Gigil kong tiningnan ang cellphone ko nang putulin ng magaling kong Kuya ang tawag. Kung makatawa akala mo may gustong patunayan na hindi naman masabi-sabi.
“Let's go,”
“Ahm...”
Bigla siyang napairap sa sinabi ko at basta na lang akong hinila. Binuksan niya ang pinto sa harapan at inutusan akong pumasok sa loob. Tahimik na lang akong sumunod rito. Kabado pa ako nang makapasok na rin siya sa loob ng SUV. Diretsyo lang ang tingin ko sa unahan kahit na ramdam ko ang titig niyon sa akin. Napasiksik ako sa gilid nang bigla siyang lumapit. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya sinimangutan ko ito. Problema niya?!
“Always put your seatbelt, Lia.” aniya matapos hilain at ikabit ang seatbelt sa pagitan ko.
Tumango na lang ako. Nagtaka ako nang hindi parin siya nag uumpisang magmaneho paalis rito. Unti-unti na ring nagpapatakan ang ulan mula sa labas. Nilingon ko siya para sana sabihing mag drive na siya pero agad ko rin nabawi ang tingin nang makitang kunot na kunot ang noo nito habang magkakasalubong ang mga kilay.
Cursiously, I followed his gaze. He's shamelessly looking at my cleavage. I breathed a deeply sighed because of the way he look at the sight of my exposed skin. Nag angat siya ng tingin at biglang ako naman ang iritadong tiningnan. He's glaring at me as if he was telling me that I did something wrong.
“What?”
Hindi siya nag salita at walang imik na lang na inangat ang suot ko. Sapat lang para maitago ang balat sa pagitan ng dibdib ko. Sa pagtaas naman niya nang damit ko ay kusa rin ang pagtaas ng laylayan niyon kaya pareho kaming napatingin do'n. Ang kaninang kalahating hita lang ang kita ay mas tumaas pa kaya halata ang pag-iksi niyon.
Marahas siyang napasinghap at mariing pumikit. Nang magmulat ay agad ring nagtama ang aming mga mata. Nakangiwi na ako ng hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang sama na niya kung makatingin. Dikit ang mga labi. Madilim ang mga mata. Taas baba na ang dibdib nito na para bang kanina pa nagpipigil.
Muli itong pumikit at huminga ng malalim. Pagmulat niya, may inaabot na ito sa likod pagkatapos ay diretsyo na sa labas ang tingin nang ibigay sa akin ang dalang itim na hoodie. Walang imik ko na lang iyon sinuot.
Mayamaya'y napalingon ako rito ng marinig ko siyang bumubulong-bulong na hindi ko naman maintindihan.
“May sinasabi ka ba?”
Umirap lang naman siya at hindi na ako pinansin.
***
Hindi pa kami tuluyang nakakalayo sa La Ingrid ng mas lumakas pa ang pagbuhos ng ulan sinasabayan na rin iyon nang malalakas na hampas ng hangin. Hindi na rin masyadong makita ang daan. Damn. Malayo pa rito ang Lavizares.
Binalingan ko si Alrik ng tingin. Seryoso lang siyang nagmamaneho at tutok na tutok ang mga mata sa harapan. Tama lang din ang bilis ng pagpapatakbo niyon sa sasakyan dahil madulas na ang kalsada. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya mabilis itong lumingon sa gawi ko, tumaas lang ang kilay at ibinalik rin agad ang tingin sa harap.
Humilig na lang ako sa nakasarang pinto sa gilid ko at pinagmasdan na lang ang nasa labas. The harshly pouring rain outside is making an iritating sounds and some of the trees are swaying nonstop from the wild wind. It looks like the harsh wind is cooperating with the rainstorm.
Muli akong napasulyap kay Alrik nang tumunog ang cellphone niyon sa taas ng dashboard. Sinulyapan niya iyon at ekspertong pinindot kahit nasa harap na ulit ang atensyon niya.
Sumabog ang malakas na boses ni Kuya Remus sa loob ng sasakyan. Naka konekta na pala iyon sa speaker.
“Damn! Alrik, Analia, nasaan na kayo?” nagmamadali nitong ani sa kabilang linya.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung anong lugar na 'to.
“Nakalagpas pa lang sa La Ingrid,” ani ni Alrik.
“ 'Wag na kayong tumuloy, may malapit bang hotel na maari ninyong tigilan d'yan?” kunot noo na akong nakikinig sa kanila.
“Wala, Bakit?” takang tanong na nang katabi ko.
Muli na namang nagmura si Kuya.
“Just go back to La Ingrid. 'Wag na kayo tumuloy pauwi. Ang lakas ng ulan. Iyon rin naman ang sabi nila Mom at Dad at baka mapa'no pa kayo sa daan.”
Tuloy-tuloy na ani Kuya Remus. Napabalik naman ang tingin ko kay Alrik nang bigla siyang mag u-turn.
“Alright” sabi lang niya.
Ang pagtikhim ni Kuya ang nagpabalik nang tingin ko sa cellphone.
“Hoy, Alrik iyang kapatid ko ha! Ayusin mo lang.” nagbabantang bilin nito.
Ang pag irap lang naman ni Alrik ang nakita ko.
“I know, Remus.”
Walang gana niyang ani. Ang matinis at nakakairitang halakhak na naman ni Kuya ang umalingawngaw sa loob ng sasakyan. Ang weird talaga nito.
“Analia,'wag kang mahiyang mag sabi ng kahit anong gusto mo d'yan kay Alrik. Ibibigay niyan ang kahit ano, basta ikaw.” natatawang ani Kuya Remus.
“Huh?!” wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi ni Kuya.
“Shut up, Remus!” mariing ani Alrik at walang pag aalinlangang pinatay ang tawag.
Huminto rin ang SUV kaya napatingin ako sa labas. Nasa parking area na pala ulit kami ng La Ingrid. Halos mapuno ang parking dahil sa mga nakapark na sasakyan may mga motor pa. Siguro huminto rin ang mga iyon dahil hindi na kaya pang suungin ang kalsada dahil sa lakas ng ulan.
“Bumaba na tayo,” aniya matapos ilagay sa ulo ko ang hood ng kanyang hoodie.
The lobby of La Ingrid hotel was quiet. There is only two receptionist at the right side who were attending the needs of their client. Alrik's gently holding my arms and quietly pulling me at the reception area. Nang huminto ay agad na kinausap ang isang babaeng nakaharap sa computer.
“Two rooms, please.” dapat isang room lang...
“Just a minute sir,” ani ng receptionist na may tipid na ngiti.
“We only have one vacant room, sir.” mapagkumbabang ani niyon.
Lihim naman akong napangiti. Hinila ko ang laylayan ng shirt ni Alrik kaya agad siyang tumingin sa akin.
“Kunin mo na 'yan. Okay lang naman kung isang room lang. Aksaya pa yan sa pera isang gabi lang naman...”
Pangungumbinsi ko pa. Tumaas naman ang kilay niya at pinanliitan pa ako ng mga mata. Binigyan ko naman siya nang ngiting tila nanghihikayat kaya sumama na naman ang tingin niya. Sa huli, sinunod rin naman niya ang sinabi ko dahil kinuha na rin niya ang nag iisang room.
•••