Kabanata 62 A L I S O N Nang kumalma si Thalia ay siya namang pagdating ng kapatid niya. Nakahiga na siya sa sofa namin at naka-unan sa hita ko nang datnan ni Matteo. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Matteo pagkakita sa kapatid. Nakapikit ito at mukhang nakatulog na din dahil sa mahabang pag-iyak. Halos magdadalawang oras ko din siyang pilit na pinapakalma. Ganito naman talaga si Nathalia kahit noon pa. Sobrang sensitive niya at iyakin pero hindi ko naman nakikitang kahinaan niya iyon. Para sa akin matapang pa nga siya dahil nagagawa niyang ipakita sa ibang tao iyong ganitong side niya. Ako kasi hindi. Hindi ko kayang ipakita sa mga tao ang totoo kong nararamdaman. Hindi ko alam. Pakiramdam ko iyon ang kahinaan ko bukod sa mga mahal ko sa buhay. “Ano bang nangyari?

