Kabanata 113 A L I S O N Nakatulog kami pareho pagkatapos noon. Nang magising ako ay nasa tabi ko pa din naman siya pero sa palagay ko mahaba-haba ang naging tulog namin. Sa sobrang komportable ko sa yakap niya ay napasarap tuloy ang tulog ko. Mukhang ganoon din siya. Hindi na namin namalayan ang oras. At kung tama ang hula ko, madilim na sa labas ngayon. Dahan-dahan akong bumangon para hindi ko siya magising. Mukha kasing ang sarap-sarap ng tulog niya, ayokong maistorbo iyon. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang tulog na tulog pa din. Sa itsura niya ngayon, parang ngayon lang siya nakatulog ng ganito sa loob ng limang taon. Ang payapa niyang tignan habang natutulog, ang sarap tuloy pagmasdan at titigan. Kung hindi ko lang naisip ang hapunan namin ay baka hindi na din muna ako buma

