❀⊱Remy's POV⊰❀ Hidi ko alam kung bakit nagagawa nila na kontrolin ang katulad ni Ma'am Hera. Alam ko na sa pagpasok ko bukas ay galit na naman sa akin ang aking amo dahil nakialam na naman sila Diego. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay mawawalan na lamang ako ng trabaho dahil sa ginagawa nila sa hotel ng aking amo. Kung minsan tuloy ay napapaisip na lang ako kung mag resign na lang kaya ako. "Ayun mataas na ang lagnat ng sira uling 'yon, pulang-pula pati ang mukha. Remy pwede ka ng pumasok sa silid niya, nabihihisan na namin ni Hugo ang boyfriend mo," ani ni Thomas kaya nagmamadali akong pumasok sa loob ng silid ni Diego. "Hi babe, pwede ba dito ka matulog sa tabi ko? Promise wala akong gagawin na kahit na ano sayo. Gusto lang kita makatabi mamayang gabi," ani ni Diego sa akin. H

