Kabanata 68 A L I S O N "Bukas na ako mag-eenroll. Ikaw ba?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagmamaneho ni Blake. Pauwi na kami ngayon mula sa pamamasyal sa Tagaytay, hindi na din naman kami nagtagal doon dahil kailangan din naming umuwi agad para makapagpahinga naman. Wala ulit kaming pasok kinabukasan kaya balak ko sanang mag-enroll. Ilang araw na lang din kasi at magpapasukan na ulit. Ang bilis nga naman talaga ng panahon. Parang kakatapos lang ng first semester. Totoo ngang hindi mo mamalayan ang paglipas ng panahon kapag masaya ka bawat araw. "Kung bukas ka, bukas na din ako." Tinaasan ko siya ng kilay. "Ipapaalala ko lang sa'yo, hindi tayo pwedeng makitang magkasama." Sandali siyang sumulyap sa akin at napabuntong hininga. "Alam ko hindi mo na kailangang ipaalala. Sasabay ako ka

