Kabanata 114 A L I S O N "You missed me too," aniya habang nakaunan ako sa kanyang dibdib at naghahabol ng hininga. Dalawang beses pa naming ginawa ulit iyon bago nauwi sa ganito. Nakatihaya siya ng higa habang nakaunan ako sa dibdib niya at nakayakap sa kanyang baywang. Ramdam ko ang konting hingal niya sa nangyari. Mas naging mapusok at agresibo ang galaw niya ngayon kumpara sa nauna. At nakakahiya na siya lang ang gumawa lahat, wala manlang akong nagawa kundi ang dumaing lang sa sarap hanggang sa matapos kaming pareho. Inangat ko ang kamay ko hanggang sa kanyang dibdib at pinabayaang maglaro ang mga daliri ko doon. Ngunit agad niyang hinuli iyon. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Madilim nanaman ang tingin niya sa akin, para bang nagtitimpi or what. Tinaasan ko siya ng kilay. Huw

