss.
“Sigurado ka bang hindi ka sasabay? Mukhang uulan ng malakas.” worried na aniya pa.
Umiling ako at ngumiti. “Hindi na. Papunta na rin 'yon si Kuya. Ingat kayo pauwi,”
“Sigurado ka ha!” tumango ako.
“Oh, sige na nga. Ikaw rin mag ingat ka, do'n ka na lang sa waiting shed maghintay. Alis na kami.”
Minutes had past and still no signs of Kuya Remus. I sighed repeatedly and sat at the corner of the waiting shed and patiently waiting for my brother's arrival. But to my surprise, a familiar black SUV entered the La Ingrid parking area and stopped at the right wing just a bit far from where I've been seating.
Damn! What is he doing here? Hanggang dito ba naman, makikita ko parin siya?! I'm already panicking when he walked. Pinag-aaway ko na ang mga daliri ko sa likuran habang papalapit siya. He's hands is in his pocket. Diretsyo lang ang mga matang nakatingin sa akin. 'di kaya siya matisod niyan?
Saktong nakalapit siya at huminto sa harapan ko ay saka naman tumunog ang cellphone ko na nasa bag. Taranta pa akong hinagilap iyon sa bag ko.
“Kuya!” iritang ani ko kay Kuya Remus.
“And'yan na ba si Alrik?” 'di man lang pinansin ang pagkairita sa boses ko.
“Ba't siya ang nandito? Asa'n ka?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
“Sinundo ko sila Mom at Dad, ” parang wala lang aniya.
Huminga ako ng malalim at napairap na lang.
“Ba't ikaw ang nag sundo? Asa'n si Kuya Denise?”
“Kasama ni Ras sa manila. Bukas pa uuwi,”
“Nasa bahay na po ba kayo?” nakasimangot na tanong ko pa
“Oo. Kadarating lang namin. Sorry na, and'yan naman si Alrik. Napakiusapan kong puntahan ka d'yan.”
Bumaling naman ako kay Alrik na seryosong nakatayo sa harap ko. Tumaas ang isang kilay niya ng mapansin sigurong napapatagal ang tingin ko sa kanya. Umiwas ako.
“Nang abala ka pa ng ibang tao, Kuya!”
Dinig ko naman ang malakas na pagtawa niyon sa kabilang linya.
“Hindi ka abala sa kanya” huling aniya at biglang pinutol ang tawag.
•••