Kabanata 115 A L I S O N Kahit late na late na kami natulog ay maaga pa din kaming nagising kinabukasan. Babangon pa lang sana ako nang humigpit ang pagkakapalupot ng braso ni Blake sa baywang ko. Nahinto tuloy ako at napabaling sa kanya. Nakadilat na ang mga mata niya pero namumungay pa ang mga ito, tila inaantok pa at kulang na kulang pa sa tulog. Namumula ang mga labi niya at natetemp akong halikan ang mga iyon. Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ng puso ko ngayon kahit na nasa gitna ako ng kaguluhan. Maraming pwedeng mangyari, walang kasiguraduhan ang lahat pero nakukuha ko pa ding sumaya kahit sa maiksing panahon lang na ito. Gano'n yata talaga kalakas ang pwersa ng pag-ibig. Nagagawa ka niyang pasiyahin sa kabila ng napakaraming problemang kinakaharap mo. Nag-init ang mukha

