Kabanata 63 B L A K E “Kuya!” My little sister immediately ran to me with a big smile on her lips when she saw me entering the dining room. A smile appeared on my lips too. Hindi ko itatanggi na-miss ko din siya at mukhang sobrang na-miss niya din ako sa sobrang higpit ng yakap niya sa akin ngayon. Mas lalo niya pa ‘yong hinigpitan kaya natawa na ako. Hindi naman halata sa kanyang na-miss niya nga talaga ako. Halos ilang araw din akong hindi umuwi dito sa bahay, kaya hindi kami nagkikita. Nasanay kasi siya na halos araw-araw akong bumibisita sa kanya dito. She's home-schooled. Hindi din masyadong lumalabas o mas tamang sabihing hindi pinapalabas. Nakakalabas lang siguro siya ng bahay kapag ako ang kasama niya. Madalas ko kasi siyang itakas. Wala naman kasi akong pakialam kung mapagali

